Chapter 20

78.7K 1.9K 177
                                    

Chapter 20

"Why did you say that?"

Kinalbit niya ang tungki ng aking ilong. "Coz it's obvious that you're not comfortable there. Tell me, kinukulit ka na naman ni tanda?"

Iniwas ko ang tingin. "No."

Dumiretso kami sa room at saktong nandito na ang aming mga kaklase. Agad dumako ang tingin ko sa aking mga pinsan. Dumiretso ako sa aking upuan.

Lumapit sa akin si Jemimah. "Saan kayo galing?"

"Canteen. Nagbreakfast."

"Oh! Sinundo ka ni Fire?" Halata sa boses niya ang pang-aasar.

"Jem!" Pinandilatan ko siya.

Itinaas niya ang dalawang kamay at bumalik sa kinauupuan. Si Camilla ay tahimik na nakatingin sa akin.

"What?"

Umiling siya at iniwas ang tingin. Nang lingunin ko si Altamirano ay nakatingin siya sa dako ni Forrah.

The girl was talking with our classmates. Nakikipagtawanan siya sa mga ito. Walang kaalam-alam na nasa kanya ang atensyon ni Altamirano.

"Lapitan mo na kaya."

Nilingon niya ako. "Sino?"

Umikot ang aking mga mata. "Sino pa? Edi ang ex mo."

Inilagay niya ang kanyang gamit sa upuan at pumangalumbaba paharap sa akin. "I smell something." Ngumisi siya.

"What?"

"You're jealous."

Iniwas ko ang tingin at ngumiwi. "Kapal. Ako magseselos? Never!"

"Talaga?"

Hindi ako sumagot at kinuha ang aking cellphone. Isinuksok ko rito ang earphones at nagpatugtog. Nang maramdaman kong hindi na siya nakatingin ay saka ko muling ibinalik ang tingin sa kanya.

Lumunok ako nang makitang nakatingin siyang muli sa dako ni Forrah. Nilingon siya nito. Nang makitang nakatingin si Altamirano ay kumaway siya.

Inilakas ko ang volume ng aking cellphone. Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi nang makaramdam ng kirot sa bandang dibdib.

Muli niya akong nilingon. Agad akong nag-iwas ng tingin.

Bawat oras na lumilipas ay wala akong inisip kundi ang tinginan at ngiti nila sa isa't-isa. Kahit nang tawagin ako ni Ms. Dimayugyog ay hindi ako nakasagot. Hindi na ako nagulat nang matapos ang klase at dumating ang lunch time ay pinatawag niya ako. Sumunod ako sa kanya sa faculty room ng English Department.

"It's unusual to see you not listening, Ms. Dela Vega." Mahina niyang simula nang makaupo ako sa upuan sa tapat ng kanyang table. "Are you okay?"

"Yes ma'am." Pinilit kong ngumiti.

Marahan siyang tumango. "You are running for valedictorian. You know that, don't you?"

"Yes." Sagot ko at kumunot ang noo.

"Do you still want to be the top student?"

"Of course ma'am. Sino po ba ang hindi?"

Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko. "Well... you need to strive hard. May isang taong nakikipagsabayan sa'yo. I'm saying this for you to be aware of the possible results. Ayokong sa huli ay kwestyunin mo ang pwedeng maging resulta ng grades ninyo."

Tumango ako. "No problem, ma'am." Tumayo ako sa kinauupuan. "Thank you po."

Lumabas ako ng faculty room at bumalik sa aming silid. Si Altamirano ay nandoon pa rin sa kanyang upuan.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon