The Ultimate Dare

6.7K 185 54
                                    

Just bringing this back :)

****
Ara's POV

"Truth or dare tayo mga baks!" Biglang sigaw ni Carol habang pababa ng hagdan. Ang bigat ata ng paa at napakalakas ng dagundong ng bawat yabag nya.

Nakita ko rin sila Mika at ang kambal na kasunod ni Kim. May dala dala silang board na madalas naming ginagamit sa mga truth or dare games namin. Pauso ni Cams bilang sya naman DAW ang pinaka witty sa amin.
Nagkumpulan ang mga teammates namin sa sala habang inassemble na si Cienne ang board.

Sumalampak na rin ako sa sahig katabi si Mika. May kahabaan ang board kaya malaking space ang na-occupy namin.

Bale may 24 boxes yung board. Sa bawat box, may type ng dare. Actually hindi talaga siya truth or dare. Puro dare lang talaga hahaha. May simple dare, daring dare, kaderDARE, at kung anu-ano pang dare. Pero ang pinaka matindi sa lahat-- the ultimate dare.

Kapag yan ang napunta sayo, kahit anong iutos sayo, gagawin mo. Walang palag. Saka isang linggo ang effect ng dare unlike yung iba na kapag natapos mo na kahit ilang minuto lang, oks na.

Sa almost 3 years naming nilaro 'to, dalawa pa lang ang na-ultimate. Si Ate Alex at si Justine. Kawawa si Ate Alex kasi ginawa syang yaya nila motherf at bullies ng isang linggo. Mula hugas ng plato, pagwawalis, paglalaba, as in lahat. Buti at game lang si Ate.

Si Justine naman, sobrang na-enjoy ko yung dare sa kanya. Inutusan kasi syang umaktong baliw sa loob ng isang linggo. Naaalala ko pa yung mga taong lumalayo sa kanya dahil tinititigan nya tapos ngingitian. Muntik ka nga syang ma-DA dahil umiiyak tawa sya sa klase. For one week. Na-imbyerna ata prof niya.

Tapos one time! Sa training, habang bini-brief kami ni coach, bigla syang lumapit kay coach Ramil tapos hinaplos ang mukha sabay sabi, "Crispin, mah bebi boy. It's you"

Iniabot ni Cienne sa kakambal nya ang apat na dice, "Kambal, ikaw start"

Inalog naman ni Cams ang mga dice sa kamay nya bago hinagis. 5,3,1,2.

"Oh 11. Pabebe dare. Sino maguutos?" Mabilis na nag-angat nga kamay si Kim at Ate Cyd.

"Ako nauna magtaas ng kamay!" sigaw ni Kim kay Ate Cyd.

"Bakit mo ako sinisigawan?! Oh di ikaw na nauna! Wag ka manghihingi sakin ng pabor ah!" Umurong ng kaunti si Ate Cyd palayo kay Kim pero ang negra, pinigil sya at sinide hug pa.

"'To naman, di mabiro. Ikaw na mag-utos"

Napangiti si Ate Cyd at niyakap pabalik si Kim, "Lash you Kimmoy!"

Ehem. KimCy. Ehem.

"Mag-selfie ka. Yung nagmamaganda ganern. Aura aura. Tapos post mo sa twitter"

Hinampas sya ni Kim, "Ano ba yan?! Ang dali mo namang magpa-dare! Konting thrill naman!!"

"TAPOS NA BA? KOTA KA NA SAKIN KIM FAJARDO AH! So eto nga. Ang twist, ita-tag mo si Kib Montalbo. Ang caption Ang ganda ko diba? @kibmontalbo"

Napangisi kami habang si Camille, napanganga lang. Pero wala eh, ang rule: bawal pumalag kapag pumalag, manlilibre ng food. For everyone.

Nag-selfie si Camille. Effortless naman sa kanya ang nagmamagandang selfie dahil natural na sa lahi nila yun. Kay Ate Cha pa lang, bagsak na self esteem ko, dinagdagan pa ng dalawang 'to. Triple kill. Good bye self esteem.

@camilmilcruz: Ang ganda ko diba? @kibmontalbo

@camilmilcruz: Ang ganda ko diba? @kibmontalbo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
ThomAra One ShotsWhere stories live. Discover now