TRANCE

47 7 27
                                    

A/N: Avaida's picture is on the media box

***

*flashback
(3 years ago)

Avaida's POV:
Unti unti kong iminulat ang aking mga mata.

"Nasan ako?"
"Nasa hospital ka, Aida!"

Nagpaulit ulit naman sa aking mga tenga ang huli nyang binitawang salita

Aida

Aida

Aida

At doon ko narealize na
Wala pala akong maalala.

Teka. Aida? Yun ba ang pangalan ko? At sino naman ang babaeng ito na kumakausap sakin. Bakit ako nandito sa lugar na ito?

"Aida? Yon ba ang pangalan ko?"

"Oo. Ikaw nga. Ikaw si Avaida Angela Absolacion!"

"At sino ka naman? Nasan ang mga magulang ko? At anong ginagawa ko dito?"

"Ako ang iyong tagapagbantay!"

"Tagapag-bantay?"

"A-ah, ang ibig kong sabihin, Yaya! Yaya mo ako! Nasa Hospital ka ngayon. Kagagaling mo lang sa isang operasyon. At malaki ang naging Impact ng operasyon sa pagiisip mo. Kaya nakalimot ka. Nalimutan mo na ang lahat. Ngunit wag kang mag-alala. Nandito ako upang ilahad sa iyo ang lahat. Lahat ng hindi mo nalalaman!"

"Ang mga magulang ko, asan sila?"

"Wala na sila, Aida. Sabay silang namatay sa isang aksidente. Wala ka na ring natitirang kamag-anak. Ang iyong mga lola at lolo ay patay na. Dahil sila ay matatanda na. Ako na lamang ang tangi mong kasama!"

"Ano? At pano ako nakakasigurong dapat kitang pagkatiwalaan?"

"Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng legal na dokumentong nagpapatunay sa aking mga sinasabi!"

Tulad ng kanyang ipinangako, ipinakita nya sakin lahat ng patunay sa mga sinabi nya tungkol sa buhay ko. Totoo nga ang sinabi niya. Magmula sa birth certificate, marriage certificate at mga death certificate, ipinakita nya sakin ang lahat. Pati narin ang mga papeles na nagsasabing siya ay kinuhang katulong ng aking mga magulang noon.

*end of flashback

"Ikaw ay may ginintuang puso. Nagawa mong ialay ang sariling buhay para sa iyong minamahal na kaibigan. At dahil dyan ay amin kang pararangalan."

Matapos ang pakikipag-usap sa isang lalaking hindi maaninag ang muka, unti unting naging malabo ang aking paningin

Minulat ko ang aking mga mata. Well, as usual, panaginip nanaman. Ewan ko ba. Simula ng ma-operahan ako 3 years ago, lagi ko na lang napapanaginipan yan. Alam ko naman na hindi ako yung kinakausap diyan. Sabi nga dyan eh, mabait daw. In short, opposite ko. Hindi ko alam kung kailangan ko pang intindihin yang panaginip na yan. O baka naman, simpleng panaginip lang talaga. Hays. Ewan talaga.

3 years ago after kong ma-operahan, parang dun palang nagsimula ulit ang buhay ko. Ano bang klaseng buhay to. Tsk. Pisti talaga.

Nga pala, I am Avaida Angela. They call me Aida!

Maganda. Matalino. Im taking Bachelor of Science in Civil Engineering. Mayaman din. Yun nga lang, isnabera!! Mataray at masungit...
Sabi nga ng iba,maging puno na ako, wag lang ng saging. Kasi nga wala daw akong puso.
Matagal naren akong ulila. Walang parents. Walang pamilya. Walang kamag-anak. Ewan, parang nagising na lang ako na wala ng may nagmamahal sakin. Nang magising kasi ako mula sa operation ko na heart transplant, yung yaya ko lang ung kumalinga sakin. Sabi nya, patay na daw ang parents ko ng matagal na panahon. Wala rin daw akong ibang kamag-anak. Parehas kasing iisang anak sina mama at papa. Yun ang sabi ni yaya. Kaya wala akong tita at tito. Natural, patay na rin ang lolo at lola ko. Oh diba, ansaya ng buhay ko. Nagpakita naman si yaya ng mga legal docu tulad ng mga certificates nila like births, marriage, death certificates and such. But still, I'm not yet convinced. Parang may mali talaga sa buhay ko. Kung ano man yon? Kailangan kong alamin iyon!
But for now, may iba pa akong dapat asikasuhin bukod sa magulong buhay ko.

PERFECT Yet INCOMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon