Chapter 38
Where My Family Lives
Nakatulala lang ako sa kulay puting kisame ng hospital room na pinagdalhan sa akin nina Jin at Nao. Sa apat na oras na nakalipas, hindi ako nakatulog. Kahit hinang hina ang katawan ko at halos hindi ko magalaw kahit ni isang daliri ko, nanatili akong gising.
Natatakot ako na baka kapag natulog ako, paggising ko ay wala na ang aking anak.
Thank God at nakaligtas ang anak ko! Diyos ko! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin! Kakaibang takot ang naramdaman ko kanina nang duguin ako! Akala ko mawawala na ang anghel ko! Mabuti at naagapan agad ng doctor! Jusko ko!
Marahan akong pumikit. Naghalo halo ang emosyon ko at lahat ata ng pwedeng maramdaman ko ay nararamdaman ko ngayon dahilan para mamanhid ang kalooban ko. Sa sobrang daming emosyong naglalaro sa damdamin ko, naging manhid na ako. Wala akong maramdaman kung di ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko.
Pagdilat ko ng aking mga mata ay ramdam ko ang pagiging blanko ng aking mukha. Gusto kong tignan sa salamin kung may kulay pa ba ang mukha ko dahil sa tingin ko ay namumutla na ako at wala nang buhay ang mga mata ko.
How did I end up like this? I'm just an eighteen year old college student. Tama bang maranasan ko ang lahat ng ito sa murang edad? Ang dami dami kong problema! Marami akong iniisip! Parang pasan ko na ang buong mundo!
Gusto kong sisihin si Jin Ichijo pero kada gagawin ko iyon ay bumabalik lang ako sa araw noong lumayas ako sa bahay namin. Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung di ako nagmalaki at lumayas. Hindi ko sana makikilala si Jin. Hindi magkakandaleche leche ang buhay ko.
Ito ang naging bunga ng pride ko. Pinairal ko ang aking pride. Kaya heto ako ngayon, hirap na hirap at hindi malaman ang gagawin.
Gusto ko nang umuwi sa amin.
Bumukas ang pinto ngunit hindi ako natinag sa lalaking pumasok sa kwarto. Amoy pa lang ay alam ko na kung sino. Lumapit siya sa gilid ng kama ko. Kitang kita ko siya sa gilid ng mata ko.
"Are you alright?" he asked.
Gago. Gusto kong matawa sa tanong niya. Yes, my baby is alright. Our baby has been saved. Pero ang kapal kapal kapal ng mukha mong tanungin ako niyan. Okay ang anak natin pero paano naman ako? Huh? Paano ang nararamdaman ko?!
Muntik mo nang mapatay ang anak natin! Hayop ka!
Nanatiling blanko ang ekspresyon ko habang nakatitig sa kisame. Hindi ko siya pinansin.
"Are you hungry?" he asked again.
He sounded so formal after everything has happened. Talagang wala siyang pake sa anak niya, 'no? Oo nga naman.Sa paningin niya, hindi niya anak ito. Kapal. Siya lang naman ang gumalaw sa akin.
Tanggap ko na, eh. Tanggap ko nang hindi niya gustong panagutan ako. Sa tingin ko ay alam niya o sabihin na nating nararamdaman niyang anak niya talaga itong dinadala ko pero dahil isa siyang gago, kahit alam niyang anak niya ito, ipapamukha niya pa rin sa akin na hindi sa kanya ito kasi ikakasal na siya! Oo nga naman! Mas madaling palabasin na hindi niya anak ito! Mas madali siyang makakatakas sa responsibility!
"Hey." Hinawakan niya ang braso ko kaya mabilis ko siyang tinapunan ng tingin. Malumanay kong binawi ang braso ko dahil nanghihina pa ako. "You okay?"
Tangina. Paulit ulit siya!
Hindi ko siya sinagot. Ulit.
Narinig ko ang malakas at marahas niyang buntong hininga. Para bang nauubusan na siya ng pasensya sa akin.

BINABASA MO ANG
Touch Me Anywhere
RomancePiyu #2 Nang lumayas si Tifanny Luciano sa kanilang bahay ay natuto na siyang mamuhay sa sarili niyang mga paa. Naging malaya siya, malakas, mautak, at hinding hindi nagpapauto kahit kanino. Nakaya niya ang lahat ng mga problemang pinansyal sa tul...