Chapter 25

9.3K 195 13
                                        

Chapter 25

Akiko

This is ridiculous. Really ridiculous. Marami nang lalaking nagkakagusto sa akin simula pa lang ng bata ako. I've seen how their eyes twinkled whenever they looked at me. I get it. I'm beautiful. Hindi kami mayaman at hindi rin naman ganoon kahirap pero alagang alaga ako ng mama ko. Palagi niyang sinusuklayan ang aking buhok kapag wala siyang ginagawa, nilalagyan ng lotion ang buong katawan ko bago matulog, pinapakain ako ng mga gulay, at pati gatas ay ginawa ko ng tubig noon.

Noon. Oo, noon. Ngayon kasi hindi na. Simula nang lumaki ako ay parang napabayaan ako dahil na rin siguro sa ugali ko. Palagi akong sumasagot, sumisimangot, at nagdadabog sa mga magulang ko. Napabarkada ako at nagkaroon ng mga flings at boyfriend noong highschool ako. Lahat ng mga nagkagusto sa akin na pogi ay pinatulan ko. I enjoyed my life back then without worrying about myself and other people.

But now? I don't know if I can enjoy it like I did when I was in high school. I'm becoming more independent and more focus in my life. Iba pala talaga kapag wala ang pamilya mo sa tabi mo, wala sila para suportahan ka. But... This is my decision and I will stand to it no matter what.

Hindi naman nag confess sa akin si Dart pero para saan ang kiss na iyon? Why did he kiss me? Why did he took care of me? Why did he save me? I wanted to ask these questions to him but I couldn't find the right timing to do so.

"Why don't you go in?" Dart asked me, laughing.

Tinignan ko siya at ngumiwi. "Ano bang pakialam mo kung hindi pa ko lumabas dito sa sasakyan mo?"

"Wala. Kanina ka pa kasi dyan sa front seat, nakatingin sa kawalan at parang may malalim na iniisip." Ngumisi siya at hinawakan ang manibela bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Dapat pumasok ka na sa dorm mo. Baka hinihintay ka na ni Jin Ichijo."

"I really find amusing when you're speaking in Tagalog." Natawa ako. "Tsaka wala akong pakialam kung nasa loob si Jin."

"What's so amusing with me, speaking in Tagalog?"

"You're a foreigner, right?"

"Yeah. Pero madalas ako rito sa Pinas." A boyish grin crept on his face. "You're interested on me?"

Bumalik ang ngiwi sa aking mukha. "Hindi, 'no. Baka ikaw ang interested sa akin?"

Malakas siyang tumawa na halos mabingi na ako at gusto nang lumabas sa kanyang mamahaling sasakyan. I found his laugh creepy but amusing at the same time.

"How did you find out that I'm interested on you?" he asked, still laughing out loud. "You're a clever little girl, Tifanny."

What? So interested nga siya sa akin? That's why he kissed me? Pero hindi enough na reason iyon para sa ginawang pagligtas at pag-alaga niya sa akin. I need more reasons other than that. So what if he's interested on me?

"I didn't find out. I was just asking."

He stopped laughing but a boyish grin was flashed on his face. "Well, little girl. To answer your question, I'm not just interested on you."

"May iba pang reason?" tanong ko kahit may nabubuong idea na sa aking utak.

"I know you're not dumb so stop asking an obvious question."

"I don't want to assume too much that's why I'm asking."

Natawa ulit siya at umiling. "God, Tifanny. You're driving me nuts."

"You're confusing me. Alam kong maganda akong babae at marami nang nahuhumaling at nababaliw sa akin kaya di na ko magtataka kung magkagusto ka sa akin. Heck, mga alagad nga ni Jin ay nagkakagusto sa akin." Tumaas ang kilay niya pagkatapos ay ngumiti. Umirap ako. "May gusto ka ba sa akin?"

Touch Me AnywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon