"I supposed, you're raising your hand because you know the answer, am I right?" - Maam Mendez
I cheerfully nodded and Maam Mendez had grant me the honor to answer her simple question!
"In supposedly manner, the 6 operation in Arithmetic are; Addition, Subtraction, Multiplication, Division, Involution, & Evolution"
Hmm. Hindi naman ako matalino dahil lang nasagot ko ng tama ang tanong ni Maam. It's just that tanga lang talaga ang mga classmates ko. Like duh! The question is so easy! Simple & basic! And it's so unreasonable that they dont know the answer.
Anyway, nagpatuloy na si Maam Mendez sa kanyang lesson at naging active naman ako. Syempre, first time ata ni Maam makapagturo. At take note, favorite subject ko to kaya I really need to focus. After ng class, vacant ko na kaya naisipan kong pumunta na lang ulit sa Mall para kumain. Bumili lang ako ng 3 orders ng waffle at dumiretsyo sa stall ng mga fruit shakes. Dito lang ako sobrang natagalan. Eh pano ba naman, ang bagal bumili ng nasa unahan nung pila. Hindi kasi niya alam kung anong flavor ang bibilhin. Psh. Bilhin nya na lang kaya lahat tapos tikman nya isa isa. Bwisit talaga. Gutom na ako at hindi pa ako pwedeng kumain ng walang inumin. Ayoko pang mamatay dahil lang nabulunan ako.
"Miss, ano po ba talaga ang flavor na gusto nyo?"
Iritableng tanong nung tindera sa stall"Ah! I like chocolate flavor kasi eh! Kaso wala naman kayong ganong flavor. Ano ba yan! Di nyo ba afford ang chocolate flavor?"
Ay! Tanga! Pano naman magkakaron ng chocolate flavor sa fruit shakes. Fruit nga diba? Kailan pa naging prutas ang chocolate, aber? Hays. Nakakapang-init ng ulo
"Pero Maam, wala naman po talaga kayong mahahanap na choco flavor sa fruit shakes. Hindi naman po prutas ang chocolate!"
See! Maski yung tindera, gusto naring ipamuka ang katangahan nung babae!
"What? Are you saying I'm idiot dahil naghahanap ako ng chocolate flavor?"
Dahil sa sobrang gutom, tinulak ko yung babae sa harap ko. Tinulak ko sya sa side at saka humarap sa vendor! Gulat pa rin yung costumer pati na yung vendor dahil sa ginawa ko
"Isang Mangoesteen flavor. Yung big cup."
Sabi ko sa counter. Narealize naman nung babae sa counter na umorder ako kaya agad nyang inasikaso ang order ko. Tss. And as usual, nakarinig nanaman ako ng bulungan sa likod ko like,
"Ang sama nya naman!"
"Hindi nya naman kailangan itulak yung babae!"
"Rude!"
"Ay! Ang pangit ng ugali nya!"
At yung iba ay di ko na pinag-aksayahang pakinggan pa. Tss. Masama na agad ang tingin nila sa akin dahil sa ginawa ko? Ang babaw naman ata. Pano pa kaya kung malaman nila na nakapatay na ako ng tao! Mamumuhi na siguro sila sakin kung ganon.
Well, hindi naman ako yung mismong nakapatay dun sa tangang babae na yun! Hindi ako ang direct na pumatay, ok?
Aba! Kasalanan ko bang may allergy sya! Tanga kasi sya. Alam nyang may allergy sya sa gata pero di parin sya nako-concious sa mga kinakain nya. Well, may kasalanan din ako. Kasi alam kong may allergy sya pero di ko parin sya sinabihan na may gata yung ulam na kakainin nya. Unang una sa lahat, obvious naman na may gata yung ulam base sa color. Tanga nya nga kasi di nya ata napansin yun. Tsk tsk. Pangalawa, nakaaway ko yung babaeng yun kaya wala akong balak na kausapin sya! Hindi naman kami close eh! At ang pinakahuli sa lahat, malay ko bang nakakamatay pala ang atakihin ng allergy? Ang tanga naman kasi ng babaeng yon at dinadamay pa ako at kinokonsensya. Bakit? Ako ba yung pumatay sa kanya? Ako ba yung gata? Hindi ko lang sya nasabihan pero di ko naman sinadya yun! Magkaaway nga kami that time kaya ayokong kausapin sya at alam kong ayaw nya rin akong kausapin. But anyway, past is passed. Wala na akong magagawa ngayon kaya walang kwenta kung magsisi pa ako. Eh huli naman na ang lahat eh!I may be rude and bad, but, who cares? Wala na akong pake kung huhusgahan nyo ako!
His POV:
"Huy! Sino nanaman ang iniisip mo dyan? Si Aida nanaman no!" - Khian
Tsk. Kahit kailan talaga, ang daldal nitong lalaking to.
"Ano bang nagustuhan mo sa kanya!" - Lexis
"Whoa! Seriously, pre? Tinatanong mo yan? Nako, kung hindi lang talaga ako loyal kay Alles, baka na-inlove na din ako kay Aida. Eh halos perfect na nga si Aida eh! Maganda, maputi, sexy, mayaman, matalino! Ikaw talaga, Lex! Ano bang pwedeng dahilan para di mo magustuhan si Aida? " - Khian
"Ano bang meron sa kanya bukod sa masungit sya! Masama! Mayabang! Isnabera! Sabihin mo nga, pano mo magugustuhan ang isang babaeng ganun?" - Lexis
Hmm. Tama nga si Lex!! Ano bang nagustuhan ko kay Aida!
"Ah basta, para sa akin, perfect na sya! Diba, Len?" - khian
Di naman ako sumang-ayon kay khian.
Marahil nga malapit na sya sa perfect. Kaso, may kulang sa kanya eh! Yung atittude. Yung character! Wala syang ganun. In other words, wala syang puso! Pero kahit ganun ang ugali nya, nagustuhan ko parin sya. Bakit sya pa? Oo nga, masama sya. Perfect na sana sya kung mabait lang sya! Kaso hindi eh! Mukang wala nga talagang perfect na tao. Lahat, may pagkakamali rin. Pero hindi naman mali ang magkagusto sa kanya, hindi ba? Hindi mo naman nagugustuhan ang tao dahil sa pagiging perfect nya. Kaya wag nyo na akong tanungin kung bakit nagustuhan ko si Aida sa kabila ng ugali nya. Maybe, it's in her eyes. There's something sa mata nya na di ko maipaliwanag!
Simula ng matitigan ko sya sa mata, I fell inlove with her.
By the way, I guess, you already met my new friends. They are Khian and Lexis. Yung tinutukoy naman kanina ni Khian na Alles, ay yung gf nya. They are my new found friends. Classmates ko sila sa ilang subjects/classes.
Allen's POV:
Simula ng mamatay si Abyla, naging emo na ako. Umiwas ako sa mga tao at hindi ako nakihalubilo sa iba. Ang tangi ko lang kinakausap ay si Mama at ang isa ko pang best friend na si Ri (Rian). Si Ri ay bff din ni Abyla. Dahil sa parehas na pangungulila ay kami ang naging magkasangga ni Ri. Si Ri ang nagsuggest sakin na makisocialize naman sa mga schoolmates ko. 3 years na rin ang nakalipas. 3 years ng pananahimik. 3 years ng pagluluksa. Sapat na nga ba ang 3 years para sa pangungulila ko? Panahon na ba para tumigil na sa kahibangan ko? Siguro nga, eto na ang time para tumigil na ako sa pagiging emo at eto na rin siguro ang panahon para sa pagmomove-on.
Goodbye, Abyla! Kalimutan ko man ang memories mo sa utak ko, they will still find their way through my heart. And whatever happens, di ka na mawawala sa puso ko. Kakalimutan ko na ang feelings ko sayo pero hindi ang pinagsamahan natin. I must admit, kailangan ko na rin bumitaw. Dahil wala na! Wala ka na!!
BINABASA MO ANG
PERFECT Yet INCOMPLETE
Teen FictionThey said that if the two of you are DESTINED to be with each other, nothing could take you apart. Even Death!! =*=*=*=*= Hindi lahat ng pagmamahalan ay naisasakatuparan At hindi lahat ng nagmamahalan ay nagkakatuluyan Pero pano kung ang naudlot na...