Chapter 26

72.9K 2K 458
                                    

Chapter 26

"Hindi mo pa rin pinapansin?" Kalbit sa akin ni Jill.

"Hayaan mo siyang magdusa." Nilaro ko ang straw ng iniinom kong milkshake. "Siya nga pala, biro lang 'yung gala natin bukas ha? Next time na lang kasi may lakad talaga kaming dalawa bukas."

Ngumisi siya. "Hayaang magdusa pero hindi rin pala matitiis." Kumuha siya ng chips at isinubo ito. Nginuya niya ito. "Well, it's good to see that he's working to your favor. Mga ganyang lalaki talaga hindi madaling pakawalan."

"Parang nung isang araw lang sinasabi mo sa aking dapat pag-isipan ko na 'tong nangyayari sa amin. Bakit nag-iba ata ang ihip ng hangin, Jill?"

Binato niya ako ng chips at ngumiwi. "That's not what I meant! Ang sinabi ko lang naman ay alagaan mo ang puso mo!"

Kumuha rin ako ng chips at ginantihan siya. Sumama ang tingin niya sa akin nang sumapol iyon sa kanyang ilong.

Ilang araw na kaming ganito. Hindi ko ikakailang nasasanay at nag-eenjoy ako sa company niya. She was not like other girls who could make me feel teed-off. Siguro ay dahil nga marami kaming pagkakatulad. Hindi kasi siya 'yung tipong natatakot sa akin. Which was very rare. Most of the girls knew how to dissociate themselves to me. In her case, if felt like she didn't want to. Parang normal na normal nga lang na mag-usap kami at maglokohan tulad nito.

Pinunasan ko ang bahid ng cheese sa kanyang ilong at mahinang sinampal ang kanyang pisngi.

"F uck, why you did that?" She almost shouted. Hinawakan niya ang pisngi.

"OA! Di naman masakit." Uminom ako sa aking shake.

Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan nang maramdaman ko ang pamilyar na mga kamay sa magkabila kong balikat. Napigil ko ang hininga at piniit ang sarili na lumingon.

"Jillian, may I talk to her?" Tanong niya.

Tumaas ang kilay ni Jillian. "Why are you asking me when you can do it yourself?" Tumayo siya at nginisihan si Altamirano. "Wag mo nang sasaktan ang kaibigan ko. Pag ginawa mo 'yon, di na lang siya ang mangangawawa sa'yo. Ako rin."

Muli akong kumuha ng chips at binato ito sa kanya. "Did I say we're already friends?" Pinipigil ko ang tumawa dahil sa inis na lumarawan sa kanyang mukha. "Di ko pa naman tinatanggap na maging kaibigan ka ah."

Ngumuso siya.

"Tell me first that I'm more beautiful than you." Biro ko.

"I'm not going to say that!" Sagot niya. "Mas maganda ako sa uy, wag kang feeler!"

"Then now we're enemies!"

"F ucker ka talaga, bessy! 'Wag ka namang ganyan! Sige na, sige na. Mas maganda ka na!" Inis niyang dinampot ang kanyang bag at humalik sa pisngi ko.

Natawa ako. Hilig niya talaga ang magmura.

"Next time, don't kiss me. Kinikilabutan ako."

"Oh gosh bessy, you're transforming now?" Maarte niyang tanong.

"Yuck! Tumigil ka nga! At tigil-tigilan mo rin ang pagtawag ng bessy. Kasuka!"

Mahina niyang sinampal ang pisngi ko. Hahablutin ko sana ang kanyang braso ngunit agad siyang lumayo.

"Ginagaya ko lang yung mga baduy nating schoolmates. Shit, di pala ako tatagal. It sends me goose bumps!" Hinaplos niya ang magkabilang braso na tila kinikilabutan nga. "Hay! Dyan ka na nga! Sama na ng tingin sa akin ng jowa mo!"

Umalis siya at napag-isa kaming dalawa. Hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin sa amin. Ang pagiging girlfriend ni Altamirano ay instant dagdag ng mga atensyong tinanggap ko nang kaiinisan ko.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon