Chapter 45
Bloody Fight
Hindi ako iyaking babae. Hindi ako mabilis maapektuhan ng mga makadamdaming emosyon. Ngunit simula nang mahalin ko si Jin at mabuntis ako, parang isang salita niya lang ay sobrang lakas na ng epekto sa akin. Every little thing he says, every little thing he does, makes me so emotional.
This is so not me.
"You love me? You want to spend the rest of your life with me?" nabasag ang boses ko.
Umangat ang labi niya para ngumisi. "What, little girl? Don't tell me... you would cry because of what I've said?"
"Just tell me! Totoo ba 'yong sinabi mo? Totoo ba 'yong narinig ko? Jin Ichijo!" napasigaw na ako sa excitement.
I want to hear it again. Kung pwede ay pakiulit nang ilang beses, ilang milyong beses... please.
"What the hell? Hindi ko na uulitin. Masyadong nakakadiri." Tinapunan niya ko ng nauumay na tingin. "Let's just go." Hinatak na niya ang braso ko para makaalis kami sa underground base nila.
Tumulo ang mga luha ko habang umaakyat kami ulit sa makipot at madilim na hagdang dinaanan namin kanina nang bumama kami rito. Maya-maya pa ay humikbi na ako. Nagugulat na nilingon ako ni Jin.
"Fuck, little girl? Bakit ka ba umiiyak?"
Ngumiti ako ngunit hindi ko maiwasang humikbi ulit. "Masaya lang ako. First time kong narinig sa'yo ang mga salitang iyon. Masayang masaya ako na tipong hindi ako makapaniwala kung totoo bang narinig ko talaga iyon o hindi. Isang Jin Ichijo, sasabihing mahal niya ako at gusto niya pa akong makasama habang buhay? Shit just got real!" Tinitigan ko siya sa mga mata na may ngiti sa labi.
Ngumiwi siya pero kitang kita ko ang pagpipigil niyang ngumiti. Mapride talaga siyang lalaki!
"Crazy little girl." Umiwas siya ng tingin at pinilit maging seryoso but he failed. Sumilay na ang magandang ngiti sa labi niya. Humalakhak ako habang umiiyak pa rin. "Don't make fun of me."
"I'm not, Jin. I'm not. Really..." sabi ko pero patuloy pa rin sa pagtawa.
Hindi na siya sumagot at ngumiti na lang. Nagpatuloy kami sa pag-akyat sa hagdan. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang isang kamay. Nakakapagtaka dahil madilim pero kitang kita ko ang ngiti sa labi niya. I guess these are the eyes of a person who is in love. Walang nakakaligtas sa mga matang ito.
"Koishiteru," I blurted out, mimicking him.
Natigilan siya. Napahinto kami sa paglalakad. May namuo na namang luha sa mga mata ko. Dahan-dahan siyang humarap sa akin.
"What the hell, little girl... You're making me uncomfortable for some reason..."
"Koishiteru," I said again. ""Koishiteru. Koishiteru. Koishiteru. Koishiteru—"
Natigilan ako sa pagsasalita dahil naramdaman ko ang mainit at malambot na labi niya sa akin. Ang kaninang namumuong mga luha ko ay parang sirang gripong bumuhos sa pisngi ko. Naiiyak ako sa saya. Naiiyak ako sa sobrang nag-uumapaw na masarap na pakiramdam sa kalooban ko. It felt heaven. His kisses felt divine. How could he do this? I felt like I was on the cloud 9 while kissing him back tenderly.
"You looked so hot talking in Nihongo, Tifanny. Such a turn on to me," he said after breaking our kiss.
I chewed my bottom lip. Hindi ako makapagsalita. Wala akong mahanap na tamang salita para sa nararamdaman ko. Kakaiba. Sobrang kakaiba ng nararamdaman ko na tipong wala nang nararapat na salita para i-describe ang nararamdaman ko. I just know one thing...
BINABASA MO ANG
Touch Me Anywhere
RomansaPiyu #2 Nang lumayas si Tifanny Luciano sa kanilang bahay ay natuto na siyang mamuhay sa sarili niyang mga paa. Naging malaya siya, malakas, mautak, at hinding hindi nagpapauto kahit kanino. Nakaya niya ang lahat ng mga problemang pinansyal sa tul...