Matapos ang eksena sa mall ay prenteng prente akong naglakad habang tinutungo ang parking lot nitong mall para puntahan ang sasakyan ko. Inilagay ko sa loob lahat ng tinake out kong pagkain saka nagdrive papuntang school. Hays, late na talaga ako sa next subject ko. Anong oras na at 10 minutes pa bago ako makadating sa school. Hmmm. Aabsent na lang ako sa next subject ko at papasok na lang sa last class.
***
Pagdating sa school grounds ay dumiretsyo na ako sa garden ng school. Pero nagbago ang isip ko ng makitang maraming tao ang nandun at mostly ay couples pa. Wow! Edi ako na ang bitter. Tsk. Walang forever. Yung memories ko nga, iniwan ako eh! Tsk tsk.
Nung maglalakad na sana ako pabalik sa kotse, ay saka ko lang narealize ang mga pinapanuod nila sa kanya kanyang mga gadgets nila.
Kanina, nung pagdating ko dito sa garden, napansin ko na halos kalahati sa kanila ay busy sa panonood sa cp, laptop at tablet nila. At saktong yung isa sa mga nanunuod, ay nandito sa tabi ko kaya narinig ko ang pinapanuod nya. Alam ko na kung ano ang pinapanuod nila pero tinignan ko parin.
Doon ko nakita ang caption ng video:
TRENDING: Babaeng nanampal sa Mall
At sa baba ng caption ay isang video. Actually, VIDEO KO at nung tangang babae kanina sa mall. Pero I'm used to that, yung maging trending. Bakit, masyado ba akong masama? Ok na ang maging masama kesa yung inaapi. Atleast, hindi ako ang kawawa!!
"Grabe naman sya! Wala na syang awa sa babae. Pinahiya nya na, sinampal nya pa! Grabe, anong klase ang makakagawa ng ganyan kasama. Nako, kung magiging puno sya, kahit ano na. Wag lang puno ng saging! Dahil wala syang puso!"
Sabat ng babae after nya panuorin ang video. Ah ganun. Wala pa lang puso, ah! Hmmm. Ipapakita ko sa kanya ang totoong walang puso! Ayoko na sana munang patulan kaso nanghahamon talaga ang babaeng to
"Ah! So trending na pala ako?"
Hindi ako nakaharap sa babae pero alam kong nanlaki ang mga mata nya. Napa-freeze din sya. Wow? Gulat na gulat sya ah!
"At mukang hindi lang ako trending sa fb at youtube. Pati sa gossips, ako ang usap usapan. Wow! How pathetic!"
I said while clapping my hands slowly. Unti unti na ring napatingin yung iba sa amin. Yung iba ay umalis na at mukang ayaw madamay. Yung iba naman ay naawa sa babae. Wow! Wala pa nga akong ginagawa, naaawa na sila? Kasalanan to ng babaeng to. Mabait naman ako minsan. Pero yung sabihan ako ng walang puso? Then ipapakita ko sa kanya ang walang puso...
"S-sorry p-po" takot na takot sya. Teka, inaano ko ba sya?
"Tigilan mo na yan!"
Biglang sigaw ng lalake na nakaupo sa kabilang bench. Sya rin yung lalake na nameet ko kanina at mukang tanga. Yung lalake na tinawag ako pero bigla ata namesmerize sa beauty ko kaya nalimutan nya na ang sasabihin nya dapat sakin.
"Wala naman akong ginagawa sa kanya. Kaya ikaw ang tumigil! Bakit, gf mo ba to?"
Sabay tingin sa babae mula ulo hanggang paa.
"Tss. Alam kong may iba kang planong gawin sa babaeng yan. Wala naman akong paki sa kung ano man ang gagawin mo sa kanya. Labas na ako dyan. Pero kung ako sayo, hindi ako mananakit ng ka-schoolmate ko habang nasa school grounds. Dahil mapapahamak ka sa Dean."
At ano namang pake nya sakin
"Ano bang pake mo? At ano ring pake ko kung mapahamak ako sa Dean?"
This time, tumayo sya sa kinauupuan nya at pumunta sakin. Nagulat din ako ng bigla syang ngumiti. Para kasing may maling mangyayari kapag ngumiti sya. And he's also weird. Bigla na lang ngumingiti! Tss. Weirdooo!
"Hi! Im Allen Yuli. And I dont know if you still remember but we are classmates in Calculus!"
He said to me sabay walk out. Huh? He's totally weirdooo
Hmm. But anyways, naalala kong may isa pa pala akong problema. Itong babae sa harap ko. Tsk tsk
Hmmm. At dahil ayoko nang manampal ulet, kinuha ko na lang ang tablet na ginamit nya para mapanuod yung video ko. Dumiretso ako sa pond dito sa garden at tinapon ko dun ang tablet nya
Mangiyak ngiyak naman sya ng makita ang ginawa ko. Pasalamat sya at hindi sya naka-laptop. Sayang, makakatikim na sana ang mga isda sa pond ng laptop. But for know, yung tablet na lang muna! Sayang tuloy.
"Gusto mo bang palitan ko na lang yang tablet?"
Nagulat naman yung babae. Well, kung ako ang nasa posiyon nya, magugulat din ako. May babaeng biglang itatapon yung tablet mo tapos mag-aalok ngayon ng bagong tablet. Wow ah!
"P-po? Sure po kayo?"
Bigla naman nagningning yung mga mata nya
"Syempre naman, joke lang. Bat naman kita bibigyan ng bagong tablet? Para ano? Para mapatrending ulet ang susunod na video ko? No way! It means pagsasayang ng oras at panahon! Tsk tsk"
Unti unti nanaman syang naiiyak. Good! Mas bagay sa kanya ang itsura ng nahihirapan
"Yan ang totoong WALANG PUSO!"
Bulong ko sa kanya saka tuluyang umalis
Nag-stay lang muna ako sa sasakyan at kinain ang mga tinake out ko kanina. After nun ay pumasok na ako sa last class ko which is Gen. Biology!
Naghanap na ako ng upuan sa room at nakakita ng vacant seats sa bandang likod. Just perfect for me! Ibinaba ko dun ang bag ko. At umayos ng upo. Pagtingin ko sa harap ay laking gulat ko ng makita ko sya. What is he doing here? At ang mas nakakapagtaka, nakatingin sya sakin ng naka-ngiti. Pero unlike kanina na ang creepy ng ngiti nya, this time, super gaan sa pakiramdam yung feeling. Pero, may isa talaga akong tanong eh...
BINABASA MO ANG
PERFECT Yet INCOMPLETE
Teen FictionThey said that if the two of you are DESTINED to be with each other, nothing could take you apart. Even Death!! =*=*=*=*= Hindi lahat ng pagmamahalan ay naisasakatuparan At hindi lahat ng nagmamahalan ay nagkakatuluyan Pero pano kung ang naudlot na...