Chapter 43
"Ano pang hinihintay mo? Umalis ka na!" Mariin at pabalang na utos ni Dash nang hindi kumilos si Altamirano.
Sumunod din siya.
Pumasok si Dash at isinara ang pinto. Dumiretso siya sa sofa at pinagdikit ang mga kamay habang hinihintay akong lumapit.
"Dash-"
"Kailangan ba talagang papasukin mo siya dito?" Putol niya sa akin.
"We just had to talk. Iyon lang 'yon." Sagot ko. "Please... don't start."
Isinubsob niya ang mukha sa mga palad at napahilamos.
Tumabi ako sa kanya ngunit bigla naman siyang tumayo. Iniwas niya ang tingin sa akin.
"Are you going to say something? Ngayong hindi naman pala totoo na nalunod ang gagong 'yon, iiwan mo na ba ako?"
I didn't expect he would ask me this.
"Tamiya, I'm not insensitive. I know what's happening. Though you're not voicing out what you really want to, I know... that there's something wrong. Ikaw na rin naman ang nagsabi 'di ba?"
"I-I'm sorry." Hindi ko na napigilan ang paglabas ng mga salitang iyon sa aking bibig. Marahan kong kinagat ang ibabang labi at tumayo.
Nilagpasan ko siya at tumungo sa kwarto. Akmang uupo ako nang yakapin niya ako mula sa likod.
I shut my eyes. Pain spread quickly as possible.
"You still love him. You still... do." Nabasag ang kanyang boses.
"Dash..."
Hindi niya ako hinayaang makaharap sa kanya. Sa halip ay mas humigpit ang kanyang yakap.
He's afraid. I could feel it. This was what I could bring to him. This feeling that I never meant to give him.
"I love you so much..."
Ramdam ko ang pag-ikot ng lubid sa aking lalamunan.
"Though I'm feeling this shit... this pain... I still want to trust the things that happened between us. I want to trust the pint-size love you still or possibly have for me. Meron pa naman... 'di ba?"
"Dash, I love you-"
"May laban ba ako sa kanya? Tamiya, may laban ba ako?" Putol niya.
Hindi ako nakasagot. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa aking balikat.
Muli ay pinilit kong humarap ngunit hindi niya ako hinayaan.
"It hurts as f uck. Kapag hindi ka sumasagot, lalo lang tumitindi ang hinala ko. May pagkukulang ba ako? Hindi ba sapat ang mga ginagawa ko para sa'yo?"
"No. No Dash! Hindi ganon!" Mas lalong tumindi ang sakit na bumalot sa aking dibdib. "Don't think that I don't love you. Don't think that way-"
"You love me but you love him more. You care for me but you care for him even more. Sa kanya may palabis. Sa kanya yung mas. I can feel it. I can feel the pain coz the more you deny, the more it's getting clearer to me."
Dinala ko ang aking kamay sa kanyang nasa aking tiyan. Mahigpit ko itong hinawakan.
"Kung may laban ako lalaban ako. Just say I shouldn't lose the battle, Tamiya. Just say it."
Mariin kong ipinikit ang mga mata sa pagpipiit ng luha. Ang sakit. Ang sakit na minahal niya ako pero hindi ko nagawang suklian nang tama.
"I think... we should end here." Desisyon ko.
BINABASA MO ANG
Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)
General Fiction"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate everyone, hurt anyone, if she likes to. She wants everything in control. But reality says, not all things are controllable. So, does that mean t...