Chapter 40
Love and Pride
Hindi na kami nakakain nang maayos sa hapagkainan. Hindi na rin binitiwan ni Jin ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Tinitigan ko iyon habang panay ang lunok ng laway. Unti-unti niyang pinagsalikop ang mga daliri namin. May tumakas na maliit na ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang mga kamay naming magkahawak at ang mainit na pakiramdam na umuusbong sa puso ko.
Inangat ko ang paningin ko. Nakakatuwa sa pakiramdam na plano ko palang siyang tingnan ay nakatingin na siya sa akin. Iyon nga lang ay masyadong seryoso at madilim ang mukha niya kaya hindi ko magawang matuwa nang husto.
"Paano kayo nagkakilala ng kapatid ko?" binasag ni Kuya JL, ang panganay kong kapatid, ang katahimikan.
Iniwas ko ang paningin ko kay Jin at pinasadahan ng tingin ang pamilya ko. Katulad ko ay hindi na rin nila ginagalaw ang kanilang pagkain. Nakakawalang gana naman kasi.
Tumikhim si Jin. "Sa isang parking lot ng fast food chain."
"N-Nakilala ko siya noong gabing lumayas ako..." sabat ko.
Tumango si Kuya JL pero sobrang sama pa rin ng mukha niya. "Ang sabi niya ay siya ang nagpa-aral, nagpakain, at nagpatira sa'yo?"
Dahan-dahan akong tumango. "Oo. Siya ang lahat ng gumastos sa akin."
Umiling si Kuya JL, parang nadismaya. "Bakit niya naman gagawin sa'yo iyon? Wag mong sabihing na-love at first sight siya sa'yo na handa ka niyang paggastusan dahil mahal ka niya? Tss..."
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Jin. Hindi ko kayang sabihin sa kanilang lahat ang tungkol sa erotic deal namin.
"Kung iyon ang dating sa'yo. Masama bang magwaldas ng pera para sa taong mahal mo?" sabat ni Jin.
Nahugot ko ang hininga ko dahil mas tumitindi ang tensyon sa pagitan naming lahat. Ako naman ay takot na takot na malaman nila ang tungkol sa deal namin kaya nanahimik na lang ako. Nakakawala kasi ng dignidad ang isang iyon. Mas mabuting kami na lang ni Jin ang nakakaalam sa bagay na iyon. Hindi na kailangan malaman ng pamilya ko.
"Mahal mo talaga ang kapatid ko?" tunog sarkastiko ang boses ni Kuya JB.
"Yes," mabilis na sagot ni Jin.
Dapat na rin ba kong maniwala sa sinasabi niya? Mahal niya ako? What the actual fuck.
"Iyon nga ang kinagagalit ko. Kung mahal mo ang anak ko, bakit mo pa binuntis? Kung hindi ka talaga makatiis na angkinin siya, dapat ay nag-ingat ka! Bobo ka ba at hindi mo naisip na pwede siyang mabuntis?" si papa!
Nakaramdam ako ng hiya at pamumula sa sinabi niya!
"I don't use condom, Mister Luciano." Ngumisi si Jin.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Damn. Damn. Damn. Ako ang nahihiya sa sinasabi nila. Parang lumulubog ako sa kinauupuan ko.
"Dios mio!" hindi makapaniwalang wika ni papa. "Siya ang bunso kong anak. Siya na lang ang tanging pag-asa namin para umangat at gumanda ang pamumuhay namin. Siya lang ang nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral ng kolehiyo at sa magandang paaralan pa. Ang mga kapatid niya ay highschool lang ang natapos. Ang dalawa niyang kuya ay walang permanenteng trabaho. Puro sidelines lang dahil puro bulakbol ang inaatupag! Itong ate niya, nabuntis ng isang seaman sa murang edad din! Iyang si Tifanny na lang ang pag-asa namin, binuntis mo pa?" nakakalokong tanong ni papa.
"I can give this family a good life." Ngumisi si Jin at pinasadahan ng tingin ang pamilya ko.
"Ano sa hindi kita gustong mapasama sa pamilya ko ang hindi mo maintindihan?" pigil sa galit na wika ni papa.
BINABASA MO ANG
Touch Me Anywhere
RomancePiyu #2 Nang lumayas si Tifanny Luciano sa kanilang bahay ay natuto na siyang mamuhay sa sarili niyang mga paa. Naging malaya siya, malakas, mautak, at hinding hindi nagpapauto kahit kanino. Nakaya niya ang lahat ng mga problemang pinansyal sa tul...