Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang ibig sabihin nung Triple A. Anong meron sa Triple A at bakit sinabi ni Len yun? Bakit naging tensyonado yung grupo kanina nung sabihin ni Len yung word na yon?
Aish! Focus, Aida! Magfocus ka. Gusto mo bang mapahiya sa klase?
Nakinig na lang ako sa teacher ko na nagdidiscuss ng program coding sa computer.
Kollen's POV:
Hmm. Di ko lubos akalaing ganto kaaga namin mahahanap si Triple A o mas kilala bilang Aida. Bakit TRIPLE A? Dahil yun sa pangalan nya. Avaida Angela Absolacion. Tatlong A! Ako nga pala si Jacob Kollen Vicce. Anak ako ni Mr Jairus Vicce, ang may-ari ng pangalawa sa pinakamayamang kompanya ng mga wines sa Asia. Pangalawa lang ang kompanya namin, dahil ang pinamayamang kompanya sa Asia ay ang Almighty Company. Ang Almighty Company ay hawak ng Repeek family. At sa Almighty Company nanggagaling ang lahat ng pera nina Aida. Isa sa mga major stackholders ng kompanya ay ang magulang ni Aida. Kaya kahit ngayong patay na sila, patuloy na nababahagian ng yaman si Aida.
Ang dad ko ay isang negosyante at gagawin nya ang lahat para lang makuha ang karangalan na meron ang Almighty. Gusto nyang maagaw ang yaman ng kompanya. At naisip nyang i-kidnap ang pinaka-pinoprotektahan ng kompanya. Si Triple A. Kaya ang misyon ko at ng mga kaibigan ko, ay ang kaibiganin si Aida para mapalapit ang loob nya samin. Para sa oras na ma-kidnap na sya, hindi kami ni Dad mapaghihinalaan dahil naging magkaibigan kami!
Nang mabalitaan namin na dito nag-aaral si Triple A, agad kaming nagpalipat ng school. At hindi ko akalaing wala pang isang oras ng pagkatungtong sa school na to, na-meet agad namin sya. Sa totoo lang, hindi namin kilala ang muka ni Triple A. Pero nagulat ako ng palihim na kunin ni Dianna ang binder ni Aida. Don ko nakita ang pangalan nya. Kaya agad kong pinigilan ang mga kaibigan ko. Hindi kami pwedeng makipag-away kay Triple A. Kailangan namin kunin ang loob nya.
Aida's POV:
After ng first class, dumiretsyo na ako sa Engineering and Mathematics Building.
"Hi! Aida" nakangising bati sakin ni Aiana. Tss. Halatang fake yung ngiti nya e! Ano ba kailangan ng mga to. Bat andito sila sa labas ng room ko.
"Magkaka-classmates pala tayo" nakasmirk na sabi ni Deelan na hanggang ngayon ay nakashades paren
"Bampira ka ba?"
"Ha! What do you mean?" - Deelan
Napangiti naman si Jeoffrey. Ibig sabihin, nagets nya na ako
"Bat lagi kang naka-shades?"
"Wala. Feeling ko kasi, ang gwapo ko sa shades na to!"
"Tss. Gwapo? Mas muka kang gago! Muka ka ngang bulag dyan na ewan!"
Nagtawanan naman ang iba. Hmm. Nagjoke ba ako? Seryoso kaya yung sinabi ko.
"Hayaan mo na yan, araw araw kasing may sore eyes e! Haha" - Dianna
Nagtawanan ulit yung magbabarkada. Napatingin naman ako kay Len. Nakahalf smile lang siya. Bigla naman syang napalingon sakin at nahuli nya akong nakatingin sa kanya! Nagulat sya nung una pero nginitian lang din ako.
"So? Now, are we friends?"
Nakangiting tanong ni Jeoffrey. Nagtinginan naman ang lahat sa akin. Friends? Wala sa vocabulary ko yan. Tsaka bat ang bilis ng pangyayari? Kani kanina lang, ang aangas nila at handang makipag away sakin tas ngayon, friends na?
I rolled my eyes saka pumasok sa room. Bahala sila sa buhay nila. I dont need a friend. And besides, I cant trust anyone. Especially yung mga taong kakakilala ko lang
BINABASA MO ANG
PERFECT Yet INCOMPLETE
Teen FictionThey said that if the two of you are DESTINED to be with each other, nothing could take you apart. Even Death!! =*=*=*=*= Hindi lahat ng pagmamahalan ay naisasakatuparan At hindi lahat ng nagmamahalan ay nagkakatuluyan Pero pano kung ang naudlot na...