Chapter 35

79.7K 2.2K 179
                                    

Chapter 35

"Do you really think, I'm gonna love you again?!" Malakas kong sigaw nang makakuha ako ng lakas at matauhan sa sinabi niya. Itinulak ko siya palayo at sinampal.

Mabilis ang paghanay ng galit sa dibdib ko. Akmang hahawakan niya ang aking braso ngunit hinampas ko ang kamay niya at hinihingal na umalis sa kama. Napaupo siya at namumungay ang mga matang tumitig sa akin.

It seemed like I didn't slap him. Alam kong masakit iyon dahil ramdam ko ang sakit sa kamay ko, pero tila wala lang ito sa kanya.

"Do you hear yourself?" Lumunok ako at marahas na pinasadahan ng kamay ang buhok. "Matapos ang lahat, Altamirano? Matapos ang lahat sasabihin mo sa akin 'yan?"

Binuksan ko ang ilaw. Nasilaw ako sa liwanag na dulot nito. Napapikit ako at sumandal sa pinto.

"Answer me!" Utos ko. Nagmulat ako at nakita ang mabilis na pagtahip ng kanyang dibdib.

"I do hear myself." Mahina niyang sagot. Kinagat niya ang ibabang labi at tumunghay. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko. "And... trust me, you will. You'll love me again."

"Kapal ng mukha mo!" Pinunasan ko ang aking leeg na hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang ginawa niyang paghalik. "Ang kapal ng mukha mong gawin sa akin ito! I have a boyfriend, shit!"

"Don't slap that on my face!" Bato niya sa akin. "I know that already! But I could feel that we still have a chance. We can work this out. Ikaw at ako. Tayo... ulit."

"Dream on!" Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto. "Lumabas ka na bago pa ako makagawa ng bagay na hindi mo magugustuhan."

"Anong gagawin mo? Sasaktan mo ako?" Tumayo siya at lumapit sa akin.

Umatras ako.

"Ginagawa mo na! Shit, makita ko lang kayong magkasama, nasasaktan na ako!" Umatras siya at sinabunutan ang sarili. Gulu-gulo na ang kanyang buhok.

Umiling ako at itinuro ang labas. "Get out!" Malamig kong utos.

Hindi siya kumurap at tumango. "Lalabas ako dito pero hindi sa buhay mo." Mariin niyang sabi. "Mababaliw ka sa akin, Dela Vega. Mas malala sa dati. Mas matindi."

Itinulak ko siya palabas. "Hindi 'yan mangyayari dahil matagal ka nang burado sa puso ko! 'Ni latak, walang natira!" Malakas kong sinara ang pinto at mariing pumikit.

Ilang sandali pa at pahakbang na ako patungo sa kama nang magsalita siya. "Pagsusumikapan kitang makuha! Kagaya nang dati! Kagaya noong higschool pa lang tayo!"

Kinabukasan ay maaga akong bumaba dahil sa kagustuhang makauwi na. Nadatnan ko si Hera sa kusina na nagsasalin ng gatas sa baso.

"Morning... tita."

Dumako ang mga mata ko sa naka-pajama pa at nakangiting si Serenity. Sa tabi niya ay ang daddy niya at sa tapat ay ang lalaking hiniling ko na 'wag makita pero napaka-imposibleng mangyari.

"Good morning, pretty!" Bati ko at nilapitan siya.

Humalik siya sa aking pisngi. Napangiti ako at hinaplos ang kanyang buhok.

"Susunduin ka ba ni Dash?" Tanong ni Hera at inabot sa akin ang sandwiches na ginawa pati ang isang baso ng gatas.

"Yup!" Tugon ko.

His stare was apparent. Damang-dama ko ito.

Ibinaba ko ang platong may lamang sandwiches. Hindi ko pa naiaalis ang kamay ko nang kumuha siya. Dumikit ang kamay niya sa akin, marahas ko siyang tiningnan. Humaplos ang daliri niya sa akin kaya't mabilis kong inalis ang akin sa plato.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon