Chapter 5
"Good morning, Dela Vega."
Awtomatikong umikot ang mga mata ko nang marinig ang boses na iyon. Umupo siya sa kanyang upuan.
Isinubsob ko ang sarili sa ginagawang reaction paper sa English na ipapasa mamaya.
"Ang sungit naman. Gusto mo... turuan kitang magconstruct ng sentence? Magaling ako sa grammar."
Pabagsak kong inilapag ang hawak na ballpen at binalingan siya. He was staring and smiling sweetly at me. It wasn't real though. He just wanted to piss me off.
"I don't need anyone's help." Bumagsak ang tingin ko sa aking papel. "I'm an honor student if you do not know. So can you please stop bugging me? Bago pa 'ko makagawa ng bagay na hindi mo magugustuhan."
"Lahat naman ng bagay na ginagawa mo hindi ko gusto. Pero alam mo kung anong gusto ko sa'yo na ngayon ko lang nalaman sa sarili ko?" saglit siyang tumigil. "It's your way of valuing education. Pala-aral ka pala. Hindi kasi halata."
Sinamaan ko siya ng tingin. Binasa niya ang ibabang labi at ngumisi. Napatingin ako doon.
"Nakatingin ka sa labi ko Dela Vega? Naaakit ba kita? Oh sorry, I didn't mean to seduce you-"
"Asa!" Sabi ko bago pa niya matapos ang sasabihin.
Malakas siyang tumawa at nangalumbaba paharap sa akin.
"You've said that word again." Ngumisi siya. "Sasabihin ko rin ba ulit na hindi ko kailangang umasa?" His eyes showed a glint of seriousness. "Ang pag-ibig hindi mo alam kung kailan dadating. Isang araw mararamdaman mo na lang ang kakaibang kaba na idudulot sa'yo ng taong hindi mo inaasahang makakapagparamdam sa iyo nang ganoon. You cannot stop inescapable realities, Dela Vega. And... falling in love, falling in love with me is what I'm seeing in those beautiful eyes yet full of unshed emotions, that await to be shed, await to be shown."
Kinagat ko ang labi ngunit hindi rin napigilan ang pagkawala ng tawa dito. Ang baduy niya!
"Ngayon ko lang din napansin na mas lalo kang gumaganda pag tumatawa. Maybe I should always make you smile. Nakakagaan ng pakiramdam."
Napawi ang tawa ko at napalitan ito ng pagkainis. Dinampot ko na ang ballpen at sinimulang magsulat muli.
Isang linggo na ang lumipas simula nang naging engkwentro namin sa bahay nila Conrad. Sa totoo lang ay hindi ko siya maintindihan. Wala ba siyang pakialam sa mararamdaman ng girlfriend niya oras na malaman nito ang ginagawa niya sa akin?
"Natigil ka sa pagsusulat? Iniisip mo na naman ako. 'Wag ganyan, Dela Vega. Nandito lang ako sa tabi oh."
Tinignan ko siya. "Stop irritating me, Altamirano."
"Alam mo bang gustung-gusto ko ang mga babaeng naiinis sa akin?"
Umirap ako. "F uck you."
"Pero mas gusto ko ang babaeng nagmumura."
Nanlaki ang mga mata ko. Nakarinig pa ako ng tawa kaya mas lalong kumulo ang aking dugo. Pagtingin ko sa pintuan ay nandoon si Phoenix. Nakatingin siya sa amin at nakahalukikip. Anong ginagawa niya dito?
"Nice one Fire! Ikaw lang ang may kakayahang inisin ang pinsan ko nang ganyan." Kinindatan niya ako.
"Ang sungit-sungit kasi Phoenix. Mas lalo ko tuloy siyang nagugustuhan. You know we're compatible. Gwapo ako maganda siya. Mayaman siya, mayaman din ako."
Inilibot ko ang tingin sa buong room. Lahat ng mga kaklase namin ay nakatingin sa amin. Tumigil ang mga mata ko kay Forrah, nag-iwas siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)
Fiction générale"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate everyone, hurt anyone, if she likes to. She wants everything in control. But reality says, not all things are controllable. So, does that mean t...