4 ~ Right Guy

245K 5.8K 373
                                    

CHAPTER FOUR

"FLOWERS and chocolates? Para kanino 'to, Ryxer?" Maang na tanong nya ng ibigay sa kanya ng binata ang mga hawak nya ngayon. Nagpaka busy muna kasi sya sa jewelry shop nya para naman hindi nakakahiya sa parents nya kapag masyado nyang ipinakita na she hates running business.

"For you, sweetie." Umupo ito sa single sofa sa loob ng office nya.

"For me? What's the meaning of this?" Tukoy nya sa isang bouquet na white roses at isang box ng mamahalin na chocolates. She loves sweets.

"I am going to court you, Charlton."

Itinuro nya ang kanyang sarili at tinignan ito na para bang hindi sya makapaniwala. Madami itong girlfriend at ang pagkakaalam nya ang may girlfriend ito ngayon. Sa ibang banda ay masaya syang malaman na naliligawan sya nito because she likes him ever since, simula yata ng magkaisip sya ay si Ryxer na ang gusto nyang makasama pagdating ng araw pero masyado pa yatang maaga para sa kanilang dalawa. Eighteen na sya at sa tingin nya hindi pa papayag ang parents nya na maligawan sya.

"Ako? Liligawan mo?"

"Yes and yes."

"Pero... Ang sabi ng daddy ko sa bahay dapat ang mga manliligaw sakin at dapat kilala nila."

"Let's make it a secret then." She felt dissapointed all of a sudden. Kaya nya ba maglihim sa magulang nya?

"I will think about it first." Sya pa itong mag-iisip samantalang gustong gusto nya naman si Ryxer.

"Charlton, hindi ka na bata para dumipende sa mga taong nakapaligid sayo. Grow up." Napag-iiwanan ka na, parang iyon ang gusto nitong sabihin. "You need to make your own desicion as a woman don't depend yourself to anyone. Don't let them dictate you to what to do dahil hindi lahat ng oras ay nandyan sila sa tabi mo."

Kung may anong nabasag sa ulo nya ng marinig ang mga sinabi nito. Masyado na ba syang naka depende sa magulang at kapatid nya? Masyado na ba syang nakadepende sa mga taong nakapaligid sa kanya?

"Ryxer galit ka ba?" Pinaglaruan ng daliri nya ang petals ng mga bulaklak. Pinapagalitan na naman ba sya nito?

"See, palagi ka na lang ganyan kapag napagsasabihan ka. You acting like a child, be a woman Charlton."

"Nagagalit ka nga." She insist.

Tumayo ito at kitang-kita sa mukha nito ang pagkainis. "I will teach you everything let me court you and be my girl." Kahit hindi pa sya sigurado sa desisyon nya ay tumango na lang sya. "Ako ang susundo sayo mamaya just send me a message kapag uuwi ka na." Hinalikan lang sya nito sa pisngi at lumabas na ng office nya.

Umupo sya sa sofa at inilapag sa lamesa ang mga ibinigay ni Ryxer. Handa na ba sya magka boyfriend? Dapat handa na sya kasi eighteen na sya, ganoon ba 'yon? Kapag nag eighteen na saka lang pwede magka boyfriend? Sabagay, sila ni Liberty ay hindi pa nagkaka boyfriend. Yung ibang friends nila? Hindi nya alam, para kasing mga wala ding boyfriend pero madami ang nanliligaw lalo na kay Saleen.

"Knock knock!" Nag-angat sya ng tingin mula sa pintuan ng silid na iyon at napangiti sa bisita nya. "May I come in?"

"Yes sure." Humalik sa pisngi nya si Liberty at umupo sa tabi nya.

"May suitor ka? Saan galing ang flowers and chocolates?"

Hindi nya pwedeng sabihin na nililigawan sya ni Ryxer. "Hindi ko alam Liberty, sayang kasi kaya kinuha ko na lang." Kinagat nya ang dila nya dahil sa pagsisinungaling nya.

"Ang sweet naman kainin na natin 'yan." Ito pa mismo ang nagbukas ng chocolate.

"Napadaan ka yata?" Pagbubukas nya ng bagong topic habang pareho nilang nilalantakan ang binigay ng kuya nito.

RACE 1: Left Behind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon