20 ~ The Only Reason

218K 4.9K 534
                                    

CHAPTER TWENTY

DAHAN-DAHAN nyang binuhat si Charlton papunta sa kwarto ng nabili nyang vacation house at maingat na inihiga sa kama. Mabuti na lang nakatulog ito sa byahe kaya hindi na nito alam kung saan nya ito dinala.

Pansamantala nya muna itong tinitigan bago inumpisahang hubarin ang sapatos na suot nito baka kasi sumasakit na ang paa nito. Kinumutan nya din ang dalaga bago nagpasyang tignan ang magandang tanawin sa paligid.

Nasa mataas na bahagi sila ng lugar at kaya sila nakapunta do'n dahil sumakay pa sila ng helicopter. Wala din source of communication do'n, gusto nyang masolo si Charlton. Pinaghirapan nya ang pagkuha dito kaya dapat ingatan nya ito.

Flashback

"So, who's your bet?" Tanong ni Ether kay Cassidy. Nasa RACE sila sa mga oras na 'yon at pinag-uusapan ang nalalapit na race nila ngayong taon.

"Bakit ako ang tinatanong mo nyan? I'd rather choose to be alone than to be with that woman." Tukoy nito kay Stella na pinsang buo nya naman.

"Bakit ba ang init lagi ng ulo mo sa pinsan ko? Don't tell me my gusto ka sa kanya?" Ngumisi sya. "Scratch it! Ayaw mo nga pala sa kanya ever since."

"I am not the main topic here so stop those nonsense." Uminom ito ng beer at bumaling kay Aeon na tahimik lang. "I heard about your candidacy next year, what about that?"

"Tuloy ang laban at kailangan ko kayo do'n pero bago nyo ako pag-usapan bakit hindi na lang si Ryxer ang tanungin natin ng tanungin." Dumako ang mata nito sa kanya na ikinailing nya na lang. "What's your plan, Man?"

"First five lang ang kukunin sa pangalawang race pagkatapos no'n next month naman ang susunod na karera para hindi masyado magsawa ang mga tao."

"I'm fine with that. So, ano naman ang mapapala natin dyan?" Ether asked him.

Its time for him to smile evilly. "Let's have a bet, no money involve."

"Are you talking about women?"

"Sports car?"

"Private plane?"

"Yacth?"

"Short vacation out of the country?"

Sunud-sunod na tanong ng mga ito. Basta talaga pustahan magagaling ang kaibigan nya.

"Choose your bet."

Nag-isip muna ang mga ito at sabay-sabay na nagbuga ng hangin ng mapagtantong lahat naman mayro'n sila at kayang-kaya nilang bilhin.

"Wala akong maisip." Reklamo ni Cassidy na akala mo sagot sa mahirap na mathematics ang iniisip.

"Ako din."

"Wala din ako."

Samantalang sya ay mayro'n na at matagal na 'yung naglalaro sa isip nya.

"Ano 'yang iniisip mo, Man?" Untag sa kanya ni Ether habang mayabang na humihitihit ng sigarilyo.

"I need to talk to Charlton," Nanahimik ang mga ito. "I badly need to talk to her and explain."

"Wala syang naaalala sa nangyari sa kanya eight years ago."

"I know, I know, pero hindi ko na kayang magsinungaling pa sa kanya."

"Hindi ka nya maiintindihan, malaki ang pinagbago ng kapatid ko. Kung dati hindi sya nabubuhay ng hindi kami kasama, iba na ngayon. Kaya nya ng mabuhay mag-isa."

RACE 1: Left Behind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon