Chapter 33
Happy Family
Napag-alaman kong mas bata ng isang taon si Dart kesa kay Jin. He's only twenty eight years old. Only child and the only successor of the Eastwood Mafia.
He's always saying I'm his girl lalo na kapag kausap ko sina Marsha, Cid, at Zeff sa Skype. Hindi ko alam kung anong trip niya. Feeling ko may gusto siya sa akin dahil sa mga kinikilos niya pero hindi naman siya nagko-confess sa akin. Feeling ko rin ay nang-aasar at natutuwa lang siya kapag nakikitang nag-aalburoto sa galit at selos si Zeff. Ayokong magtanong baka sabihin niya ang assuming ko.
He is territorial and possessive too just like Jin! Ang hilig nilang angkinin ako kahit hindi naman nila ako pag-aari. Ganoon ba kapag isa kang yakuza o mafia? Lahat inaangkin mo kahit hindi mo naman pag-aari? Tapos kapag hindi ka pumayag sa gusto nila, dadaanin ka nila sa dahas at masasakit na salita.
Hindi naman sa lahat ng bagay ay pwede nilang makuha ang gusto nila. Para lang silang spoiled kids na sinapian ng masamang demonyo. Tss... Mga ugali.
Jin and Dart are somewhat similar to each other. But unlike the harsh, violent, and rude Jin Ichijo, Dart Eastwood is sweet, caring, and very thoughtful.
Nakapangalumbaba ako sa mesa habang pinapanood si Dart na nagluluto ng Bicol Express. Nitong mga nakaraang araw ay nahihilig ako sa mga spicy foods. Nagsisimula na akong maglihi dahil dalawang buwan na ang dinadala ko. Medyo lumalaki na ang tiyan ko pero hindi pa masyadong pansinin. Parang busog lang ako at maraming naiwang fats sa tiyan.
Sumulyap sa akin si Dart habang nagluluto siya.
"Are you hungry?" tanong niya.
Umiling ako. "Hindi pa naman. Pero ang bango ng niluluto mo... Nagsisimula nang kumalam ang tiyan ko." Tumawa ako.
"Baka gutom na si baby..." Sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya.
Napaayos ako ng upo nang masilayan ko ang ngiti niya. Kumindat muna siya bago bumalik sa kanyang niluluto. Napalunok ako at pasimpleng bumuntong hininga.
Bakit pakiramdam ko umaaktong tatay si Dart sa anak namin ni Jin? Bakit nahihirapan akong huminga? Bakit bigla na lang sumikip ang dibdib ko?
"By the way, just tell me what you want to eat. Nagsisimula ka nang maglihi, diba? I'll buy you anything you want. Just tell me..." pahabol pa niya, nanatiling nakaharap sa kanyang niluluto.
Mariin kong kinagat ang labi ko. Mas lalo lang sumikip ang dibdib ko at nahirapang huminga.
"Hmm... Dart?"
"Yeah?" Saglit niya akong sinulyapan pero binalik niya lang ulit ang atensyon niya sa niluluto.
"Kung hindi ka naging mafia boss, ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon? Gusto mo bang maging chef? Masarap kang magluto, eh..." Ngumisi ako pero sa totoo lang ay masakit ang dibdib ko.
Hindi muna niya ko sinagot. Hinintay niyang maluto ang Bicol Express bago pinatay ang gas stove at humarap sa akin. Pinatong niya ang magkabilang kamay sa mesa at nakangisi akong tinignan. His brows wiggled too.
"If I'm not a mafia boss, I'm seeing myself to be the father of your child and your husband, Tifanny."
Umawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tumitig sa kanya. Damn it?!
"Gago ka, Dart! Ewan ko sa'yo! Kumain na nga tayo! Nagugutom na ako!" singhal ko at umirap sa kanya.
He gave out a cheeky laugh. Ang mga pisngi ko ay sobra kung uminit dahil sa sinabi at tawa niya. Nakakainis. Hindi ko siya mabara kasi malaki ang utang na loob ko sa kanya. Gusto kong maging mabait at maunawain na babae pagdating kay Dart. Feeling ko wala akong karapatan para saktan ang isang katulad niyang wala namang ginawang iba kung di ang tulungan at alagaan ako.

BINABASA MO ANG
Touch Me Anywhere
RomantikaPiyu #2 Nang lumayas si Tifanny Luciano sa kanilang bahay ay natuto na siyang mamuhay sa sarili niyang mga paa. Naging malaya siya, malakas, mautak, at hinding hindi nagpapauto kahit kanino. Nakaya niya ang lahat ng mga problemang pinansyal sa tul...