Chapter 29

8.7K 205 6
                                    

Chapter 29

Three Weeks

Imbes na sa dorm ko kami umuwi, sa kanyang condo kami tumuloy. Hawak-hawak niyang mabuti ang kamay ko habang nasa elevator kami. Nakayuko lang ako at hindi ko alam ang sasabihin ko.

Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya napatingin ako doon. Umangat ang tingin ko sa mukha niya. Nagtama ang mga namin. Bigla akong napalunok. He looked so goddamn angry. I hope it wasn't because of me. I don't want to feel his wrath today. I'm not in the mood to bitch around and act like I don't have any special feelings for him.

Pumasok kami condo niya. Binitiwan niya ang kamay ko nang makarating kami sa living room. Tumigil siya sa paglalalad kaya ganoon din ako. Pinagmamasdan ko lang ang malapad at matigas niyang likod. Nakita ko ang pagbuga niya nang malalim na hininga dahil nagtaas-baba ang balikat niya.

Kumalabog ang puso ko sa gulat nang bigla siyang humarap. "Why are you with that Reo kid? Why did he touch your hand?" sigaw niya.

My lips formed into a thin line. I really don't feel like fighting with him right now.

"Jin, pwede bang tigilan mo na si Reo? Nag-iipon pa siya ng pambayad sa'yo. Bigyan mo pa siya ng panahon," mahinahon kong sabi.

His jaw clenched. His lips trembled in anger. His eyes narrowed while looking at me intently.

"I don't have enough time to deal with that idiotic kid right now, little girl. We have a much bigger and wilder prey to catch." His eyes were now pitch dark.

"Much bigger and wilder prey?" I raised my brow in confusion.

Gumuhit ang nakakatakot na ngiti sa labi niya. Para bang ang tagal niyang hinintay ang pagkakataon na ito at ngayon ay mangyayari na. Tinikom ko ang aking bibig at tumingin sa ibang direksyon.

My life and his life are different. Kung sabihin man niya sa akin ang tungkol sa mga yakuza at ang business at culture nito, hinding hindi ko pa rin maiintindihan ang ginagawa nila. I would never understand why they need to kill people like it's the normal thing to do.

Pinilig ko ang ulo ko para madistract ako sa mga iniisip ko. Nakahalukipkip na si Jin sa aking harapan nang balingan ko siya.

"You're distracted, little girl."

Umirap ako. "Pake mo kung distracted ako?" Tumikhim ako. "Bakit ka nga pala nasa harap ng FEU kanina?"

"I was fetching you." Umawang ang bibig ko.

"Bakit mo ko sinundo? Anong kailangan mo sa akin?"

Tumunog nang malakas ang cellphone niya kaya hindi niya ko nasagot. Nagsimulang bumilis ang puso ko na halos atakihin na ako. Parang nasa lalamunan ko na ang lintek kong puso. I want to know. Bakit niya ko sinundo? Iba pa ang sasakyang gamit niya. Hindi rin niya kasama ang mga alagad niya.

Bigla na lang gumuhit ang ngiti sa labi ko. Ano kayang balak niya?

"That's good. Locate their final destination. We will regroup in our basement after three hours," ani Jin sa kausap bago

Pinasada niya ang kanyang kamay sa buhok niya. Tumingin siya sa akin at binasa ang labi. "I will drop you off to your dorm. Let's go," aniya at nilagpasan na ako.

Iyon ang huling beses na narinig ko mula sa bibig niya. Iyon ang huling beses na nakita ko siya. Lumipas ang isang linggo na hindi siya nagpakita, okay pa ako dahil ganoon naman siya. Bigla bigla na lang siyang mawawala nang ilang araw at hindi pupunta sa dorm ko. Hindi naman nawala sa isip kong siya ang pangalawang pinaka importanteng tao sa Ichijo Yakuza kaya sobrang busy niya. Naiintindihan ko iyon.

Touch Me AnywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon