Chapter 22

70.5K 1.8K 148
                                    

Chapter 22

"Gusto mo nang umuwi?" Tanong niya habang nilalaro ang aking kamay.

Umiling ako. Sinulyapan ko ang mga chocolates sa back seat. Hindi ko nasupil ang aking ngiti.

"Ah... thanks for those. Ang dami."

Pinagpatuloy niya ang ginagawa sa aking kamay kaya muli ko siyang tinignan.

"Altamirano-"

Mahina siyang tumawa at kinalbit ang tungki ng aking ilong. "Tayo na di ba? Bakit Altamirano pa rin ang tawag mo sa akin?"

Ngumuso ako. "Kasi sanay na ako. I don't know how I would call you."

Umiling siya at sumandal sa headrest ng kanyang upuan. Inilapit niya ang aking kamay sa kanyang pisngi at marahan itong hinalikan.

"Kahit ano namang itawag mo sa akin, it's fine. Just stop calling me Altamirano."

Binawi ko ang kamay at tumaas ang isang kilay. "Then stop calling me by my surname too."

Mahina siyang tumawa. "Fine..." Tumikhim siya. "I'll call you Altamirano."

"What?" Hinampas ko siya sa braso. "Sira ka talaga!"

"Buo kaya ako." Kinuha niya ang kamay ko at pinisil ito. "Binuo mo ako."

Napalunok ako at bumagsak ang tingin sa kamay namin. Mabilis ang pagkalat ng kilig sa aking dibdib.

"Altamirano..."

Tumingin siya sa mga mata ko. Bumaba ang tingin niya sa aking ilong patungo sa aking mga labi.

"I thought you're going to call me with some kind of endearment." Mahina niyang sabi.

"Di ako sanay na tawagin ka sa ibang pangalan. Hindi ako sweet." Pag-amin ko.

"Hindi ka sweet?" Lumunok siya at umigting ang panga habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa aking mga labi.

"Oo." Iniwas ko ang tingin dahil hindi ko na makaya ang kanyang ginagawa. Umayos at dumiretso ako ng upo.

Narinig ko ang kanyang buntong-hininga.

"It feels like I'm going to vomit every time I hear couple using endearments to each other. Gusto ko 'yung normal lang. Ayaw ko ngang makarinig nang ganoon tapos gagaya pa ako. Yuck!"

Tumawa siya at pinaandar ang sasakyan.

"I know." Mahina niyang usal.

Nagbukas ako ng chocolate at pasimple siyang pinanood habang nagmamaneho. Sa tuwing tumitingin siya sa akin ay mabilis akong nagbabawi.

"Tigil mo dito. May bibilhin lang ako."

Ipinark niya ang sasakyan sa tabi at kumunot ang noo. "Ano?"

"Mogu-mogu and water. Nauuhaw na ako." Binuksan ko ang pinto ngunit agad niya akong piniit.

Napatingin ako sa kamay niya. Sumandal akong muli sa aking kinauupuan.

"Ako na... just stay here."

Hindi na ako nakaangal nang lumabas siya. Naghintay ako sa loob ng sasakyan at ilang minuto lang ay bumalik din siya. Binigay niya sa akin ang malaking bote ng mogu-mogu.

"Thanks." Ngumiti ako.

Muli niyang pinaandar ang sasakyan.

"Saan mo pa gustong pumunta?"

"Kahit saan."

Sinunod niya ang gusto ko at pumunta kami sa isang park. Agad akong bumaba ng kotse at inilibot ang paningin sa naggagandahang ilaw sa mga puno. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinatak siya sa benches kung saan maraming nagde-date.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon