Chapter 44
"'Di ka pa tapos?"
Nilingon ko si Jillian. Nagpupunas siya ng kanyang pawis. Inabot niya sa akin ang isang bote ng gatorade. Kinuha ko ito at naupo sa kanyang tabi.
"Done already." Binuksan ko ang bote at uminom. Kumunot ang aking noo nang makita siyang nakataas ang isang kilay habang pinanonood ako.
Tinakpan ko ang inumin at hinarap siya. "Jill?"
"'Di mo kinakausap si Fire?" Tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. "You know sometimes I can't understand you." Sabi ko at ngumisi. "Minsan maka-Dash ka, minsan naman maka-Altamirano."
Tumayo ako at tinalikuran siya. Sinundan niya ako.
"Hindi ba't sabi mo sa akin kagabi handa siyang magbago? Why don't you give him a chance?"
Napatigil ako sa paglakad at hinarap siya. Pilit akong ngumiti. "Trust me, Jill. I'm doing this for him."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tumungo sa locker room.
Matapos mag-gym ay dumiretso na ako sa opisina kung saan busy si Siren sa mga pinagagawa ko.
"Are you okay? Want to have a break?" Sumandal ako sa kanyang table.
Nakangiti niya akong tinunghayan. "I'm okay po. I just have to finish this."
"Sabay ka na sa amin mag-lunch." Aya ko.
Namilog ang kanyang mga mata. "Po?"
"You heard me right. We'll eat lunch with my cousins."
"Naku ma'am-"
"Don't be shy, Siren. Ilang araw ka nang tutok sa trabaho. You should kick back. When you're done with the work I gave you, you may go wherever you want here."
"Talaga po?" Halata sa kanyang boses ang hindi pa rin namamatay na gulat.
"I'm gonna fire you or you're gonna take my words like a smart woman?"
Ngumuso siya pero sandali lang. Halata ang pagpipigil niyang ngumiti. "Thank you ma'am."
I nodded my head and gave her a smile. Nang tumungo ako sa mismong opisina ay napakunot ang aking noo nang makita ang nasa bilog na lagayan na mga rosas. Iba't-iba ang mga kulay nito.
Agad kong kinuha at binasa ang note na nakasilip dito.
Smile. You don't know how it lightens the mood of every person around you.
Muli akong pumunta kay Siren at pinakita ang mga bulaklak. "Nagpapasok ka ng iba?"
Namutla ang kanyang mukha. Hindi siya nakasagot. Bumuntong-hininga ako at bumalik na ulit sa aking table.
Inilapag ko ang bulaklak at tinitigan ito. Ilang sandali pa nang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa aking bag at tiningnan kung sino ang tumatawag.
"Hello..." Pambungad ko.
"Where are you?" Tanong ni Conrad.
"Office. Why?"
"You sound stressed. Can you go here now?"
Batid kong nasa restaurant na sila na napag-usapan namin nila Hera kagabi.
Napairap ako nang maalalang posibleng kasama niya ang babaeng 'yon.
"Gusto mong sunduin kita dyan-"
"No need, Conrad. I'm not pabebe like your woman." Ibinaba ko na ang tawag bago pa siya makaangal sa aking sinabi.
Natapos din agad si Siren kaya't nagready na ako.
BINABASA MO ANG
Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)
General Fiction"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate everyone, hurt anyone, if she likes to. She wants everything in control. But reality says, not all things are controllable. So, does that mean t...