Chapter 41
To Akiko's Place
Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinabi ni Jin. Para kasing napaka-imposible. Ang isang kagaya niya ay mahal ang isang katulad ko? Alam kong kayang magmahal ng kahit na sinong tao pero para sa akin ay napaka-imposible kung si Jin ang maiinlove.
Like seriously? Mahal na niya ako sa lagay na iyon? Nakakakilabot siyang magmahal, ah? Nananakit. Naninigaw. Nadadala ako sa hospital. Nagtatalsikan ang dugo ko. Nakakakilabot. Parang gusto ko nang matakot sa klase ng pagmamahal niya sa akin. Kaya kahit gusto kong maniwala ay nagdadalawang isip ako.
Baka kasi sinabi niya lang na mahal niya ako para hindi ako mawala sa kanya. I’m his medicine after all. He’s a yakuza at wala siyang konsensya kung magsinungaling man siya o gumawa ng masama. Basta makuha niya ang gusto niya.
Malabo para sa akin ang lahat pero hindi ko maitatanggi ang kakaibang tuwa sa puso ko.
Maraming nangyari sa araw na ito. Nakahiga lang ako at nakatingin sa kisame, hinihintay na dapuan ng antok. Gusto ko sanang katabi si Jin matulog pero di siya pumayag. Gusto niya pero may kaunti pa rin daw siyang respeto sa pamilya ko.
Umikot ang mga mata ko. Respeto? Wow, Jin. Meron ka pala noon. Natawa ako.
Doon tuloy sila nagpapalipas ng gabi ni Dominique sa loob ng sasakyang ginamit nila papunta rito. Nakaparada iyon sa harap mismo ng bahay namin. Mukhang di rin naman sila welcome dito sa bahay, eh. Galit at disappointed pa rin ang pamilya ko sa nangyari.
Ilang minuto pa ang inaksaya ko sa pag-iisip sa mga nangyari at sa mga sinabi ni Jin kanina bago ako nakatulog.
Hindi malalim ang tulog ko at pagising gising ako. Hindi ako makatulog nang maayos kasi inaalala ko si Jin. Hindi iyon makakatulog ngayon, eh. Hindi niya ko mahahawakan kaya hindi siya makakatulog. Hindi na nga siya makakatulog, hindi pa siya kumportable sa pagpapahinga sa loob ng sasakyan. Gusto ko siyang puntahan at yayain dito sa kwarto...
Kinagat kagat ko ang labi ko habang nakatulala sa pinto at iniisip kung ano bang dapat gawin ko nang bigla iyong bumukas nang dahan-dahan. Napalunok ako at nanliit ang mga mata habang inaaninag kung sino ang nagbubukas noon. Dahan-dahan ang pagbukas nito na tila ayaw makagawa ng kahit na anong ingay. Nang tuluyang bumukas ang pinto, niluwa nito ang isang Jin Ichijo.
Madilim ang kwarto ko at walang bukas na ilaw pero alam na alam ko ang pustura at tindig ni Jin. Napaupo ako at pinanood siyang maingat na sinarado ang pinto. Maingat din siyang naglakad palapit sa akin. Wala akong marinig na kahit anong kaluskos o ingay. Ingat na ingat siyang palapit sa akin. Geez! Ninja ata siya at hindi isang yakuza.
Napahagikgik tuloy ako.
"Ninja ka ba?" tanong ko. "O akyat bahay? Magnanakaw?"
"Tss. Why are you still awake?"
"Hindi ako makatulog. Iniisip kita."
"Bakit mo ko iniisip?"
"Gusto sana kitang patulugin dito sa kwarto ko, eh..."
"Alam mo namang hindi ako nakakatulog hanggat hindi kita nahahawakan, little girl."
"Alam ko. Ang weird mo talaga..."
Naupo siya sa gilid ng kama ko. Madilim pero kitang kita ko ang maliit na ngiti sa labi niya. Madilim pero kitang kita ko ang kumikislap niyang mga mata. Mukha siyang masaya ngayon, ah?
"Can I sleep here?" pabulong niyang tanong.
Tumango ako. "Oo naman. Ang tanong, makakatulog ka ba?"

BINABASA MO ANG
Touch Me Anywhere
RomancePiyu #2 Nang lumayas si Tifanny Luciano sa kanilang bahay ay natuto na siyang mamuhay sa sarili niyang mga paa. Naging malaya siya, malakas, mautak, at hinding hindi nagpapauto kahit kanino. Nakaya niya ang lahat ng mga problemang pinansyal sa tul...