Chapter 39
Magkamatayan man
"Jin!" hindi makapaniwala kong sigaw.
Ilang beses akong kumurap habang nakatingin ako sa kanya. Nandito siya sa harap ko mismo, sa harap ng family ko, kasama si Dominique na tahimik lang na nakatingin sa akin.
Humugot ako ng malalim na hininga. Anong ginagawa niya rito? Bakit nandito siya? Paanong...
"I'm the father of the child," ulit niya at tumingin sa akin.
Madilim at malalim ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Pinasadahan niya ang kabuuan ko na para bang may hinahanap na mali sa akin. Nang magtama ulit ang mga mata namin ay napigil ko ang aking hininga.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa oras na ito. Pigil ko ang paghinga ko habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha. Gusto ko nang humagulgol ng iyak at yakapin siya nang sobrang higpit dahil nakahanap ako ng karamay sa pagpapaliwanag sa pamilya ko. Gusto ko ring matakot at umiwas sa kanya dahil alam kong hindi matatanggap ng pamilya ko ang katotohanang sa isang yakuza ako nagpabuntis.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Nanliit ang mga mata ni Jin. Sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay para bang kinakausap niya ang kaluluwa ko. Hindi ko makuha ang gusto niyang iparating.
Ano iyon, Jin Ichijo? Bakit nandito ka? Bakit sa kabila ng mga sinabi at ginawa mo, nandito ka sa harap ko? Bakit? Bakit sinundan mo pa ako?
Lumandas ulit ang luha sa mga mata ko. Tahimik akong umiiyak habang nakaharap sa kanya. Nagtiim-bagang siya at humakbang papalapit sa akin ngunit nangibabaw ang galit na boses ni papa.
"Ano ang sabi mo?! Ikaw ang ama ng dinadala ni Tifanny?! Ikaw ang gagong bumuntis sa kanya?!"
Napapikit ako sa sobrang lakas ng boses ni papa. Dumadagundong iyon sa buong bahay at mararamdaman mo ang galit at disappointment sa boses niya. Ngayon ay pakiramdam ko sobrang hina ko. Nanliliit ako sa makapangyarihang boses ni papa ngayon. Wala namang epekto sa akin ito noon. Anong nangyari at bakit halos lumubog ako sa kinatatayuan ko dahil lang sa boses niya?
Kahihiyan ang bumalot sa buong pagkatao ko ngayon. Hindi ko sila kayang harapin. Sobrang pagkapahiya ang nararamdaman ko. Gusto ko na lang tumalikod magdamag at wag na silang harapin. Nakakahiya. Ganito pala ang pakiramdam kapag nadisappoint mo ang pamilya mo. Walang mukhang ihaharap. Nakakababa ng tingin sa sarili. Masakit sa damdamin. At nakakapanghina ng kalooban.
Humikbi ako nang humikbi, wala nang pakialam sa paligid at walang pakialam kung isipin nilang mahina ako kasi iyon ang totoo. I'm weak and irresponsible.
Napasinghap ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at pinatong sa kanyang matigas na dibdib habang ang isang kamay ay nasa likod ko. Wala sa sarili kong dinilat ang mga mata ko. Nakatutok ito sa malapad na dibdib ni Jin. Nagsimulang manginig ang labi ko at mas lalong lumakas ang pag-iyak at paghikbi ko. Hindi naman mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin pero sapat na ang mainit niyang katawan upang mapaiyak ako nang husto. Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko at panay ang taas-baba ng mga balikat ko.
"I'm sorry. This is happening because of me," bulong niya sa tenga ko na siyang dahilan upang ngumawa ako.
Shit. Is this really me? I looked like a real little girl.
"Sagutin mo akong hayop ka! Ikaw ang nakabuntis sa bunso ko?!" pagalit na tanong ni papa.
Naririnig ko ang pag-iyak nina mama at ate sa paligid pero walang makakatalo sa malakas kong pag-iyak.

BINABASA MO ANG
Touch Me Anywhere
RomansaPiyu #2 Nang lumayas si Tifanny Luciano sa kanilang bahay ay natuto na siyang mamuhay sa sarili niyang mga paa. Naging malaya siya, malakas, mautak, at hinding hindi nagpapauto kahit kanino. Nakaya niya ang lahat ng mga problemang pinansyal sa tul...