Chapter 6

87.8K 2.4K 114
                                    

Chapter 6

"I have here strips of paper, you have to pick one and read what's written on it." Ngumiti si Ms. Dimayugyog at kinalog ang hawak niyang kulay blue na box. Nakalagay doon ang mga strips of paper na ginagayon niya. "You need to do the task because if you don't, you know what could probably happen to you. Your grade would be affected. The task is more of a project, class. Assignment and project at the same time, alright?"

Nasa kanya ang atensyon ng lahat. Excitement was palpable on their faces.

The task would be done by partners. Bago bumunot sa kulay blue na box ay si ma'am muna ang bubunot ng pangalan para malaman kung sino ang makakapartner ng bawat isa.

"Not in the mood? Any problem?" It's him.

Hinarap ko siya. May ngising nakapaskil sa kanyang mga labi.

Kumusta na kaya siya pagkatapos ko siyang sipain noong isang araw?

"Why bother asking?" Hinaplos ko ang buhok. "Ikaw may problema ka?" Matamis akong ngumiti. "Baka naman nagkakaproblema na 'yang puso mo. Tumitibok na yata nang malakas dahil sa akin. Dinig na dinig ko mula dito."

Pumangalumbaba siya at tumaas ang isang kilay.

Nasasanay na ako sa pakikitungo namin sa isa't-isa. Aware ako na talagang gusto niya ang larong ito.

"Ang hangin mo talaga ano?"

Nagtatawag na ng pangalan si Ms. Dimayugyog.

"Sa sobrang hangin mo baka madala ako. Wag namang ganyan, masyadong mataas ang tingin mo sa sarili." Umiling-iling siya at binasa ang ibabang labi.

Bumagsak ang tingin ko dito. He had cupid shaped lips. Hindi ito makapal at tila natural ang pagka-pula. Kung paanong bumagay iyon sa maangas niyang mukha ay hindi ko maipaliwanag. The only part of his face that showed softness was his lips. Ang brown niyang mga mata ay animong laging nang-aasar.

"Don't you know that you're the wind here? Ang yabang-yabang mo." Pumangalumbaba rin ako at tinitigan siya. "Hindi porke't nakukuha mo ang atensyon ng halos lahat ng mga babae dito ay magyayabang ka na. Don't even act as if you're rich. It's really nauseating!"

"Ako, umaastang mayaman? Are you kidding me?" Kumunot ang kanyang noo. "Baka mapanganga ka 'pag nakita mo ang sinasabi mong kahirapan ko, Dela Vega."

"See? You're that boastful!" Muli akong tumingin sa unahan. "Mas lalo lang nababawasan ang posibilidad na magkagusto ako sa'yo."

"Oh... you said possibility?" Mahina siyang humalakhak. "Meaning, mayroon pa. Sabi mo ay nababawasan lang." Humilig siya sa kinauupuan. "Kahit katiting lang na posibilidad 'yan, at least meron."

"I repeat, Altamirano and Dela Vega you are partners! Please go in front and pick for your task!" malakas ang boses na sabi ni Ms. Dimayugyog.

Pati ba naman sa bunutan ay mamalasin ako?

Tumayo si Altamirano na parang walang nangyari. It's obvious that many of my classmates wanted him to be their partner.

"Dela Vega... am I the one who's gonna pick for our task? You wanna do it?" Seryoso niyang tanong. Bumaling siya kay Ms. Dimayugyog. "Ma'am sorry po ah... sa sobrang ganda ni Dela Vega, hindi ko napansin na tinatawag niyo na pala ang pangalan namin." Ngumisi siya.

Nagtawanan ang iba naming mga kaklase. Umirap ako at tumayo. Bumunot ako.

"Your task is to paint anything that symbolizes love. With your partner, you have to decide about its symbolism. You will be given additional points if you will be able to do the task precisely." Mahina akong napamura pagkatapos basahin ang napunta sa amin.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon