Chapter 50

8.7K 192 16
                                    


Chapter 50

Inside of the Sanctuary

Sa mga sumunod na oras ay hindi ko na nasundan ang mga nangyari. Kung paano kami nakarating sa base ng mga Ichijo at kung ilang oras kaming nakasakay sa private jet. Ni hindi ko makuhang mamangha sa mga islang nadadaanan ng private jet dahil lutang ako buong byahe. Pati ang kagandahan ng karagatan at mga matataas at matatayog na building ay hindi ko napagtuonan ng pansin.

Wala akong maisip kundi si Jin at kung anong nangyari sa kanya. Base sa seryosong mukha nina Dominique at Lei, sa mga malulungkot nilang mga mata, may namumuong hinala sa aking isip at ayokong i-entertain ang ideyang iyon. Natatakot ako. Nanghihina. Kinakabahan. Wala pa silang sinasabi sa akin. Hindi ko rin magawang magtanong. Tila nawalan ako ng abilidad magsalita ngayon.

Gusto ko na lang marating namin ang aming destinasyon ngayon kahit puno ako ng pangamba at takot. Ayokong mag conclude hanggat wala pa silang sinasabi, hanggat wala pang patunay ang hinala ko.

You're still alive, aren't you, Jin?

Kalmado ang katawan ko ngunit ang labi ko ay walang humpay sa panginginig. Bago ako pumikit nang mariin ay nakita ko ang nanunuring mga tingin nina Dominique at Lei.

Ilang sandali lang ay nararamdaman kong bumabagal ang lipad ng private jet. Humugot ako nang malalim na hininga bago imulat ang mga mata ko. Nakita kong pababa kami sa isang lugar na sa isang tingin pa lang ay alam ko na kung ano. Ang kalmado kong katawan ay nagsimula nang pagpawisan at manginig. Kumuyom ang dalawang kamao dahil unti-unti na rin akong nanlalambot at nanghihina.

"Nasaang lugar tayo? Bakit tayo nasa sementeryo?" tanong ko nang makababa kami sa private jet at naramdaman ko ang kakaibang klima sa paligid. Medyo malamig iyon at mamasa masa ang hanging dumadapo sa katawan kong nanlalambot na.

Kaming tatlo lang nina Dominique at Lei ang sakay ng private jet kasama ang dalawa pang tauhang nag operate nito. Hinawakan ni Dominique ang balikat ko at inalalayan akong pumasok sa sementeryo. Nangunguna si Lei sa paglalakad.

"Nasaan tayo, Dominique?!" I asked in a high pitch tone. Kinakain na ko ng takot at kaba.

"Nasa London tayo, Tifa," sagot niyang diretso pa rin ang tingin sa daan.

"Bakit tayo nandito?" Napasinghap ako.

Hindi na niya ako sinagot. Pumikit ako at doon ko naramdaman ang paglandas ng mga luha sa aking pisngi. Humikbi ako nang humikbi. Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Dominique sa balikat. Hawak niya ako sa magkabilang balikat ko para alalayan.

"Wag kang umiyak, please. Lagot kami kay Sir Jin nito..." aniya.

Mabilis akong napadilat at lumuluhang tumingin sa kanya. Kagaya kanina ay wala ako sa tamang wisyo para purihin ang kagandahan at kalinisan ng sementeryong kinaroroonan namin. Nakay Dominique lang ang buong atensyon ko kahit sumisigaw na ng kagandahan ang buong lugar. This is not just an ordinary graveyard. Tingin ko ang mga taong nakalibing dito ay hindi basta basta. Bawat puntod na nadadanan namin ay tila may gintong nakapalibot sa lapida kaya alam kong nasa higher class society ang mga nakalibing dito.

"Nasaan si Jin?" Napakurap kurap ako sa naging tanong.

He smiled weakly. Nilahad niya ang daan sa harapan kaya tumingin ako roon. Tumigil kami sa paglalakad sa harap ng isang parang maliit na bahay. No, hindi ito bahay. This is a sanctuary. Sa labas ay nakita ko ang ilang mga lalaking nakaitim. Ang iba sa kanila ay hindi ko kilala pero ang karamihan sa kanila ay kilalang kilala ko. Unang nakita ko ang pulang buhok ni Ian, pagkatapos ay sunod-sunod ko nang nakita ang mga alagad ni Jin na sina Robert, Takeshi, Akaya, Niel, Louie, Vincent, at Ryuuji. Napatakip ako sa bibig ko at patakbong pumunta sa mismong sanctuary.

Touch Me AnywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon