Chapter 3
Mafias
"Buti pumayag kang makipag-usap kay Zeff? Hindi mo na iniiwasan?" tanong ni Marsha.
"Oh, please. Stop your mouth. Tinatamad akong makipag-usap," sabi ko habang nilalagyan ng powder ang mukha ko.
"You know what, Tifa? You are so beautiful. You are not the type of girl who wears make-up just to become beautiful. Ang ganda mo kahit walang make-up."
I rolled my eyes. "Hindi naman ako nagme-make up, diba? This is only a powder." Pinakita ko sa kanya ang hawak kong powder.
"I know. Sinasabi ko lang." Tumawa siya.
"Ang daldal mo talaga." Umiling ako.
"Buti nga pumayag kang makipag-usap kay Zeff? Anong pumasok sa isip mo? Makikipag balikan ka na sakanya?"
"Hindi ka talaga titigil, 'no?" Tinaasan ko siya ng kilay. Tumawa lang siya. "Pumayag ako para hindi na siya mangulit sa akin. Pero hindi ako makikipag-usap sa kanya. Hindi ko sasabihin ang dahilan kung bakit nakipag break ako. Masasaktan ko lang siya."
Hinawi niya ang kanyang mahaba at itim na buhok. "Sa tingin mo ba hindi mo siya nasasaktan sa ginagawa mo? Pinapaasa mo 'yong tao. Tsaka nasaktan mo na siya nang makipagbreak ka nang walang dahilan."
"Kasalanan ko bang hindi ko siya mahal at kasalanan ko rin bang minahal niya ako?"
"But you dated him because you just wanted to tease his fangirls..."
"Then I am sorry for that." Masama ko siyang tinignan. "Tigilan mo na nga ako sa issue namin ni Zeff. Tulungan mo na lang akong maghanap ng trabaho bukas," sabi ko. "Ikaw muna ang magbayad sa taxi ngayon."
Inayos ko ang black long sleeve dress ko nang lumabas sa taxi. Sumunod sa akin si Marsha na naka-crop top at high waist shorts.
"Bakit kasi dito pa kayo mag-uusap?"
Sabay kaming naglakad papasok ng Horizons. May dalawang bouncers na nakatayo sa magkabilang gilid ng pintuan. Pinakita namin ang aming identification card na nagpapatunay na nasa tamang edad na kami.
Tumango ang dalawang bouncers at pinapasok na kami.
"Wala ka na ngang pera, dito mo pa naisipang makipag-usap kay Zeff!" sigaw ni Marsha dahil sobrang lakas ng tugtog sa loob ng Horizons.
"Shut up! Hindi tayo mayaman pero si Zeff, mayaman! Hayaan mo siyang magbayad ng mga iinumin natin ngayong gabi!" sigaw ko pabalik dahil hindi na kami magkarinigan sa lakas ng tugtog at ingay ng mga taong nagsasayawan sa dance floor.
Naglakad ako papunta sa counter bar para kumuha ng alak nang may humarang sa aking harapan. Nagulat ako kaya napaatras ako.
Kumalabog ang dibdib ko nang makita ko si Cid sa harapan ko. He was smiling at me.
"You're here!" aniya.
Naamoy ko ang alak sa kanyang hininga. He's already drunk.
"And you're here," I said.
Kung nandito siya sa Horizons, ibig sabihin ay mayaman din siya kagaya ni Zeff.
Nilagpasan ko siya at dumiretso sa counter bar. Sinundan niya ako. Umupo ako sa high stool chair at umorder ng liquor.
Damn. I forgot. Wala pala akong pera. Where's Zeff, by the way?
Sumandal si Cid sa counter bar. Tinignan niya ako na para bang hindi siya makapaniwalang nandito ako. I tsked.
BINABASA MO ANG
Touch Me Anywhere
RomancePiyu #2 Nang lumayas si Tifanny Luciano sa kanilang bahay ay natuto na siyang mamuhay sa sarili niyang mga paa. Naging malaya siya, malakas, mautak, at hinding hindi nagpapauto kahit kanino. Nakaya niya ang lahat ng mga problemang pinansyal sa tul...
