My Immoral REVENGE

16 2 11
                                    

Aida's POV:

Maaga akong pumasok dahil nga ayon daw ang usapan ng mga transferees. Hmm. Dumiretsyo ako sa quadrangle at agad silang nakita. Agad din namang kumulo ang dugo ko. Tsk. Naalala ko yung sinabi sakin ni Yaya. Well, di pa naman totally sure kung may balak siya/sila saking masama pero nabi-bwiset talaga ako sa kanila. Ayoko sa lahat, yung niloloko ako.

"Oh! Andito ka na pala, Aida!" - Deelan

"Tara na sa room!" - Kollen

Umakyat na kami sa Tech Building at pumasok sa room.

Nagdilim na ang mga paningin ko kaya nasakal ko si Kollen. Sinakal ko sya hanggang sa mapasandal na ang likod nya sa pader. Hinila at tinulak naman ako palayo ni Deelan.

"What's your problem?" - Aiana

Nag-smirk lang ako sa kanya at hinarap ko si Kollen

"Akala mo ba, di ko malalaman ang totoo. Nice job, Mr Jacob Kollen Vicce! Or should I say the only son of Mr Jairus Vicce."

Bigla naman silang nagulat sa sinabi ko.

"What are you talking about,  Aida?" - Kollen

"Oh please,  just stop the act. Alam mo ba, na ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang niloloko at pinagmumuka akong tanga!"

Susugurin ko na sana si Kollen pero biglang humarang si Jeoffrey at tinulak nya ako. Dahilan para matumba ako sa sahig. Tumayo naman agad ako at pagharap ko, sinampal ako ni Aiana

"Matagal na akong nagtitimpi sayo!" - Aiana

"Matagal na rin akong nagtitimpi sayo!"

Hinila ko ang buhok nya pababa hanggang sa matumba sya at mapahiga na sa sahig. Tumayo ako at sinipa ko sya kaya naman nagpagulong gulong sya sa sahig. Lumapit sa pwesto nya si Dianna at tinulungan ito

Halata naman ang pagka-inis ni Jeoffrey sa ginawa ko kaya akmang susuntukin nya sana ako sa muka. Pero agad akong naka-iwas at hinawakan ko ang kanyang kamao na ipangsusuntok nya sana sakin. Inikot ko ang kamay nya hanggang sa mamilipit na sya sa sakit. Habang hawak ko ang kamay nya ay sinipa ko ang sikmura nya kaya natumba rin sya. Tsk tsk. Weaks

Naramdaman ko ang pagsugod ni Deelan mula sa likod ko kaya naman agad akong umiwas at siniko ko sya sa dibdib. Napayuko sya sa ginawa ko kaya naman inambangan ko ang likod nya.

"Walang hiya ka!" - sabi ni Dianna habang sumusugod sakin. Agad ko syang naitulak. Nang matumba sya ay kinalmot at sinuntok ko rin sya ng isang beses sa muka nya. Isa isa kong tinignan ang mga nakahandusay nilang katawan sa sahig. Ha! Serves them right! Binaling ko naman ang atensyon ko kay Kollen. Sinakal ko uli sya hanggang sa mapasandal muli sa pader

"Masama akong magalit!"

Sabi ko habang hawak parin ang leeg nya

"S-sorry kung p-pinagplanuhan ka n-namin"

"Anong mapapala ko sa sorry mo? Mas gugustuhin kong sirain yang muka mo at bugbugin ka. Kesa patawarin ka sa isang sorry!"

"Look, Aida! Let's just make some deal! I beg you!"

"Tss. A deal? Hmm. Let's see if that'll work! What's the deal?"

Binitiwan ko sya. Hinawakan naman nya ang leeg nya na ngayon ay siguradong masakit dahil sa higpit ng pagsakal ko. Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita

"Mananahimik kami. Walang makakaalam ng nangyari ngayon. Alam naman natin na oras na malaman ng principal ang tungkol dito, paniguradong expel tayong lahat. At paniguradong hindi yon ang gustong mangyari ni Ms. Legna!"

Si Yaya Legna ba ang tinutukoy nya?

"Isa pa, titigilan ka na rin namin. Hindi ka na namin guguluhin! Ititigil na namin ang plano sayo!"

Hmm. Saglit akong nag isip. Kung tutuusin ay maganda na yung deal. Pwede na!

"Anong kapalit?"

"You'll let us free. Hahayaan mo kaming umalis. Magta-transfer out na kami dito!" - Kollen

"In short, tatakasan nyo ang kasalanan nyo? Hmm?"

"Hindi naman sa tatakas kami. Gusto na lang namin ng katahimikan!" - Kollen

"Katahimikan? Gagawa kayo ng gulo, tapos ngayon naman, gusto nyo ng katahimikan? Tsk. Anyways, sige! Payag na ako sa deal mo. At siguraduhin mo lang na gagawin nyo ang deal. Paalala lang, nakapatay na ako ng tao"

Isa isa na silang tumayo at nag-ayos ng sarili. Kalmado na ang mga muka nila bukod kay Aiana at Dianna. Tss. Buti nga sa kanila!

"Aida!"

Muling tawag sakin ni Kollen

"Kung di mo gustong niloloko ka, look around you. Napatumba mo nga kami, pero hindi lang kami ang kaaway mo. Minsan, kung sino pang pinagkakatiwalaan mo, sya pang mas maraming tinatago sayo"

Napangisi naman ako

"Dont worry Kollen. You dont have to warn me. Wala akong pinagkakatiwalaan. Kaya di ko kailangan matakot kung may naglilihim sakin. Because there's no trust to be broken at the very first place"

Sakto namang may pumasok na mga roommates namin. Umupo na ako sa upuan ko at lumabas na yung mga transferees. Hays

Nagpatuloy ang araw ko at di ko na nakita yung nga transferees. Hmm. Takot lang nila sakin!

"Aida!"

Hmm. Nga pala, nasa Canteen na ako ngayon since lunchtime na.

"Aida!"

Teka. Kanina pa yon ah! May tumatawag ba sakin? O guni guni ko lang yon? Hmm.

"Aida!"

Paglingon ko, nakita ko si Allen. Sya ba yung tumatawag?

"Kanina pa kita tinatawag. Di ka lumilingon!"

Bakit? Pake ko ba sayo. Kung may kailangan ka sakin, ikaw ang lumapit.

Yan sana ang gusto kong sabihin sa kanya. Pero iba yung lumabas sa bibig ko

"Sorry kung ganon. Akala ko kasi, guni guni ko lang!"

What the eff. Nag-SORRY ang isang Aida? Cant believe that. Bat ba tuwing si Allen ang kausap ko, bumabait ako? P*cha talaga!

"Bat mo nga ba ako tinatawag?"

Tanong ko sa kanya sabay subo ng pancake.

"Nakita ko yung kanina!"

Seryosong sabi ni Allen. Hindi nya pa man i-point out, alam ko na kung ano ang tinutukoy nya. He's probably talking about what happened earlier sa room, with those transferees.

"Pano mo yun nakita? At bakit di ka nagpakita sakin?"

"Hindi naman ako bulag para di yon makita. At ayoko pang mamatay. Bakit naman ako sayo magpapakita kanina. Baka, madamay pa ako sa away nyo e!"

"Kung ayaw mong mamatay, bakit mo ako ngayon kinakausap at bakit sinasabi mo ang lahat ng to sakin?"

Ang baliw nya nga naman kasi. Ayaw daw mamatay pero di natatakot na umamin sakin ngayon. Ano kaya yon?

"Sinasabi ko sayo to dahil ayokong maglihim sayo. Baka iba ang isipin mo kung isesekreto ko sayo na may nalaman akong kasalanan na ginawa mo. Sabi mo nga kanina, ayaw mo na niloloko ka! Kaya nagsasabi na ako sayo ngayon!"

Well, may point nga naman sya!

"Well, tama ang ginawa mo"

Ngumiti naman ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. Hmm. Nakakainis no! Kasi ang bait ko kapag si Allen ang kaharap ko. Madalas ren ang pag-ngiti ko sa kanya. Siguro, magaan lang talaga ang loob ko sa kanya. I somehow felt relieve everytime I'm with him. And I think, I'm starting to like him.

Biruin mo yon! Ang isang AIDA, nagkakagusto rin pala sa isang tao. Well, all of this are just my assumptions. Im not yet sure. But whatever happens, I would never ever change. Ako parin si

AVAIDA ANGELA
ang walang puso!

PERFECT Yet INCOMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon