Chapter 28
Pinigil ko ang pagngiti nang maramdaman ang kanyang mga kamay na tumakip sa aking mga mata.
Hinalikan niya ang aking ulo.
"Altamirano." Tinanggal ko ang mga kamay niya.
Umikot siya at tumabi sa akin.
Isang linggo na ang lumipas noong bumisita kami sa kanila. This time we didn't go to Ilocos Sur. Sinabi niya sa akin kahapon na gusto niyang maglaro sa MRC.
"Kanina ka pa gising?" Tanong niya.
"Yup! Tagal mo." Tumungo ako at inayos ang sintas ng aking sapatos. Tumigil ako sa ginagawa nang may mapansin sa kanya.
Tumungo rin siya at inayos ang bagong sapatos na suot. Nilingon niya ako at ngumisi. "Ganda ng sapatos ko. Nakita ko sa backseat ng kotse. Nagtataka nga ako kung bakit hindi nagawang ibigay sa akin nang personal."
Tumuwid ako ng upo. "Do you like it?"
"I super like it!" Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. "Kailan ka kaya magbibigay sa akin ng regalo na hindi ka mahihiya?"
Itinulak ko siya at nag-init ang pisngi. "Hindi ako nahihiya no!"
Tumawa siya at hinawakan ang kamay ko. Itinayo niya ako at itinaas ang isang kamay nang makita si manang didith. "Hello, manang!"
"Hello, pogi!"
Kinindatan niya ako. Kinurot ko ang tagiliran niya at mahina siyang umaray.
"Gwapo ba 'to manang?" Tanong ko at ngumiwi.
"Sobra, hija." Nakangiting tugon ni manang.
Tumawa siya kaya't hinila ko na palabas. Naglalakad kami palapit sa kotse nang higpitan niya ang hawak sa kamay ko.
"It feels good when we're okay."
Gumalaw ang ulo ko para tingnan siya. Nakangiti siya at nakatingin sa aking mukha.
"Oo. Kaya umulit ka pa ha?" Sarkastiko kong sabi.
Napawi ang ngiti niya at bumuntong-hininga. Binuksan niya ang pinto at pumasok ako. Nasa loob na kaming dalawa nang mapansin ko ang pananahimik niya.
Hinintay ko siyang magbukas ng usapan pero nanatili siyang walang imik.
"Uuwi ang parents ko two weeks from now."
Nilingon niya ako.
"May sasabihin daw sila sa akin." Sumandal ako sa kinauupuan. "Kaya tumawag si Conrad nun. Hindi ko kasi sinasagot ang tawag ng parents ko. I don't even get the reason why they have to call me."
"Anak ka nila." Aniya.
Umirap ako. "Anak, pero hindi ko naramdaman ang pagiging magulang nila."
"Dela Vega-"
"Wag mo na silang ipagtanggol. Mag-aaway lang tayo."
Nakarating kami sa MRC. Inuna namin ang paglalaro ng badminton. Mabuti na lang ay natabunan ng enjoyment ang isipin tungkol sa aking mga magulang. Panay ang tawa ko sa tuwing nakaka-score ako.
"Ano ba 'yan? Weak!" Pang-aasar ko.
"I'm not weak! Pinagbibigyan lang kita!" Sigaw niya pabalik sa akin.
"Palusot pa! Sabihin mong mahina ka talaga sa larong 'to!"
Ngumisi siya at hinaplos ang buhok. Pailalim siyang tumingin sa akin.
Ako ang magseserve kaya't kinalma ko muna ang sarili. Anong ginagawa niya? Hinihira niya ba ako?
"Wait!" Ibinaba ko ang racket at shuttlecock.
BINABASA MO ANG
Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)
General Fiction"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate everyone, hurt anyone, if she likes to. She wants everything in control. But reality says, not all things are controllable. So, does that mean t...