The REVERSE!

18 3 14
                                    

Nang makauwi na ako sa bahay ay agad ko namang inayos ang mga pinamili ko at nilagay sa dresser at shoe racks ko. 6pm na kaya napagdesisyunan ko ng magdinner. Aga no? Well. Nasanay na ako e! Hmm. Afritada at Adobong baboy ang ulam. Yum! Mahilig ako sa mga gantong pagkain. Pagdating kasi sa foods, hindi ako sossy at maarte sa pagpili. Mga lutong bahay na ulam ang talagang paborito ko. Makalipas ang 20 minutes, nagpahanda na ako kay yaya ng milk shake. Kumain din ako ng brownies. After non, umakyat na ako sa kwarto. Inintay ko lang yung milk shake at nung mainom ko na yon ay humilata na ako! Biglang bumigat ang talukap ng mata ko at ang huli ko na lang na naalala ay ang muka ng isang misteryosong lalake. Si Mr Creep! Doon ay nakatulog na ako...

***

Maaga akong nagising kaya kumain na ako ng almusal at ginawa ko kaagad lahat ng take home quizzes at assignments namen. After 30 minutes ay natapos ko kaagad lahat lahat kasama na ang mga advance assignments. Ang bilis ko no? Anyway, kanina pa nga ako nakahilata sa kama. Wala akong magawa e! Bored ba? Ano kayang pedeng gawin? Ayoko na kasi maggala ngayon. For sure ay puro families ang makikita ko sa labas. Sunday is family day. Hmm. Mag-oonline games na lang ako.
....
Dahil sa busy ako sa paglalaro, hindi ko namalayang 2:00 pm na. Aish! Di man lang ako sinabihan ni yaya. Sa bagay, dipa kasi ako nagugutom e! Hmm. Makababa na nga sa sala!

"Oh! Mabuti at bumaba ka na. Akala ko, wala ka ng balak kumain ng tanghalian e!" - yaya

"Bakit di nyo ako kinatok dun sa taas?"

"Hmm. Busy ka don sa taas kaka-laro mo. Magalit ka pa pag na-istorbo kita. Sus! Alam ko na yang ugali mo e! Alam ko naman, na ayaw na ayaw mong nagpapa-istorbo pag may ginagawa ka. Tsaka malaki ka na! Alam mo na kung kailan ka dapat kumain!"

Hmm. Mukang kilala na talaga ako ni Yaya. Nasanay na rin siguro sya sakin...

Teka. Bat ako nakangiti? Ano ba yan! Erase erase! Wag ka ngang ngumiti, Aida. Muka kang tanga!

Matapos kong kumain, pinagpatuloy ko na ang paglalaro. Maya maya ay naisipan kong magbukas ng fb. May nagchat sakin. Hmm. Sino to?

/chat/
Eissey Dadevetnom: "Kailan natin gagawin yung project?"

Huh? Teka, sino to? Sa pagkakaalam ko, di naman ako nagaaccept ng friend request ng mga hindi ko kilala. E bat friend ko to? Hmm. Tignan ko na lang yung mga pictures!

Ayt 
Si Yessie pala to. Si Ms Pabida na kumanta ng Chandelier! Teka, bat ganto ung name? Ahhhh! Alam ko na! Parang nakareverse ung spelling nung name nya. So pag binaligtad yung Eissey Dadevetnom, Yessie Montevedad! Dami naman nalalaman nito. Hmm. At dahil wala akong magawa, nacurious ako bigla. Ano kaya yung kalalabasan pagnireverse ko ren ung name ko?

Avaida Angela Absolacion > Adiava Alegna Noicalosba

Hahaha. Ano kayang name yon? Muntanga. Hmm. Yung kay Yaya kaya?

Legna Repeek > Angel Keeper

Whoa! Cool! May nabuong phrase. Angel keeper? Hmm?

Nagopen ako ng bagong tab at clinick ang google chrome. Sinearch ko yung Angel keeper at lumabas ang mga definitions nito.

Angel keeper or Guardian Angels are the angels who guide us, the people, through our daily lives. They help us everyday even we cant see nor feel it. God sent them from above so that we could be protected from harm.

Hmm. Totoo ba ang Guardian Angels? I dont think so. Swerte lang siguro ang iba kaya nakakaligtas sila sa mga pahamak. Isa pa, hindi ka mapapahamak kung di ka naman tanga. Tss. Pero ang galing naman nong sa name ni Yaya. Yun talaga ang nabuo? Angel keeper!

PERFECT Yet INCOMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon