a CONCEALED Truth

14 3 10
                                    

Allen's POV:

Matapos ang pagpapahangin ko sa labas ay pumasok na ulit ako sa bahay nina Khian. Nakita ko naman si Aida sa may garahe sa tapat ng kotse nya. Ilang oras din kaming nagtagisan ng tingin ng biglang may sumigaw.

"Yow! Ahaha! Whohooh! Ahaha. Oh yeah!"

Nakita ko na nandun si Khian at inaalalayan sya ng gf nya na si Alles.

"Alles! What happened to Khian?"

Hayss. May masabi lang. Obvious naman kasi na lasing sya

"He's drunk!" - Alles

Nagroll-eyes si Aida.

"Naysh one, Len. Dyumadyamubs ka na ah! Ahaha! Alam mo ba, Aida! Pachay na pachay tong chi Len chayo!" - Khian

Sh*t. Baliw talaga to si Khian e! Ibubuking pa yung feelings ko kay Aida. Sana, di naintindihan ni Aida yung pinagsasasabi nitong si Khian. Dahil kundi, ay nako na lang. Tinulungan ko na si Alles sa pag-alalay kay Khian

"Khian! Let's go!"

"I'm sorry, Aida" - Alles

Nagsorry naman si Alles kay Aida sa inasta ni Khian. Tss. Di naman sya papansinin nyan e!

"Its alright!" - Aida

Oooops! Binabawi ko na pala yung sinabi ko. Nakakapagtaka si Aida kasi bigla niyang nginitian si Alles. Pero it feels so fulfilling for me na ngumiti ang isang Aida sayo. Inilayo na namin ni Alles si Khian kay Aida bago pa ito may masabi kay Aida. Sumakay narin si Aida sa kotse nya at umuwi na.

"Ingat ka!" - bulong ko habang tinitignan yung kotse nya na palayo na ng palayo.

*the next day

Kinabukasan ay maaga akong nagising para sunduin si Khian sa kanila.

"Good Morning, Khian!"

Bati ko sa kanya habang bumababa sya ng hagdan. Hmm. Masakit siguro ulo nito ngayon. Daming nainom kahapon e!

"Masaya ka ata?" - Khian

"Hindi naman. Maganda lang talaga ang gising."

"Asus! Ang sabihin mo, napanaginipan mo lang si Aida! Nakita mo lang kahapon e!"

Aba. Nanukso pa ang loko a!

"Baliw! Wag ka ngang maingay. Baka marinig nung pinsan mo! Pero hoy! Naalala ko pala. Kagabi, para kang ewan. Alam mo bang muntik mo ng masabi yung secret ko kay Aida!"

"Huh? Talaga? Ginawa ko yun? Oh, eh ano namang reaksyon ng Aida mo?"

"Di ka naman nya naintindihan e! Lasing ka na kasi. Di mo na nga maalala eh!"

"Hahaha. Sori naman. Alam mo namang nawawalan ako ng kontrol paglasing na!"

"Oo na lang. Bilisan mo na nga, malate pa tayo sa pagpasok e!"

"Ang aga aga pa eh! Late agad? Gusto mo lang makita agad si Aida mo eh! Ayiee! Hahaha"

Hays. Loko talaga to.

Aida's POV:

Bwiset na alarm clock. Wala namang kwenta eh! Nauunahan ko pa! Tsk tsk. Makababa na nga para kumain ng almusal. Baka malate pa ako e!

"Aida,
Pumunta nga pala ako sa Almighty Company dahil may kailangan lang akong ayusin don. Inihanda ko na ang pagkain mo dyan sa lamesa. Darating din ako mamayang gabi. Mag-ingat ka!

Yaya Legna"

PERFECT Yet INCOMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon