Chapter 32

8.8K 205 20
                                        

Note: Sorry pero mukhang madidisappoint ko kayo sa chapter na ito. Dart is my bias, you know. Hahaha. Thank you pala sa mga comments. Dapat ko nang bilisan ang timeline dahil marami pang mangyayari. Pakihintay na lang po si Jin. Thank you!

----------

Chapter 32

My Girl

Nagkaroon ako ng pag-asa sa puso ko nang lumingon ako sa likod. Umawang ang bibig ko at tumulo ulit ang luha sa mga mata ko. Tinignan niya ako at sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya.

"I'm sorry I took so long," he told me.

Umiling ako at mas lalong umiyak. Diniin niya ang baril sa ulo ng lalaking may hawak sa akin.

"Get your hands off her. She isn't Jin Ichijo's girl anymore. She's my girl now. Lay a finger again on her and I will bury you alive." His voice lashed with a warning tone.

His eyes were different. Para bang ano mang oras ay balak niya talagang pasabugin ang ulo ng lalaking may hawak sa akin. Hindi ko nakikita ang mukha ng lalaking may hawak sa akin dahil may takip pero nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya. Natatakot siya.

Gumalaw siya at biglang pinutok ni Dart ang baril sa ulo niya. Napasigaw ako at napapikit dahil tumalsik ang dugo niya sa mukha ko. Pumulupot ang braso ni Dart sa katawan ko at niyakap ako. Lumayo kami sa lalaking pinasabog niya ang ulo. Nanginginig ang buong katawan ko at panay ang aking hikbi sa dibdib niya. Shit. Hinding hindi ko makakalimutan ang eksenang iyon! Tumalsik ang dugo ng lalaking iyon sa mukha ko nang biglang iputok ni Dart ang baril na nakatutok sa ulo niya! He is so true to his words na sobrang natatakot na ako sa kanya. He already said to that man na pag gumalaw siya ay pasasabugin niya ang kanyang ulo. Oh shit.

Dumilat ako nang maalala ko si Zeff. Lumayo ako kay Dart at natigilan nang makita ang ilang mga lalaking nakaitim at may dalang mga malalaking baril. Pinapalibutan nila ang mga lalaking nagtangkang kumidnap sa akin.

"Don't be afraid. They are my men, Tifanny..." ani Dart at marahang hinawakan ang braso ko. "Kill them," utos niya sa kanyang mga alagad.

Suminghap ako pero hindi ko na pinakialaman ang utos niya. Mabilis akong lumapit kay Zeff pero agad akong binuhat ni Dart at pumasok sa kanyang sasakyan.

"Dart! Nabaril si Zeff!" sigaw ko at pinilit na lumabas ng sasakyan pero nakalock na. Masama ko siyang tinignan. "Dart! Ano ba?! Kailangan kong tulungan si Zeff! Nabaril siya dahil sa akin!"

Binasa niya ang kanyang labi. "Listen, Tifanny. The police will arrive soon. Kailangan na nating umalis. Wala akong panahong makipagbarilan sa mga pulis."

"Pero-"

"Just listen to me, okay?" Tumingin siya sa likod ko. "Look. There is already an ambulance. They will take care of your friend."

Napatingin ako sa labas at nakita kong nilalagay na si Zeff sa stretcher. Umiiyak si Marsha habang kinakausap ang nanghihinang si Zeff. Hinanap ako ni Cid at tumigil ang kanyang mga mata sa sasakyan ni Dart. The windows are tinted I don't think he will ever see me.

"Let's go..." Mabilis na pinaandar ni Dart ang sasakyan niya.

Nakarinig pa ako ng ilang putok ng baril bago may sumunod na itim na van sa likod namin. Nahugot ko ang aking hininga.

"They are my men."

Umayos ako ng upo at natulala na lang sa harapan habang mabilis na nagmamaneho si Dart. Nanginginig ang mga kamay kong puno ng dugo ni Zeff. Please, be safe. Please, be strong. Please, don't die... Zeff.

Touch Me AnywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon