Chapter 46

8.2K 187 12
                                    


Chapter 46

Proposal

Sobrang bilis ng sunod na nangyari. Nakita ko na lang na sinasakal ni Jin si Takeo at marahas na nilayo sa akin. Sinandal niya si Takeo sa dingding. Sa lakas ng impact ay nakagawa iyon ng ingay at napapikit ako. Sa tingin ko ay parang nabali ang spinal cord ni Takeo sa sobrang lakas ng pagkakasandal sa kanya ni Jin sa dingding.

Napadilat agad ako nang marinig kong may magkasa ng baril, sunod-sunod. Oh shit. What's happening? Nakita ko na lang na pinapalibutan na kami ng mga alagad ni Ichijo Takeo at nakatutok sa akin ang lahat ng baril nila!

Nanlamig ang buong katawan ko sa takot. Umawang ang bibig ko at nanatili ang paningin ko sa likod ni Jin.

"Jin..." takot kong utas.

Hindi niya ko pinansin at mas lalo pang sinakal si Takeo.

"Jin," tawag ni Nao. "Look at your little girl now. Namumutla na siya sa sobrang takot," natatawang utas niya pa.

Minura ko siya sa isip ko. Hindi ko siya pinagtuonan ng pansin dahil totoo naman, takot na takot ako ngayon. Hindi lang isang baril, kung hindi maraming nakatutok sa akin. Pag pinaputok nila ang mga iyon, segundo lang ang bibilangin at patay na ako.

Matalim akong binalingan ni Jin. Bumagsak ang balikat niya nang mapagtantong tama ang sinabi ni Nao. Marahas niyang binitiwan ang leeg ni Takeo. Umubo-ubo siya habang hawak ang leeg pero nananalaytay ang nakakalokong ngisi sa labi niya. Damn Ichijo.

"Wala naman palang binatbat ang babae mo, Jin. She's just a little girl, after all. Kung si Kirihaya Nao ang pakakasalan mo—"

"Shut the fuck up. Son of a gun..." mariing sabi ni Jin at nilapitan ako. Naalarma ang mga alagad ni Takeo at mas lalo pang tinutok ang mga baril sa akin. "These fucktards dare to point their guns at my girl?" hindi makapaniwala niyang sabi.

Napapitlag ako nang sumugod sina Dominique sa mga alagad ni Takeo. Inuna nila ang pagbali sa mga kamay nilang may hawak ng baril bago baliin ang kanilang leeg dahilan para mawalan silang lahat ng malay at bumulagta sa sahig. Napalunok ako at laglag pangang nakatulala sa kanilang ginawa. Ang bilis nilang kumilos. Para silang mga ninja talaga kahit na totoo ay yakuza sila.

Malakas na tumawa si Takeo, di alintana na napabagsak ng mga alagad ni Jin ang mga tauhan niya! Baliw na siya!

"You're really the right hand of Ichijo Yakuza, huh? I should have expected that. You're too strong. Your men are strong too. How is that? You're just a bastard here. An adopted asshole who ruined my life. You're not really an Ichijo. Fuck all of you. Fuck you." Nakangisi si Takeo habang sinasabi ito pero ramdam mo ang sobrang pagkagigil sa boses niya.

"Are you done? Get out of my sight, freak," ani Jin habang sa akin pa rin nakaharap.

He's rude. Hindi na mawawala sa kanya ang ugaling iyon. Mas matanda sa kanya si Ichijo Takeo nang ilang taon pero kung umasta siya ay parang bata lang ang kausap niya. Parang tatay na nga niya si Takeo...

"We're not yet done."

"Hai, hai..." walang interes na sagot ni Jin bago ako hinawakan sa magkabilang baywang ko. "Are you okay?"

Hindi ako nakasagot dahil may biglang nagsalita.

"What happened here?" umalingawngaw ang malamig at nakakatakot na boses na iyon.

Nakita kong yumuko sina Dominique nang makita kung sinong dumating, a sign of respect. He's here. The leader of Ichijo Yakuza, Ichijo Kenta.

"Otosama..." nakayukong utas ni Ichijo Takeo.

Touch Me AnywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon