Prologue
"Kailan ka kaya magtitino, Tamiya? What have you done to your cousin?" Mommy shouted angrily at me.
Ngumuso ako pero sa loob ko ay tawang-tawa ako. Bakit ba hindi na lang ako pasalamatan ni Mommy at hindi na kailangang pumunta ni Hera sa dentist? Umuuga na rin lang naman ang ngipin ng pinsan kong iyon. Magdadalaga na kami pero hindi pa rin siya marunong mag-ayos. Hindi siya gumaya sa akin, gorgeous.
"Tamiya, are you listening?" Mas sumeryoso ang mukha ni Mommy. "Come here."
Nagkibit-balikat na lang akong sumunod. I was used to being scolded by her anyway.
"Don't you know that was wrong? Dahil sa 'yo, nabungi si Hera. Paano kung tumawag si Ryan?"
Bumuntong-hininga ako. "Mom, we were playing, okay? I unintentionally threw the powder bottle at her. Pinagkaisahan kasi nila ako ni Mical." Nagkagat-labi ako pero hindi ko pa rin napigilang matawa.
"It's not funny! Ipadadala kita sa States kapag hindi ka magtitino!"
Tumayo ako. "That's great, but not when I'm the most beautiful girl in school. My classmates like me and want to be close to me."
She shook her head. "I don't think that's the reason." Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. "Don't ever do that again. You need to apologize." Hinalikan niya ako sa noo. "Be good."
"I am, mom."
Alam kong hindi siya sang-ayon. Aminado akong hindi ako ang tipo ng bata na hinahangad ng mga magulang na magkaroon.
"Next time, get me the pressed kind of powder."
Namilog ang mga mata niya. Pasalampak akong umupo sa sofa at hindi pinansin ang reaksyon niya. Doon siya tuluyang umalis.
Hindi nagtagal ay nilapitan ako ni Hera. "O, pulbos mo!"
Inagaw ko iyon. Mabigat. Puno pa ang laman. Kaya pala tumalsik ang ngipin niya.
Inirapan niya ako. Dukutin ko kaya mga mata niya?
Tumayo ako at pinantayan siya. Ngumiti ako. "Don't you dare roll your eyes at me again, Hera," I warned her. Hinaplos ko ang madulas niyang buhok. "Pft! Pangit ka na nga, bungal ka pa!"
Naluluha siyang tinalikuran ako. "Pasalamat ka hindi kita isinumbong kay Daddy!"
"Don't worry, ako na mismo ang gumawa."
Lumingon siya sa akin. "Anong sabi?"
Matamis akong ngumiti. "Thank you raw dahil binungal kita." Pinisil ko ang pisngi niya. Of course, Tito wouldn't say such a thing. "Bakit ba takot ka sa dentista? Hindi ka ba takot magka-bad breath? Walang gano'n sa mga Dela Vega."
"You are so mean," she said in almost a whisper. "Balang araw, may makapagpapatino rin sa 'yo. You need to brace yourself when that time comes."
BINABASA MO ANG
Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)
Ficción General"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate everyone, hurt anyone, if she likes to. She wants everything in control. But reality says, not all things are controllable. So, does that mean t...