Aida's POV:
After ng 2 oras, natapos rin ang vacant time ko. Pumasok na ako sa next class ko. Then after 1 hour and 30 minutes, nadismiss rin kami sa wakas!! Last class na which is General Biology!
Hindi naman ako nalate sa pagdating pero pagpasok ko ng room ay nakaramdam nanaman ako na may nakatingin sakin. Teka, ang weird na talaga. Lagi na lang kasi akong nakakaramdam ng gantong feeling. Kanina pa! Simula sa first class ko pa. Kanina naman nung first class, walang nakatingin sakin cause I checked it. Feeling ko nga that time ay nasa labas ang tumitingin sakin. I mean sa labas ng room. Tapos kanina ring Calculus class, may nahuli akong nakatingin na lalake sakin. Well, Im not quite sure but feeling ko, sya yung nararamdaman kong nakatingin. Nung mapatingin kasi ako sa direksyon nya, napansin ko na napaiwas sya ng tingin. Kaso di ko naman nakilala kung sino sya kasi nung tipong titignan ko na sya, dumating naman si Maam. Alangan naman pumunta pa ako sa harap at tignan lang yung lalake. Ano yun? Eksena? Psh. Sawa na ako sa ganyan. Kainis! Anyway, eto nga. Ngayon naman, nafifeel ko nanaman na may nakatingin. This time, sa pinakalikod parin ako nakaupo. What can I say? Eh favorite place ko ang likod eh.
Tumingin na ako sa harap at iniscan ang muka ng classmates ko. Yung iba, nakapangalumbaba na. Well, boring nga naman kasi. At nakakatamad na lalo't last period na ngayon. Tsk. Wait lang! Biglang may nahagip yung mata ko!
May nakatingin talaga sakin. Lalake sya! Wait! Familiar sya eh!
Ahhhh
Sya yun! Sya rin yung lalakeng nahuli kong nakatingin sakin nung Gen Bio class namin before! Ano nga yung pangalan nya ulet! Ack! Sheeez. Nakalimutan ko ung pangalan nya.
I really suck on names! Pansin nyo ba na binibigyan ko ng iba't ibang nicknames ang mga nakakaaway ko. Unang una sa lahat, dahil di ko sila kilala. At kahit makilala ko pa sila, nakakalimutan ko parin yung names nila kaya binibigyan ko na lang sila ng mga kataga/A.K.A's
Pero sino ba tong lalake na to? Ang creepy nya ah! Bakit ba sya natingin sakin. At sya rin ba yung nararamdaman kong nakatingin sakin sa first and second class ko?
Naalala ko pa bigla na nagpakilala sya sakin non at sinabing classmates kami sa Calculus. So posible nga na sya rin yung feeling ko ay nakatingin sakin!
Hmm. I decided to give him a nickname too. Mr. Creep will suit him wellHis POV:
Hmm. Kuntento na ba ako sa ganito? Kuntento na ba ako na patingin tingin na lang sa kanya? Ano bang ikinahihiya ko? Or should I ask,
Ano bang ikinatatakot ko?Takot ba akong ma-busted nya? Kaya ba hindi ko magawang ligawan sya? Dahil natatakot ako masaktan? Ay! P*cha naman oh! Ngayon pa ba ako panghihinaan ng loob.
Ok, Len! Malakas ka! Wag kang matakot! Nasaktan ka na noon, diba? Bakit di ka pa masanay! Kung mahal mo talaga si Aida, ligawan mo sya. Hindi ka bakla kaya wag kang makuntento na lang sa patingin tingin mo
"Pre! Ano, liligawan mo ba yan si Aida?" - Khian
"Kaya nga, Len! Alam mo naman, pede ka pang mag-back out. Wag mo na kaya ituloy? Sa sama ng ugali nyan, I bet na hindi sya papayag magpaligaw. Wala ngang makalapit na lalake dyan eh!" - Lexis
Binatukan bigla ni Khian si Lex.
"Ano ka ba naman! Sa halip na patatagin mo yung loob nung tao, tinatakot mo pa. Wag mo nga syang idamay sa kamiserablehan mo! Kung gusto mong maging forever single, wag mong idamay si Len! Ngayon ngayon na lang ulit yan umibig, pipigilan mo pa?" - khian
"Ah basta! Hindi parin ako pabor dyan sa Aida na yan! Hindi ko gusto ugali nyan eh!" - Lex
"Hindi mo pa kasi nararanasan magmahal! Palibhasa, hindi mo kasi alam kung pano ang umibig. Kung minsan, ganyan talaga. Nagbubulag-bulagan ka dahil mahal mo sya!" - khian
Bigla akong napasagot sa sinabi ni Khian
"Hindi naman ako bulag. Alam ko yung totoo na ang babaeng pinili kong mahalin ay isang babaeng may masamang ugali. Pero kasalanan ko ba kung sa kanya lang tumitibok ng ganito ang puso ko? Hindi ako bulag. Sadya lang siguro na tanggap ko kung ano sya."
"Pano pag binasted ka?" - Lex
"Edi wala na! Ano pang magagawa ko kung hindi nya naman ako gusto! Ang akin lang, ok na sakin ang mapakita sa kanya na mahal ko sya. Malaman nya lang na ganun ako katapang para ligawan sya sa kabila ng mala-demonyo nyang ugali! Basta, mahal ko sya! Yun na yon! Tapos na ang usapan! Wala ng tanong tanong. At ano man ang mangyare, liligawan ko sya! Pangako!"
"Kailan mo nga sya liligawan?" - Lex
"Ewan. Hindi ko pa alam! Basta, tulungan nya ako ah!"
Aish! Para naman akong bakla nito! Pero kahit pa. Para kay Aida, ok lang na magmukang bakla ako!
"Oo naman. Sayo ang suporta ko, pre! Bro tayo diba?" - Khian
"Ako rin. Suporta rin ako sayo. Kahit naman ayaw ko kay Aida, kaibigan parin naman kita eh! At kung san ka sasaya, dun din kame ni Khian!" - Lex
Sabay sabay naman naming ginawa ang 'Bro-CHEER' namin at saka nagtawanan.
Aida's POV:
Whaaaa! Thursday nga pala ngayon at malapit na ring matapos ang class ko sa Gen Biology. Whooh! Bakit kaya ganun! Parang andami dami ng nangyare! Eh halos magwa-one week pa lang ako dito sa school! Well, si Mr Creep naman ay hindi ko na muna pinansin. Hindi ko parin maalala yung name nya! Hmm. Bala na sya dyan!
"Ok class, dismiss!"
Yes, tapos na ang thursday! Hay salamat! Isang araw na lang at rest day na! Hmm. San kaya ako pupunta? Ah alam ko na, pumunta kaya ako kila Mami at Dadi? Tama. Dadalawin ko na lang ang puntod nila
Unti unting nagbago ang mood ko. Kani kanina lang ay nakangiti pa ako pero ngayon, di na maipinta ang muka ko.
Hayss. Nakakamiss naman sila! Anyway, bago pa ako magdrama dito ay dumiretso na ako ng parking lot at pinaandar ang aking kotse pauwe.
Hmm. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod ah! I want to hug my bed now.
BINABASA MO ANG
PERFECT Yet INCOMPLETE
Teen FictionThey said that if the two of you are DESTINED to be with each other, nothing could take you apart. Even Death!! =*=*=*=*= Hindi lahat ng pagmamahalan ay naisasakatuparan At hindi lahat ng nagmamahalan ay nagkakatuluyan Pero pano kung ang naudlot na...