FAMILIAR Feeling

30 7 25
                                    

A/N: Here is Allen's Picture. On the media box ^^

***
Pagkatapos kong pumunta ng CR, nagpatuloy na ako sa pagpunta sa isang fast food chain restaurant. Nag-order lang ako ng fries, cheese burger, sundae at isang pineapple juice. Tinake out ko na lang yun since kailangan ko pang bumalik sa school. Hays. Nakaka-inis nga eh. Kasi kailangan ko pang bumalik sa school. Tsk tsk.

Habang naglalakad ako palabas ng mall ay biglang nag-vibrate ang phone ko na nasa loob naman ng bag ko. Hindi ako tumigil at patuloy lang na naglakad habang nakatingin sa bag at hinahanap kung nasan ang phone ko. Argh! Asan na ba yun?!

*booooooogshhh*

Bigla naman akong nabunggo sa isa pang tao. Muntik pa akong ma-out of balance. Mabuti na lang at hindi ako natumba.

Pero may kakaiba akong naramdaman bigla ngayon.

Napafreeze ako sa kinatatayuan ko at unti unting inangat ang ulo para makita ang naka-bangga ko.

Bakit ganun?

Bakit feeling ko, familiar tong babae na to sa harap ko. Feeling ko, nameet ko na sya somewhere. Feeling ko, tumalon at lumundag ang puso ko sa saya nung makita sya. Para bang, nakita ko na ang nawawala kong nanay matapos mawala sa amusement park. At bakit ako masaya? Nabangga na nga ako, masaya pa ako. Nababaliw na ba ako? Aish!

Nakatingin lang ako sa babae at ganun din sya sakin. Sinusukat ko lang sya kung karapat dapat ba na ipahiya ko sya ngayon dahil sa katangahan nya.

"Ahm!"

Sabi ng babae. Hmm. Parang may iba talaga sa kanya. At parang sinusukat nya rin ako. Sino ba sya?

"Excuse me, di ka ba mag-sosorry?"

Inunahan ko na sya bago pa nya ako tuluyang ipahiya. Ha! Akala nya!

"What?" Kalmado at prente nyang sabi. Para bang nabingi sya at di nya narinig ang sinabi ko at pinapaulit nya pa. Tsk. She really likes show ha!

"Tanga!" I rudely said

This time, kumunot na ang noo nya at makikita mo ang pagka-inis nya. Ha! Got ya!
Unti unting nagbago ang ekspresyon sa muka nya. Siguro, nagets nya na yung sinabi ko

"Bakit naman AKO ang magsosorry? Ikaw ang hindi marunong tumingin sa daan!" She said sabay taas ng isang kilay. Huwaaw. This girl is really pain in the ass. She likes trouble, ha! Then I'll give her what she deserve.

"Tanga ka ba talaga?" Maikli kong sabi sabay cross arms naman.

"Kung nakatingin ka, edi sana, di tayo magkakabangga. Like duh! Hindi lang naman ako ang hindi nakatingin!" Dugtong ko pa

"So, inaamin mo na TANGA KA RIN?"

Bigla namang nanlaki ang mga mata ko. Gusto nyo talaga ng away ah! First time tumagal ang pakikipagsagutan ko ng ganto katagal. Hays, nasasayang lang ang oras ko sa babaeng to. But anyways, this girl can't ruin my title. Non-sense naman ang pinagsasabi nya eh!

"Excuse me, Miss. Wa---"

Bigla nyang pinutol ang sinabi ko at nagsalita sya agad

"Dadaan ka? Then GO! Malaki ang space. Gusto mo pa, mag-give way ang mga tao?"

Tanong nya sabay lingon sa paligid. Napalingon din naman ako at saka ko lang napansin na ang dami na palang tao na nanunuod.

Unti unti kong pineke ang ekspresyon ko. Nagkunwari akong nagulat. Napalunok din ako matapos tignan ang kumpulan ng mga tao. Naka-smirk lang yung nakasagutan kong babae. Ha! This is really perfect. Napaniwala ko sya. Well! Syempre, I'm perfect.

"So, nahihiya ka na ngayon kasi maraming tao ang nakatingin. Akala ko pa naman, sanay ka na sa attention, dahil muka kang troublemaker. Lalaban ka sakin kanina, tapos ngayon, tumba ka na agad? Weak!"

Hinayaan ko lang na laitin nya ako. Hayaan mo sya! Puro naman non-sense ang pinagsasasabi. Hindii dapat pinag-aaksayahan ng oras

"Ano? Tutunganga ka na lang? C'mon, show me what you've got!"

Panghahamon nya. Aba! She's now daring me. At hindi ako aayaw o uurong.

Mula sa mapagpanggap kung expresyon, ngumiti ako ng maldita.

"So yun ba talaga ang akala mo? Na nahiya ako? Tanga lang ang mahihiya. At hindi ako tanga. Hahayaan ko na sayo ang title na yun. Tutal, mas bagay sayo ang pagiging tanga! Tama ka sa sinabi mo! I'm a trouble maker. And I love attentions! For sure, maya maya lang, pagsisisihan mong kinalaban mo ko"

"Oh really. So dapat na ba akong matakot?"

"No dear, you dont have to be scared. Wag kang matakot sakin. I'm not a monster at all!"

"Oh talaga? Hindi ka pa pala monster nyan ah? I thought you're one of them. Hahaha!"

Okay, tama na ang daldalan. Oras na para ibigay sa kanya ang dapat nyang matanggap. Kinalma ko ang aking sarili, at dahan dahang ngumiti uli. But this time, my smile is innocent and kind.

"You know what, maganda ka sana! Kaso, may kulang sayo! Alam mo kung ano?"

Napakunot nanaman ang noo nya. Hahaha. Paniguradong naguguluhan na sya sa ugali ko.
At bago pa sya makapag-salita ay bigla na lang

*paaaaaak*

Napahawak sya sa kaliwa nyang pisngi na ngayon ay pulang pula na dahil sa pagkakasampal ko sa kanya

"Kulang ka sa make up. So better thanks me, my dear. I had just gave you some INSTANT BLUSH ON. And oh! Para complete package..."

Bago ko pa makompleto ang sinasabi ko ay muli nanamang

*paaaaaak*

"Ayan! Pantay na ang blush ons mo!" I said in a cheerful voice. Samut saring reaksyon ang narinig ko sa mga tao. May ibang naawa sa babaeng to. May ibang nainis sakin. Aba! Sila kaya ang sampalin ko. Mga bwisit. Nako, late na ako sa next subject ko.

"Ang mga tulad mo, hindi na pinag-aaksayahan ng oras. Kaya mauna na ako. Dahil late na ako sa next class ko!"

Iniwan ko na ang hanggang ngayon ay gulat paring babae na yon. Bakit ganon ang reaksyon nya. Ngayon lang ba may nakasampal sa kanya na maganda? Kung sabagay. Lugi pa ba sya? Isang maganda ang nakasampal sa kanya. Aba aba. Napansin ko lang, nakakarami na ang mga tao ngayon ah. Unfair na. Kanina pa ako nananampal. Ako ang minamalas eh. Nako! Sumasakit na ang palad ko kakasampal. Hindi na lang kasi manahimik sa isang tabi yung mga tanga eh. Bakit ba kailangan ko pa maka-encouter ng boba at tanga? Hays, maka-alis na nga ng tuluyan.

Unti unti namang nagbigay ng daan ang tao. Hmm. Tama lang yan. Kung ayaw nilang sila ang masampal ko.

Pathetic!!

PERFECT Yet INCOMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon