DATE

21 4 5
                                    

Ayu's POV:

Maglalakad na sana ako paalis pero...

"Sige, Ayu! Piliin mo sya. Sige, ipagpatuloy mo yan. Pero wag mong asahan na kaibigan parin kita pagkatapos ng lahat ng to. Pag tinalikuran mo ako, ibig sabihin non, tinatalikuran mo na rin ang friendship natin"

Huminga muna ako ng malalim bago magpasya na...

Talikuran sya. Yun ang naging desisyon ko. Ang ipagpatuloy ang panliligaw kay Aida. Dahil mahal ko talaga sya. At hindi ko to pagsisisihan.

Aida's POV:

Pagkaalis nina Allen, napagpasyahan namin na mauna ng kumain. Etong dalawa sa harapan ko, grabe makipag-subuan.

"Wala ba kayong sariling mga kamay? Pwede naman kumain na hindi nagsusubuan, right?"

"Hahaha. Masanay ka na, Aida. Ganto talaga ang mga couples" - Khian

"Gagawin mo din to kapag kayo na ni Len no" - Alles

"Tsk! Nakaka-umay kayo"

"Hmm. Hinding hindi kami magsasawa sa isa't isa. Right Babe?" - Khian

"Ofcourse Babe" - Alles

At pinagpatuloy na ulit nila yung kalandian nila. If I all know, inaasar lang ako ng mga to. Hays

"Oh! Ayan na si Allen oh" - turo ni Khian mula sa likod ko. Napalingon naman ako at napansing...

"Bat di mo na kasama si Rian? Asan sya?" - Alles

Oo. Tama si Alles. Napansin ko kasi na wala ng kasama si Allen pagbalik nya dito. Eh asan na yung babaeng yon? Mukang natakot sakin at ayaw nya na masampal ulit

Tahimik lang si Allen simula ng bumalik sya. Kumain lang sya ng tahimik. Hmm. Malakas ang pakiramdam ko na may kakaibang nangyari kanina.

"Len?" - tanong ni Alles saka nag thumbs up. Parang tinatanong nya kung ok lang ba si Allen

Nag-nod lang si Allen at nag-smile ng pilit. Kumain lang kami and after that ay nagpasya narin kaming umuwi. 7 pm na.

7:30 na ako naihatid ni Allen sa bahay. Kina-usap nya rin si Yaya pagdating namin. Nag-explain sya kung bakit daw ginabi na kami. Iniwan ko na lang sya sa may sala habang kinakausap pa si Yaya. Umakyat na ako sa kwarto at nagbihis ng pantulog. Hays. Kapagod

*tok tok

Hmm. Si Yaya?

Pagkabukas ko sa pinto, si Allen pala. Di pa sya umuuwi?

"Oh! Di ka pa umuwi?"

"Eto na nga oh. Pa-uwi na. Magpapaalam lang ako sayo"

"Musta naman ang pag-uusap nyo ni Yaya?"

"Hmm. Ok lang. Naintindihan nya naman daw
Mabuti nga at pinakain na kita kanina"

Napa-ngiti na lang ako

"Ah sige, alis na ako. Ingat ka" he said with matching smile

"Sige bye. Ingat ka din"

At ayun nga, umuwi na sya. Ako naman, di parin inaantok. Hmm. Ano kaya pwede kong gawin ngayon? Wala pa pala akong plano para bukas. Eh sabado na kasi tommorrow.

Message from *Unregistered Number
(09*********) :
"Pwede ba kitang ayain bukas na lumabas?
~Allen"

Hala? Si Allen? San nya naman nakuha ang phone number ko?

Hmm. Sinave ko muna yung number nya bago nagreply

Message to *Allen:
"San mo nakuha ang number ko?"

Message from *Allen:
"Sagutin mo muna ang tanong ko bago ka magtanong. Tch!"

Message to *Allen:
"Ano bang tanong mo? Kung pwede tayong mag-date? Hmm. Sige, ok lang. Wala naman akong plano para bukas eh."

Message from *Allen:
"Talaga? Pwede?"

Message to *Allen:
"Kelangan, pa-ulit ulit tayo? Oo na nga sabi eh 🙄"

Message from *Allen:
"Ah, ganun ba? Sorry di lang talaga ako makapaniwala na pumayag ka. So, susunduin nalang kita dyan bukas.1pm pa naman ☺️"

Message to *Allen:
"Oh! Ako naman ang magtatanong. San mo ba nakuha ang number ko?"

Message from *Allen:
"Ah! Kay Yaya Legna ko nakuha tong number mo. Hihi 😁"

Ah! Kaya naman pala. Kay Yaya nya pala nakuwa. Hays. Concerned lang kasi talaga ako lalo sa mga private matters sa buhay ko. Ayoko na kinakalat yung mga personal info ko tulad ng cellphone number.

Yaaaawn

Bigla akong inantok. Whahaha. Maka-tulog na nga

Message to *Allen:
"Hmm sige. Matutulog na ako. Salamat na rin pala sa pagkain kanina. Good night na ☺️"

Himala na ba talaga to? Napapadalas na kasi ang pag-ngiti ko eh. Hays. Natatakot ako
Natatakot ako na baka dumating yung araw na lubusan na akong magbago. Ayokong magbago. Gusto ko, ganto lang ako forever. At kahit pa si Allen, hindi nya magagawang baguhin ako. Pangako ko yan sa inyo. Kahit kailan, hinding hindi magbabago si Avaida Angela Absolacion!

Message from *Allen:
"Sige. Matulog ka na ☺️
Good night
And I love you ❤️"

Napangiti na lang ako at kasabay non ay ang pagpikit ng mga mata ko.

Zzzzzzzzz

***

Kinabukasan, nagising ako na masaya. Hahaha. Ewan ko kung bakit. Siguro, dahil na rin sa date namin ni Allen later.

Hmm. Nandito ako ngayon sa harap ng closet ko. Ano bang susuotin ko?

Ito yung choices so help me guys kung ano pwede ha.

DRESS # 1:
Plain Black balloon dress
(Sleeveless)

DRESS # 2:
White Floral Dress (With Sleeves)

DRESS # 3:
Pink Fitted Backless Dress (Design-Patterns; Sleeveless)

DRESS # 4:
Plain Dark Pink Off-Shoulder Dress

DRESS # 5:
Peach Cocktail Dress (With Ruffles; Sleeveless)

DRESS # 6:
Royal Blue Fitted Dress (Design-Geometric Figures; Long-sleeve)

DRESS # 7:
Teal Blue Semi-Fitted Dress (Design-Graphics; With Sleeves)

Hmm. Ano kaya ang pwede suotin. Dami kong dress noh? Bagong bili lahat ng yan. Yung mga luma kong dress, diretso tapon na. Anyway, mamimili na ako

Yung #1, masyadong plain

Yung #2, masyadong magalang. Hahaha! Parang magsisimba lang

Yung #3, masyado namang revealing

Yung #4, ok lang. Kaso parang di ko like yung color

Yung #5, masyadong bongga! Hahaha! Cocktail?

Yung #6, medyo gusto ko sya. Ang ganda ng color. Bagay sa mestisa kong balat. Hahaha! Tsaka parang comportable din ako sa dress na ganto

Yung #7, Ok lang!

So nakapag-desisyon na ako. Base sa mga inceptions ko, ang napili ko ay yung Dress # 6 na Royal Blue Fitted Dress.

12:00 na. So malapit na yung date namin. Kakatapos ko lang maligo. Naka-bathrobe na ako at may towel pa sa buhok. Hmm. Nagblower muna ako ng hair ko. Tapos nagbraid ako ng fish tail. Yes, marunong ako magbraid ng sarili kong buhok. Baka sanay akong mamuhay mag isa.

Sinuot ko na yung dress ko. Tapos light make-up. As in light lang talaga! Matapos makapag ayos ay tinignan ko ang aking sarili sa salamin. And ayan, I'm ready na

*tok tok

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa aking vanity.

"Ang ganda ganda mo talaga Aida" - Yaya

"Ofcourse, Ya. Ako pa ba"

Sinuot ko na rin yung Black Stiletto Heels with about 5 inch lang naman.

PERFECT Yet INCOMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon