Chapter 39
Mabilis kong nabawi ang kamay ko dahil sa ginawa niya. Muli ko siyang hinarap at hindi napigilan ang sarili na sampalin siya. Napabaling ang kanyang ulo.
"Do you think that I'm gonna believe you?!" Sigaw ko.
Hindi ko na alam kung paano pakakalmahin ang sariling paghinga.
"Wala ka nang karapatan sa akin! Wala ka nang karapatang halikan ako at sabihin sa akin ang nararamdaman mo!"
"What do you want me to do? Itago ang nararamdaman ko? Ginawa ko naman nung una!" Lumunok siya at tumingala. Kinagat niya ang ibabang labi na para bang may piniipiit siya. "Pero hindi ko na kaya ngayon... kahit mali na!"
"You should have moved on!" Bato ko.
Ipinikit ko ang mga mata at kinuyom ang mga kamay. Gusto ko nang umalis! Pero hindi ko maituloy dahil kailangan naming magkaliwanagan!
"Matagal na tayong wala! Matagal na tayong tapos! Can't you see how happy I am with Dash now? Can't you stop chasing me? Can't you stop... loving me?"
Tinalikuran niya ako at tumingin sa madilim na dagat.
"S-sana kaya ko." Basag ang boses niyang sagot. "Sana ganun kadali ang sinasabi mo. Pero tangina, hindi ako naka-move on. Noong naghiwalay tayo umalis kami ni Forrah, bumalik kami sa kung saan kami nababagay." Humakbang siya.
Sumunod ako. Nang malapit na sa tubig ay bigla na lang siyang napaupo. Nabasa siya dahil sa alon. Ngunit wala siyang pakialam.
"Sana ganun kadaling maging masaya para sayo at sa kanya. Pero hindi ko magawa. Siguro nga, nakalaya ka na. Pero ako, nakakulong pa rin. Nakakulong ako sa nakaraang ako ang may kasalanan kung bakit pumangit, kung bakit naging masakit."
Humampas sa mga paa ko ang tubig. Bumagsak ang tingin ko sa kanya.
"Sana ganun kadaling turuan ang puso na tumigil na sa pagtibok sa taong hindi na dapat. Sa taong nakalimutan na ang lahat at mayroon ng ibang mahal. Sana ganun lang kadali pero ang hirap."
Kahit hindi ganoong maliwanag ay kita ko sa mga labi niya ang paglarawan ng tipid na ngiti.
"Si Forrah at ako. We forced ourselves to love each other again. Even if it's so hard, we still tried. She's afraid of Dela Vegas. Takot siya sayo. Paano nga ba naman kung malaman mong may nararamdaman siya sa pinsan mo? And because she was wrong that I still loved her that time we were on, the reason why we broke up, she decided to break up with him too. Parehas kaming may mali. Pare-parehas tayong may mali. Siya, minahal si Conrad. Ikaw, minahal mo ako. At ako, minahal ki-"
"Anong ibig mong sabihin?" Nanlamig ako sa mga narinig.
Saglit niya akong tiningnan at napailing.
"Matagal nang sila. Una pa sila ni Conrad kesa sa atin."
"Ano?!" Gulat kong tanong.
"Naalala mo noong prom night? Umiiyak siya. Kasi nakipaghiwalay siya kay Conrad para sa'yo. Nakipaghiwalay siya dahil akala niya siya ang nakasira ng relasyon natin kahit ang totoo ay ako. You were the one who answered the call, right? Noong pagkatapos mo akong pagtripan at lagyan nung makukulay na bagay sa mga kuko." Pag-alaala niya.
Yes, I remembered it.
"Pero may tama rin siya. Tama siya na pinaibig lang kita noon. Pero nahulog ako. 'Yung pagkahulog na hindi ko pinagsisihan. Pagkahulog na hanggang ngayon hindi pa rin ako makaahon."
Kinuyom ko ang mga kamay. Pumikit ako nang mariin dahil sa nalaman kay Forrah at sa pinsan ko.
"Altamirano..." Lumunok ako at binalingan siya. "Umahon ka na. Ikaw lang ang nahihirapan."
BINABASA MO ANG
Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)
General Fiction"She doesn't have a heart." Iyan ang pagkakakilala ng marami sa kanya. She can do everything - humiliate everyone, hurt anyone, if she likes to. She wants everything in control. But reality says, not all things are controllable. So, does that mean t...