Chapter 42
Matagal kami sa ganoong posisyon. Pinihit ko ang sarili at sinigurado kung nag-iilusyon lang ba ako.
Mas lalong bumuhos ang aking luha nang mahawakan ang kanyang mukha. Kumawalang muli ang hikbi sa akin at mahigpit siyang niyakap.
"I thought you're-"
"Shh..." Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. "Iiwan ba naman kita? 'Pag ginawa ko 'yon, parang tuluyan na akong sumuko."
Muli niyang isinubsob ang mukha sa aking leeg. Hindi ako nakapagsalita. Ayaw tumigil sa pagbuhos ang aking emosyon.
"Hush now. I'm here. I'm not gonna leave."
"Nakakainis ka..." Anas ko. "You scared the hell out of me! I don't want you to die that way! Kung mamamatay ka, gusto ko sa kamay ko! Gusto kitang saksaking gago ka!"
Mahina siyang tumawa. Humiwalay ako at pinunasan niya ang aking mga luha.
Kita ko sa maganda niyang mga mata ang lungkot.
"Sorry for that message. I was so desperate I decided to send that-"
Napatayo ako dahil sa narinig. Pinunasan ko ang mga luha at kusang nalukot ang noo.
"What did you say?" Napuno ng lamig ang aking boses.
Hindi pumasok sa isip ko na siya mismo ang magtetext nang ganoon. How could he send us such kind of message if we all knew that he was missing?
"It's so difficult to be crazy over a woman like you." Sabi niyang hindi sinagot ang aking tanong.
"Altamirano!"
Itinaas niya ang dalawang kamay at umupo sa kama. Bumuga siya ng isang mahabang buntong-hininga at ibinaba ang mga ito.
"I felt hopeless then again back to feeling upbeat. Paulit-ulit na ganoon. Ang hirap mabaliw sa'yo na minsan nakaiisip ako ng bagay na hindi ko inaasahan. Na kahit alam kong masama at mali ay gagawin ko pa rin." Hinaplos niya ang kanyang dalawang hita.
Iniwas ko ang tingin at ipinikit ang mga mata.
"You know me. Kung puno ka ng kalokohan noong highschool ganoon din ako. We can do unusual things."
"Pero iba ang ginawa mo! A hoax!" Muli ko siyang tiningnan. "An absurd action, Altamirano!" Sinugod ko siya para saktan ngunit napiit niya ang aking mga kamay at hinila ako paupo sa kanyang kandungan.
Mahigpit niyang ipinulupot ang isang braso sa aking baywang at ang isa ay nakahawak sa aking batok.
"Kahit kailan talaga, ang sadista ng babaeng mahal ko." Sabi niya sa halos paos na boses.
Pumiglas ako ngunit hindi ako nakawala. Hinigit niya ang batok ko at pinagdikit ang aming noo.
Bumilis ang kanyang paghinga. Napalunok ako sa pagtama ng bango nito sa aking mukha.
"You wouldn't cry like that if you don't care for me." Inilapit pa niya ang mga labi sa akin.
Marahan at paulit-ulit niyang hinaplos ang aking batok na nagpatayo ng aking mga balahibo.
"I can kindle your heart just like how I did in the past. But this time it would be a blaze. Apoy na mas matindi at mas nakasusunog."
Mas lalong bumigat ang aking paghinga. "Don't... make me a sinner!"
"I won't. Break up with him. You won't be one."
Muli ko siyang itinulak. Pinakawalan naman niya ako. Nanghihina ang mga tuhod ko ngunit pinilit kong tumayo.
BINABASA MO ANG
Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)
Ficção Geral"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate everyone, hurt anyone, if she likes to. She wants everything in control. But reality says, not all things are controllable. So, does that mean t...