It's HER!

14 3 9
                                    

Rian's POV:

Ako nga pala si Rian Mhia Cortez. Ang bff ni Abyla na 3 taon ng yumao. Naging ex-boyfriend ko rin si Ayu na boyfriend ni Abyla. Pero ngayon, kilala na si Ayu bilang Allen dahil yun ang first name nya. 'Len' ang tawag sa kanya ng bago nyang friends. At masaya ako dahil unti unti ng nagmomove-on si Ayu mula sa pagkamatay ni Abyla. Simula kasi ng mawala si Abyla, di na nakipag-kaibigan pa sa iba si Ayu. Natuto syang mag-isa. At nung mga panahon kasi na nag-iisa si Ayu, nasa ibang bansa ako. Sa India ako nag-aral. Pero ngayong college, dito na ulit ako sa Philippines. Nung bumalik ako dito sa Pilipinas, nakita ko kung pano naging miserable ang buhay ni Ayu. Kaya nga ipinayo ko sa kanya na oras na para magmove on at makipag-socialize na sya sa iba. So far, may 2 na syang bestfriends which is close ko rin. Sila Khian at Lexis. Kahit papano naman ay nakikita ko kung pano sya bumabangon. Kahit pa namatay na si Abyla, kailangan naming bumangon at ipagpatuloy ang buhay.

Anyways, di ko na ren pala nameet si Ayu simula ng mag-start ang school year ngayon. Kaya wala pa akong bagong chika sa kanya.

Well, andito nga pala ako sa mall ngayon. Wala lang. Shopping lang here. Actually, nag-cut ako eh! Kaya nga kanina pa ako nandito sa Mall. Sa mga oras naman na to, uwian na ren namin. Hahaha. Anyways, naglakad lakad ako sa ground floor ng mall ng may makita ako...

Nakakita ako ng isang babae na naglalakad din at nagsha-shopping dito sa mall. Nakatalikod sya sakin pero kilalang kilala ko ang likod na yon. Isa lang ang naalala ko sa kanya...

ABYLA

Hindi ako pwedeng magkamali. Si Abyla nga ang nakita ko. Pero imposible yon! Namatay sya. Nakita ko ang bangkay nya. Pano nangyare to? Hindi kaya katulad nya lang ng likod?

Pero hindi eh! Pakiramdam ko talaga, siya yon. Si ABYLA yon!

Allen's POV:

Nang matapos ang last class, dumiretsyo ako sa mall para bumili ng mga pagkain at stock sa bahay. Sa paglalakad ko papuntang groceries, nakita ko si Rian.

"Rian! Long time no see!"

Pero di parin sakin lumingon si Rian. Anyare dito? Bat naging istatwa na to?

"Hoy Rian!!"
Bigla naman syang nagising sa pagkakatulala at agad lumingon sakin.

"Oh! Ikaw pala, Ayu! Long time no see!"

"Gaya-gaya!"

"Huh? Anong ginaya ko?"

"Wala! Tulog ka kasi eh!"

"Whatever"

"Eh bat ka nga ba nakatulala dyan? Sinong tinitignan mo kanina?"

Pansin ko kasi na parang may sinisilip sya kanina.

"Ah wala yon!"

Hmm. Feeling ko, may nakita talaga tong si Rian pero ayaw nya lang sabihin. Anyway, wag ng pilitin ang ayaw!

"Tapos ka na ba magshopping? Pauwi ka na ba?"

"Ah. Oo. Kakatapos ko lang magshopping. Kanina pa kaya ako dito!"

"Hmm. So nag-cut ka?"

Ngumiti lang sya. Hay nako, ito talagang si Rian!

"Ikaw? San ang tungo mo?" - Rian

"Maggo-grocery lang ako. Sama ka?"

"Ah sige!" - Rian

And with that, nagtungo na kami sa grocery store

"Ah miss! Ikaw po yung nasa trending video, right? Yung nasampal?"

Bigla namang napakunot ang noo ko sa narinig ko. Sinong kausap nit---
Paglingon ko, nakita ko yung nagsalita kanina at kausap nya si Rian. Teka? So nagtrending si Rian? At nasampal sya? Sino naman ang gumawa non sa kanya?

"What are you talking about, miss?"

Tanong ko dun sa girl.

"Ahm! Nagtrending po kasi yung video last week. Sya po ay nasampal non dito sa mall. Grabe nga po eh! Di man lang naawa yung nanampal sa kanya! Magkabilaan pa talaga ang nasampal sa kanya!" - girl

"At hindi ka rin chismosa eh! Kung mag-usap kayo, parang wala ako dito. Pwede ba, lumayas ka nga dito. Panira ka ng mood eh! Ikaw kaya ang sampalin ko? Para ikaw naman ang magtrending!" - Rian

Natakot yung girl kaya patakbo syang umalis

"At ikaw! Nakipagchikahan ka pa don sa girl ha!" - Rian

"Seriously? Nasampal ka? Kelan pa? At sinong sumampal sayo? Ano ba ang nangyare?"

"Wow! Di ka rin updated noh? Fb fb rin kasi pag may time!"

"So gusto mo pa talagang mapanuod kita habang pinapahiya ang sarili mo? Imagine that! Si Ms.Rian Cortez, nagpasampal lang!"

"Mas ok na panuorin mo yun kesa naman ako ang mismong magkwento sayo. Naiirita lang ako pag inaalala yon! Nako talaga"

Agad kong kinuwa ang phone ko at nag-open ng fb. Pagkabungad pa lang, nakita ko agad yung video. Wow! Last week pa to ah? Trending parin hanggang ngayon? Wow lang talaga! At sino naman kaya ang nagpatrending sa isang Ms Rian?

Pinanuod ko yung video at dun ko nalaman na...

Yung sumampal kay Rian ay walang iba kundi si...

Aida!

Aida's POV:

Kakauwi ko lang ngayon. Hayss. Nakakapagod talaga! Kumain nalang agad ako at saka natulog na ren.

*the next day (thursday)

Andito na ako sa School grounds ng matanaw ko sina Kollen sa Principal's Office. Hmm. Magta-transfer out na nga sila. Mabuti naman. Napuno na nga ng tanga ang school na to, dadagdagan pa ba ng mga manloloko! tsk tsk. Anyway, wala silang mga kwenta kaya hindi ko na dapat sila isipin pa.

Pagdating ko sa tapat ng room, nandon sina Khian at Alles, Lexis, at Allen.

As far as I remember, di ko naman sila classmate sa ICT? Anong ginagawa nila dito?

"Why are you here?" I ask

"Tss" - Lexis

"Woah! Ganyan ka ba talaga bumati?" - Khian

Tinignan ko naman si Khian ng masama

"I mean, wala man lang Good Morning or hi?" - Khian

Binatukan naman sya ni Alles

"What can you expect from her?" - Lexis

Hmm. Parang may galit sakin tong si Lexis. Para syang si Aiana. Well speaking of, naalala ko tuloy bigla yung mga transferees na yon! Hmm. Hindi kaya lokohin lang din ako ng barkada na to? Baka may iba rin silang balak sakin? Pero unlike sa mga transferees na yon, I feel welcomed sa group nato. Well, am I really welcome?

"Hi Aida!" - Allen

"Why are you here? I mean, diba may first class pa kayo ngayon!"

"Ayaw mo? Tsk. Tara na nga, Len! Mukang ayaw naman ng babaeng to na may kumakamusta sa kanya. Baka ma-late pa tayo!" - Lexis

"LEX!!" -Alles

"Tss. Ewan!" - Lexis

"Bat ba ang sungit mo kay Aida, Lex! Meron ka ba?" - Khian

Napangiti naman ako sa sinabi ni Khian. Hahaha.

"Aw, Ngumiti si Aida! Nakita nyo ba yon? Ngumiti sya. Whaa!" - Alles

Ang OA naman. Tsk tsk. Konting ngiti ko lang, big deal sa ibang tao. Ganun ba ako kasungit?

"Sige Aida! Mauna na kami! Dumaan lang talaga kami para kumustahin ka. Sige, kita na lang tayo mamaya " - nakangiting sabi ni Allen

And with that, umalis na sila. Pumasok na rin ako sa room bago pa dumating yung walang kwenta naming teacher

PERFECT Yet INCOMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon