PROLOGUE

391K 8.5K 314
                                    

PROLOGUE

"UMALIS ka na!" malakas na sigaw ni Ryxer kay Charlton.

Mahalaga kay Charlton ang lalaki kaya kahit itinataboy siya nito ay hindi siya umalis sa tabi nito. Nasa loob sila ng opisina nito.

"Gagamutin ko ang sugat mo, alam kong masakit 'yan."

"Hindi ka doktor."

"Wala naman akong sinabing doktor ako, Ryxer, pero kaya ko namang bigyan ng paunang lunas ang sugat mo."

Nabangga kasi sa poste ang isang sports car nito. Hindi naman sobrang malala ang pagkakabangga, hindi lang agad kumagat ang preno. Mayroon lang itong gasgas sa noo. She hates blood pero para kay Ryxer ay pipilitin niya na lang na gustuhin ang dugo.

"Ang kulit mo, Charlton. Sinabi ko na ngang umalis ka na at kaya ko ang sarili ko."

Alam niyang naba-bad trip na ito. Pero kinuha pa rin niya ang alcohol at bulak na nasa gilid ng mesa. Dahan-dahan niyang idinampi iyon sa noo nito.

"Ouch," nakangiwing reklamo nito, sabay hawak sa kamay niya.

Dahil doon ay parang may electricity na bumalot sa katawan ni Charlton. Gusto niya sanang alisin ang kamay na nakahawak sa kanya dahil sa kakaibang naramdaman.

"Saglit lang ito, tiis-tiis lang," sabi niya at hinipan-hipan ang gasgas. "Betadine na lang ang ilalagay ko, Ryxer, para hindi ka na masaktan."

Pumunta siya sa isang maliit na cabinet doon at kinuha ang iba pang first aid kit na puwede niyang magamit.

"Patingin uli," sabi niya nang makabalik.

Inangat naman ni Ryxer ang mukha mula sa pagte-text sa cell phone at inumpisahan niyang dampian ng Betadine ang sugat nito.

Napalingon siya sa may pintuan ng opisina ni Ryxer nang biglang bumukas iyon. Muntik na siyang matumba nang hawiin siya ng babaeng dumating at mabilis na yumakap sa binata.

"Darling, what happened to you? Masakit ba?" tanong ng babae habang sinisipat ang noo ni Ryxer.

"I'm fine, don't worry."

Parang nanikip bigla ang dibdib ni Charlton nang makita ang paghahalikan ng dalawa sa harap niya. Pero wala naman siyang karapatang magselos dahil girlfriend ito ni Ryxer. Pero bakit parang nasasaktan siya sa nakikita? Nakakandong pa sa lap ni Ryxer ang babae.

Nakayuko na lumabas siya ng silid at dumeretso sa restroom. Tumapat siya sa salamin at tiningnan ang hitsura niya.

Ang sabi sa kanya ng mommy niya ay mas kamukha niya raw ang kanyang daddy. Pero ang mahinhin na kilos niya ay sa mommy niya naman nakuha. Ayaw yata ni Ryxer ng mahinhin, ang gusto nito ay mga wild na babae katulad ng mga nagiging kasintahan nito.

Inilagay ni Charlton ang hintuturo sa kanyang mga labi. Ano kaya ang feeling kapag hinalikan siya ni Ryxer? Ano kaya ang magiging reaksiyon niya? She had never been kissed, masyadong istrikto ang parents niya pero naiintindihan niya naman ang mga ito. Ni hindi pa nga siya nagkaka-boyfriend. Ang gusto niya kasi ay si Ryxer ang maging first and last boyfriend niya para ito rin ang mapangasawa niya balang-araw. Isiniksik niya na sa utak ang bagay na 'yon.

Ewan niya nga kung bakit gustong-gusto niya ang binata. Sabay-sabay silang lumaki kasama ang iba pa nilang mga kaibigan. Mas matanda sa kanya si Ryxer nang ilang taon. Graduate na ang mga ito pero siya ay ga-graduate pa lang. Malapit na ang graduation nila pati na rin ang debut niya.

Tumunog ang kanyang cell phone kaya sinagot niya ang tawag.

"Hello, Kuya, bakit?"

"Nagpunta ako sa university pero wala ka. Where are you?"

"Pauwi na rin ako, Kuya Cassidy. Nandito ako sa RACE," tukoy ni Charlton sa malawak na lugar kung saan nangangarera ang kapatid pati na rin ang iba pa nilang kaibigan.

"Okay, mag-ingat ka sa pagda-drive."

"I will, bye." And the line was cut off.

Bumalik siya sa office ni Ryxer para magpaalam. Baka kasi hanapin siya nito kung bigla na lang siyang aalis nang walang paalam. Kahit naman masungit sa kanya ang kababata ay alam niyang nagke-care pa rin ito sa kanya.

"Ahhh, Ryxer!" narinig niyang sigaw ng babae—sigaw ba iyon o ungol?

Kahit nasa tapat pa lang siya ng pintuan ay dinig na dinig niya na ang iba't ibang klaseng tinig na nagmumula sa loob. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto para malaman kung ano ang nangyayari sa loob, baka kasi nag-aaway na ang dalawa.

She entered the room and was welcomed by a very heart-melting scene—'yong nakakatunaw ng puso sa sakit at hindi sa saya. She felt like her heart was torn into pieces while watching Ryxer pleasuring the woman.

Ang kaninang may damit na babae, ngayon ay hubad na. Nakababa na sa baywang nito ang tube dress na suot kanina.

Kung hindi lang ito nakapatong sa ibabaw ni Ryxer ay baka nakita niya na rin ang itinatatago-tago ng childhood sweetheart niya. Nakaupo ang binata habang gumigiling sa kandungan nito ang kasintahan.

Mabilis na isinara ni Charlton ang pinto at sumandal doon. Sapo-sapo ng isa niyang kamay ang kanyang dibdib. Umiling-iling din siya para mawala sa imahe niya ang eksenang iyon.

Sana pala ay hindi na lang siya nagpaalam kay Ryxer. Sana pala ay umalis na lang siya bigla. Nadungisan pa tuloy ang inosente niyang mga mata at hindi na virgin ang mga iyon.

Taas-noo na nilisan ni Charlton ang RACE Inc. Nginingitian niya ang mga empleyado na bumabati sa kanya habang palabas siya ng kompanya. Iba't ibang klaseng sasakyan din ang nakahilera at ang iba ay ginagawa naman.

Isa ang RACE Inc sa pinakasikat na kompanya pagdating sa pagbebenta ng mga sasakyan, especially sports car. Pag-aari din ng mga ito ang malawak na racing field kung saan ginaganap every year ang karera ng mga sasakyan.

RACE stands for Ryxer Wilson for the letter R. The other remaining letters stand for the other owners of the said company. Apat na tao ang nagmamay-ari ng kompanya na iyon. They were the ones behind RACE Inc, but people didn't know about that. Tanging silang magkakaibigan lang ang nakakaalam at ang mga magulang nila.

The four people didn't want to be known as the owners of the said company, but because they were the best car racers in the country. Yes, they were the best, kaya kapag sinabing the best, expect that they really deserved to be called "the best".

Naglakad si Charlton sa kung saan naka-park ang kanyang red Mazda MX-5 ND sports car. Regalo sa kanya ng Kuya Cassidy niya. Magaling na siyang mag-drive but she still knows her limits.

Habang nagmamaneho ay bumabalik-balik sa alaala niya ang nakita kanina. First time niyang makasaksi ng ganoon. Ayaw niya sa nararamdaman. Ayaw tanggapin ng puso niya na iba-ibang babae ang nakakasama ni Ryxer, 'tapos gumagawa ang mga ito ng kababalaghan.

Pilit niya na lang ipinapasok sa isip na may pangangailangan ang mga lalaki. Pero paano naman silang mga babae? Ano ba ang pangangailangan nila?

Pagmamahal at pagpapakita na espesyal ka sa isang tao. Her family loves her so much kaya nga nagtataka siya minsan sa sarili kung bakit parang may hinahanap pa siya?

Hinahanap niya ang importansiya na ibinibigay sa kanya ng pamilya at mga kabigan niya na hindi naman maibigay sa kanya ng kababata. Kahit noong mga bata pa sila ay ayaw na talaga sa kanya ni Ryxer. Mabait naman siya, maalaga at di-hamak naman na mas maganda siya sa mga nagiging girlfriend nito pero bakit ganon? Bakit ayaw sa kanya ni Ryxer?

RACE 1: Left Behind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon