CHAPTER TWENTY FOUR
One month later...
"TRY this one Charlton, masarap 'to." Inilapit sa kanya ng kuya Cassidy nya ang isang potato fries na punung-puno ng cheese, halos bumaliktad ang sikmura nya ng makita iyon lalo na ng maamoy iyon. Pinigil nya lang ang sarili na huwag magsuka pero hindi nya napigilan ang pagduwal nya. "Hey, hey!" Mabilis na inilayo nito sa kanya ang potato fries ng makita ang itsura nya. "Bakit ka namumutla?"
"Ilayo mo sakin 'yan kuya panis na 'yan ang baho!" Nangingilabot talaga sya sa potato fries na iyon.
"Bagong luto lang ito at hindi mabaho favorite kaya 'to ng—ni Madeleine."
Kumunot ang noo nya. "Sino naman si Madeleine? New girlfriend mo?"
"Nope,"
"Paano na kayo ni ate Stella kung may Madeleine ka na?"
"I don't want to talk about it, walang 'kami' ni Stella."
"Pero nakita daw kayo ni Saleen nung isang araw may kasama kayong—."
"Stop." Ngumuso sya. Bigla yatang sumungit ang kuya nya. "Change topic."
"May kasama daw kayong cute na bata, kuya, sino 'yon?" Pang-uusisa nya.
"Anak ng kaibigan nya ang batang 'yon pinaalaga lang sa kanya at dinamay pa ako." Inubos nito ang buko juice nila saka tumayo at hinalikan sya sa pisngi. "Enough na sa pagkain Charlton, tumataba ka na." Anito bago sya tuluyang iwanan mag-isa.
Tumingin sya sa malaking gate nila. May mga security guards doon, nadagdagan pa lalo at alam nyang mamaya-maya lang ay may tatawag na naman sa pangalan nya na parang nababaliw na. Si Ryxer, tatlong linggo ng hindi makalapit sa kanya. Mahigpit masyado ang mga taga bantay nya na ipinadala ng kapustahan nya. Isa pa, may bigla kasi syang natanggap na mga death threats kaya siguro kasama na iyon sa higpit ng seguridad sa bahay nila.
Uminom sya ng buko juice habang nilalantakan ang sampaloc na ipinabili nya pa sa kung saan. Gusto nya kasi 'yung asim at tamis na pinaghalo at kahit gabi ay nasa side table ng bed nya ang mga sampaloc na iyon para madali para sa kanya na makakain kapag gusto nya.
"Charlton!" Kumabog agad ang dibdib nya ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. "Kausapin mo naman ako oh."
Kahit tinatamad tumayo mula sa swing na tinatambayan nya ay napilitan sya upang tignan si Ryxer sa labas. Namimiss nya na ito pero talagang naaasar sya kapag nakikita ang pagmumukha ng binata kaya minsan hindi nya talaga ito nilalabas.
"Bakit ba ang ingay-ingay mo?" Nakasilip lang sya sa gate at ang limang security guard ay nakamasid sa kanya. "Ang init-init dyan sa pwesto mo, umuwi ka na kaya."
"Uuwi lang ako kapag kinausap mo na ako."
"Wala naman tayong dapat pag-usapan." Kumuha sya ng sampaloc sa bulsa ng suot nyang dress, binalatan nya iyon bago kinain. "Umuwi ka na, Ryxer." Aniya habang nginangata ang sampaloc. "Mangingitim ka lang kakabilad mo sa initan."
"What's that?" Tukoy nito sa kinakain nya, hindi maipinta ang mukha nito.
"This?" Ipinakita nya dito ang hawak nya. "Hmn, sampaloc ang tawag dito, Ryxer."
"Gusto mo ng marami nyan?" Nagningning ang mga mata nya sa tanong nito, sino ba ang may ayaw ng sampaloc? "Bibilhan kita ng madami nyan, sweetie."
"Talaga?"
"Yes basta kausapin mo lang ako."
Pinagdikit nya ang mga labi nya. "Ano naman ang pag-uusapan natin?"
BINABASA MO ANG
RACE 1: Left Behind
Storie d'amoreAll that Charlton Forbes daydreamed about was to be noticed by her childhood sweetheart--Ryxer Wilson--as a grown woman. She's already got everything that people could have; a loving and supporting family, a group of friends who truly cared for her...