Chapter 24

66.3K 1.8K 245
                                    

Chapter 24

"Dela Vega..."

"Y-you really wanna go?" Pinilit kong ngumiti nang mapansin kong nag-aalala na rin siya sa akin. "Sige... puntahan mo na-"

"Hindi ako pupunta kung hindi kita kasama." Hinawakan niya ang kamay ko.

Binawi ko ito at iniwas ang tingin. "Tapos na naman tayong magdinner." Lumapit ako sa table at tinignan ang aking cellphone. Binasa ko ang oras. "And it's nine already. Sinabi ko naman sayo na kailangan kong umuwi nang maaga, diba?"

Muli ko siyang tinignan. Nakatutok ang mga mata niya sa akin at may lungkot na nakalarawan dito. Tumalikod ako at nagsimulang humakbang palabas sa kwartong iyon.

"Ginagawa ko lang ito kasi kaibigan ko si Forrah." Aniya.

Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. Dumiretso ako pababa ng hagdan hanggang sa makalabas na kami ng bahay. Patungo ako sa gate nang bigla niyang hablutin ang braso ko. Bumagsak ang tingin ko dito.

"Dela Vega-"

"Just go. It's nothing to me, don't worry." Pinilit kong ngumiti at hinarap siya. "Uuwi na ako. I'll ride a taxi or call one of my cousins-"

"Ihahatid muna kita."

Tila may bikig sa aking lalamunan. Hindi niya ba maramdaman na gusto kong dito lang siya sa tabi ko? Monthsary namin ngayon! Bakit kailangan niya pang puntahan ang babaeng 'yon?

Umiling ako. "Hindi na kailangan."

Bumaba ang hawak niya sa aking kamay. Hinalikan niya ito bago niya ako hatakin sa kotse at pinapasok sa back seat.

Wala akong nagawa kundi ang magpatangay na lang sa nangyayari. Napansin ko ang regalo ko para sa kanya ngunit hinayaan ko na lang ito sa aking tabi. Iniwan ko talaga ito sa kotse dahil hindi ko alam kung paano ko ibibigay.

Ilang minuto patungo sa aming bahay ay hindi ko siya kinausap. Kahit nang bumaba na kaming dalawa at hinatid niya ako sa loob.

"Matulog ka na pag-alis ko. I'll call you tomorrow." Hinalikan niya ang aking noo. "Susunduin kita. Sabay tayong papasok."

Muli ay nagpilit ako ng ngiti at tumango. Tumalikod ako at umakyat na patungo sa aking kwarto. Dumiretso ako sa aking kama at humiga dito. Niyakap ko nang mahigpit ang unan at pinigil ang aking emosyon.

Kalma lang, Tamiya. Kalma lang.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Wala pang 5 am ay kumain na ako ng breakfast. Matapos niyon ay naghanda na ako para sa eskwela.

Nakaupo ako sa living room at hinihintay ang kanyang pagdating. Tumunog ang aking cellphone at agad ko itong dinampot sa table sa pag-aakala na siya ang tumawag.

"Morning, Tami." Pambungad ni Phoenix.

"Morning P. Why did you call?" Tanong ko.

"Just wanna check on you."

Umayos ako ng upo at hinaplos ang aking buhok.

"Papasok ka na?"

"Yup! I'm just waiting for him. Sabay daw kaming papasok."

"Huh? You'll be late. Anong oras na oh."

Tumingin ako sa orasan at nakitang 7:30 na ng umaga. Kanina pa pala ako naghihintay at hindi ko na rin namalayan ang oras.

"Okay lang..." Kibit-balikat ko. "Dadating na 'yun."

"Kapag hindi dumating within 30 minutes, pumasok ka na. I'll call Raxx."

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon