Hello!
************
T H O M A S
"Huy paps, napanuod mo?" Tanong ni Jeron.
Kahit na hindi niya nilinaw kung ano, alam na alam ko ang tinutukoy niya.
Tumango ako, "oo bakit?"
"Anong nararamdaman mo?"
Napataas ang kilay ko, "gago ka ba? Di naman ako yung na-injure"
Aba ang walanghiya, binato pa ako ng unan. "Bobo! Diba patay na patay ka dun? Di malamang nasaktan ka rin"
"Grabe naman sa patay na patay!" Depensa ko. Makapagsalita naman kasi parang napaka desperado ko.
"Patay lang, ganon?" Sabi niya sabay tawa.
Ay nag-joke pala siya.
Hinampas na naman ako ni Jeron. Ang pikon, di matanggap na napaka corny ng joke nya. Gago talaga eh.
"So ano na nga? Wala? Eh sabi ni Kib mangiyak-ngiyak ka kanina" nyeta alam naman pala, nagtatanong pa.
"Alam mo Jeron Alvin, mas chismoso ka pa kaysa sa ex ni Kuya. Manahimik ka na nga lang dyan"
Nilampasan ko siya para kumuha ng maiinom sa fridge. And as usual, wala na namang matinong laman ang ref namin. Nung naging captain tong intsik na to, parang namulubi na tong ref. Sayang, LG pa naman.
"Eh kung sinasagot mo kasi ako nang matino? Papilit amputa"
"Oo na! Nasaktan na! Nasasaktan. Pero anong magagawa ko? Ex crush at kaibigan lang naman ako diba? Baka nga di na ako magaling at cute para sa kanya"
Umalingawngaw sa buong dorm ang nakakainsultong tawa ni Jeron, "asan na ba yung nagbibigay ng Oscars? Gago papi pang pelikula linyahan mo hahahaha"
Puñeta de Teng
**
I saw her today. Pansin ko na hirap siya sa paggamit ng wheel chair but still, she refused help.
Hindi magandang pakinggan but she really looked cute habang pinipigilang mainis. Ang cute nya magpout. Ang cute nya rin nung hinampas niya si Mika.
"Ay tol, wala na to"
"Malala na pare"
"Torpe level 3001"
"Hoy Torres galaw galaw! Hindi yung pasulyap sulyap ka lang mula sa malayo!"
"Huy wag nyo nga pakelaman si emotero boy"
Isa-isa ko silang pinagtatampal sa noo, "mga gago manahimik nga kayo. May makarinig pa at iba isipin"
"Dapat kasi nililinaw natin para pag may nakarinig, tama ang isipin," sabi ni Prince.
"Hey guys, eto nga palang si Thomas ay patay na patay kay---"
Di ko na pinatapos si Kib sasabihin niya at binusalan ko na ang bibig, "ang oa nyo talaga sa patay na patay!"
YOU ARE READING
ThomAra One Shots
FanfictionA compilation of thomara one shots. Based on pure imagination :)