Chapter 16

9.9K 204 8
                                    

Chapter 16

Saint

Kasabay ng pagkabog ng aking dibdib ang pagbukas ng pinto. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa doorknob. Pagkabukas ko ng pinto, agad umikot ang mga mata ko sa buong kwarto.

Wala si Jin Ichijo.

Pasimple akong bumuga ng hininga at dumiretso sa maliit kong kusina para uminom ng tubig. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagsunod sa akin ni Zeff. Nasa likod ko siya at naririnig ko ang mabibigat niyang paghinga habang umiinom ako ng tubig.

Hindi ko sinasadya ang paglapag ko ng baso sa marahas na paraan. Hindi ko alam pero naiinis ako. There's a disappointment feeling in my heart, I guess.

Humarap ako kay Zeff at humalukipkip. Hinintay ko siyang magsalita pero nanatili siyang nakatitig sa akin. Para bang pinag-aaralan niya ang buong mukha ko.

"Magsalita ka na," panimula ko.

Binasa niya ang kanyang labi at bumuntong hininga. Umiwas siya ng tingin sa akin at natulala sa ibang direksyon. Nanatili siyang tahimik at nagsimula na akong mainis.

"Ano ba? Magsasalita ka ba o hindi? Sayang ang oras ko."

Sinalubong niya ang tingin ko. Hinakbang niya ang distansya sa pagitan namin at napatayo ako nang maayos. Mas lalong kumunot ang noo niya at pati ang mga kilay niya ay halos magkadikit na dahil siguro sa irita sa akin... o sa nangyayari.

"Why did you break up with me? You didn't give me a reason. You just left me hanging." His voice was low but rough.

Should I really tell him now?

Syempre naman, Tifa! You already said to yourself before that you were ready to give him what he wants.

Bumaba ang mga kamay ko sa gilid ko. Seryoso ko siyang tinignan. Tumuwid siya sa kanyang pagkakatayo nang makita niyang seryoso ako.

"What's your reason for breaking up with me? You were happy with me. We were happy, Tifa..."

Yes, I was happy. But that's it. I can no longer be with you because I don't love you.

"I only used you. I don't love you, Zeff." Hindi ko siya tinantanan ng titig.

Unti-unting nanlaki ang mga mata niya. Seconds later, mas lalo siyang lumapit sa akin. Nagbabadya ang luha sa mga mata niya.

"You're lying."

"Hindi ako nagsisinungaling. Hindi talaga kita mahal, Zeff. Sana napansin mo iyon." Napalunok ako. "Nadamay ka lang sa inis ko sa mga fangirls mo. I dated you just to piss them off. Wala akong panahon para labanan ang mga pagmamaldita nila sa akin. They hated me because of you. Not that it matters to me but heck, they were messing with my life."

Sinubukan niyang hawakan ang magkabila kong siko. Balak kong umiwas pero hinayan ko na lang siya. Hindi na maipinta ang kanyang mukha.

"What the fuck, Tifa?" galit niyang tanong ngunit bakas sa mga mata niya ang sakit at lungkot. "Alam ko ang ugali mo pero hindi ko naisip na pwede mo akong lokohin at gaguhin!"

Galit siya pero sobrang ingat ng pagkakahawak niya sa mga siko ko. Para bang takot na takot siyang masaktan ako. Sumisikip ang dibdib ko.

"I'm sorry..." Napayuko ako dahil tinamaan na ko ng konsensya.

Soon... Karma will hit me.

"Do you really love me?" dugtong ko.

Hinatak niya ako at niyakap. Mainit ang kanyang katawan at taas-baba ang kanyang balikat. Hindi ko alam kung umiiyak ba siya sa balikat ko o hindi.

Touch Me AnywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon