To the CEMETERY

18 3 8
                                    

My first friday in school will be today. Yes! Sa wakas, naka-one week na ako sa school. I'm so happy. Hmm. Bukas nga pala, dadalawin ko ang puntod nila mami at dadi. Normal naman ang araw ko ngayon. So far, so good. Wala naman akong na-encounter na mga tanga sa tabi-tabi kaya mabilis natapos ang araw ko.

Hmm. Gabi na. At nandito pa ako sa kama, naka-indian sit. Malalim na nag-iisip. Hayss. Tama na nga to. Maaga pa ako bukas kaya kailangan ko ng matulog ng maaga. I know, that tommorrow will be a big day. Ahhhh! I need a rest.

***
Kinabukasan..

"Ya! Ano pong almusal?"

"Magkakanin ka ba o tinapay lang?"

"Magkakanin na lang po ako. Tutal, mukang magtatagal ako sa pupuntahan ko"

"Saan ka naman pupunta?"

"Kila mami"

"Ha? Pupuntahan mo ang parents mo? Teka, nakalimutan mo na bang patay na sila?"

Aish!

"Yaya! Alam ko yun. Wag nyo nang ulitin sakin yan kasi masakit eh! Alam ko naman yung totoo. Hindi ako bulag! Alam kong patay na sila. Ang ibig ko lang sabihin, dadalawin ko sila sa cemetery!"

"Ah ganun ba? Akala ko kasi, hindi ka naniniwala na patay na sila! Anyway, mabuti naman at naisip mo rin na dalawin sila sa free time mo! Kesa naman mamasyal at maglakwatsa ka lang sa kung saan!"

"Tss. Whatever!"

Matapos kumain ay dumiretsyo na ako sa labas. Bago pa kasi kumain ay naka ayos na ako at dala ko narin ang bag ko. Agad kong binuksan ang engine ng sasakyan at pinaandar eto!

*The Cemetery
Kasalukuyan akong naglalakad habang dala dala ang mga bulaklak na alay ko. Kahit pa siguro isa itong exclusive cemetery, dahil narin siguro sa weekend ngayon, maraming tao ang nandito. Mostly ay families.

Tss. Edi sila na ang pamilya! Talaga bang ipinamumuka sakin na ulila na ako? Tss.

Nang matanaw ko na ang libingan nina Mama, bigla akong napatingin sa dalawang tao sa may damuhan sa gilid ko. Teary eyes na yung babae at paulit ulit nyang sinasabi ang pangalang

'Abyla'

Napatingin ako sa kanya kanina kasi nga akala ko, ako yung tinatawag nya. Medyo magkatunog kasi ung Abyla at Avaida.

[A/N: Abyla reads as 'a-bay-la']

Bale dalawa silang nasa may puntod. Isang babae at isang lalaki. Tingin ko ay mag-asawa ang dalawang ito base sa itsura nila. Isa pa, muka silang nasa 40 na ang edad kaya hindi pedeng magbf-gf lang, diba? Baka nga anak nila yung dinadalaw nila eh! Anyways, bago pa ako maiyak sa drama nila, dumiretsyo na ako kila Mama. Agad kong nabasa ang mga pangalan nila:

=Akilla Jane Absolacion=
Born: July 7, 20**
Died: December 12, 20**

=Xiedo Khing Absolacion=
Born: August 4, 20**
Died: December 12, 20**

Hays. I miss them. At ni minsan, di ko man lang sila nakilala. Remember, simula ng magising ako after ng operation ko, wala na sina Mami at Dadi. Tapos wala pa akong maalala sa mga nangyare sa buong buhay ko. Nakakainis talaga. Bat ba ang malas ko?

After ko mag-alay ng flowers, nagtirik din ako ng scented candle. Kinausap ko rin sila sa isip ko. After 30 minutes, napagpasyahan ko nang magpaalam. Napadaan ulit ako dun sa puntod nung Abyla. Ewan ko ba pero bigla nalang ako nakaramdam ng kakaibang feeling pagdaan ko kaya napatingin ako sa puntod at eto ang nakita ko

=Abyla Radantel=
Born: December 5, 20**
Died: Jan 21, 20**

After ko makita yung birthday at date of death nya, biglang nanindig ang mga balahibo ko. Nagkataon lang ba na parehas kami ng birthday? As in parehas na parehas talaga. Magmula sa buwan hanggang sa taon, parehas kami ng b-day. At ang isa pang mas kagimbal gimbal, sadya bang co-incidence lang na yung araw na mamatay sya ay yung saktong araw din na nagising ako mula sa operation ko? Ewan ko ba kung anong dapat ikakaba pero parang may iba talagang nangyayare.

Pero naisip ko na ipagwalang bahala na lang yun. Kasi, baka masyado lang talaga akong OA.

Hmm. Bakit ganun? Akala ko, magtatagal ako dito sa sementeryo. Feeling ko kasi, miss na miss ko sila mami at dadi eh. Pero pagdating ko sa puntod nila, parang wala naman akong naramdaman na bigat ng loob. Akala ko pa naman, marami akong maike-kwento sa kanila. Pero pagdating ko dito, parang naubusan na ako ng sasabihin. Dahil 11:00 naman na, dumiretsyo na ako ng SM. Nahahalata nyo na bang favorite tambayan ko ang Mall/SM? Hahaha. Ganun talaga pag-rich kid. Anyway, dumiretsyo na ako sa isang book store at isa isang tinignan ang mga covers ng libro. Ang sabi nila, dont judge the book by its cover. Eh alangan naman, isa isahin kong basahin at buklatin yung mga books dito? Baka abutin ako ng isang taon! One more thing, hindi naman kasi ako fan ng romance books. Tsk.

After ng pag-i-scan ko sa mahigit sampong libro, nakapili na ako ng bibilhin ko. Guess what kung ilan ang binili ko out of 10 books na ini-scan ko? Actually, hindi talaga ako pumili. Bakit ko kailangan mamili ng iilan lang kung pede ko namang bilhin ang lahat ng ito. Ayoko ng pahirapan ang sarili ko. Well, what can I say? Mayaman ako at gusto ko yung mga libro. So what's the reason para hindi ko bilhin lahat ng iyon?

Paglabas ng bookstore, nakaramdam na agad ako ng gutom kaya dumiretsyo na ako sa isang fancy restaurant kung saan puro couples ang nandito. Nagdalawang isip naman ako.

Dito ba talaga ako kakain?

Pero dahil narin sa gutom, hindi na ako nagback-out. Tsk. Ano bang paki ko kung puro lovers ang nandito. Yaan ko na nga sila. Hindi sila kawalan! Edi sila na ang lovers!

Tsk tsk. Bitter ba? Hindi naman! Allergic lang talaga ako sa mga romantic. Anyway, ayoko na silang pag-aksayahan ng oras. Tinawag ko na yung waiter saka tinignan ang menu. Umorder lang ako ng isang main course at isang dessert. Annnnnd no wine! A big no no! Bata pa ako noh.

2 pm, nagstart na ako mag-shopping. 3 hours later, naisip kong umuwi na. Tinext ko kaagad si Yaya na pauwi na ako. Para saan? Para makapaghanda na sya para sa dinner ko.

Potek. Puro na paper bags ang kamay ko. Kawawa naman sya. Sa susunod, kukuha na ako ng personal assisstant. Kung...
may tatagal sakin. Sa totoo lang, si Yaya lang naman ang mapag-kakatiwalaan ko. Sya lang ang may kayang makatiis sa ugali ko. Kaya kung mapapansin nyo, wala akong driver o kung ano pa mang ibang yaya o kahit body guards. Mayaman ako at maraming pedeng mag-apply pero wala akong kayang pagkatiwalaan. Kaya si yaya lang ang tagapamahala sa lahat ng gawain sa bahay. Hindi naman sya nagrereklamo. Nung magising ako after the operation, tinanong ko sya kung sya lang ba ang katulong sa bahay. I mean, sya lang din ba ang na-hired noon nila mama? Sabi nya, marami daw kaming katulong at mga body guards dati pero nung maaksidente sila mama at papa, nag-resign na daw sila lahat. Si Yaya na lang ang natira. Si yaya Legna.

PERFECT Yet INCOMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon