BABALA: MEDYO MAHALAY AT MEDYO TIGANG SI JIN SA CHAPTER NA 'TO. KINIKILABUTAN AKO. JUSKO.
Chapter 43
Nightmare
Nag-echo sa utak ko ang sinabi niya.
"I don't like it when you talk with another guy. My heart hurts, boke."
Paulit-ulit.
"I don't like it when you talk with another guy. My heart hurts, boke."
Paulit-ulit pero hindi nakakasawa. Hindi nakakaumay.
"I don't like it when you talk with another guy. My heart hurts, boke."
Sa katunayan, masarap pa sa pakiramdam.
Gusto kong tumalon talon sa sinabi niya. Kilig na kilig ako at sobra akong namangha sa sarili ko nang maingat ko pang nabalik ang basong wala nang lamang gatas sa tray. Nanginig kasi ang kamay ko sa sobrang kilig. Ano ba iyan, Jin!
"Eh... May sinabi lang naman siya sa akin." Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti. Baka kasi magalit siya kapag nakitang natutuwa pa kong nagseselos siya.
Wait. Nagseselos siya? OMG!
Pasiring niyang iniwas ang paningin niya sa akin. Kinuha niya ang tray at padabog na nilagay sa bedside table. Padabog din siya umupo ulit sa harap ko. Hindi ko na tuloy mapigilang tumawa. Ang cute niya pala magselos. Nagdadabog na parang bata.
"Stop laughing or I will sexually harass you, little girl."
Muntik na kong mabilaukan sa sinabi niya! Nakita nang tumatawa ako tapos magsasalita siya ng ganoon! Ilang beses akong umubo bago siya masamang tiningnan.
"I'm pregnant, Jin. Tumigil ka nga."
This time, siya naman ang tumawa. "So?"
"Huh? Langya! Bawal ang iniisip mo! Bawal ang gusto mo!"
Tumawa siya nang tumawa. Ngumiwi na lang ako habang pinagmamasdan ang malalalim niyang dimples. Bigla siyang tumigil sa pagtawa na para bang may naisip na kalokohan. Tapos ay tinitigan niya ko gamit ang mga mapupungay na mata.
Unti-unti siyang umuurong palapit sa akin. Lunok ako nang lunok ng laway. Hinuli niya ang batok ko at mariin akong hinalikan sa labi. Sa sobrang diin ay napakapit ako sa buhok niya. Tumagilid ang ulo niya at gigil na gigil sinipsip ang pang itaas na labi ko. Nasabunutan ko na siya dahil sa matinding sensasyong namumuo sa katawan ko. Nakadilat lang ako, tinitingnan ang nakakunot niyang noo habang hinahalikan ako.
"You tasted like a sushi. Damn it. Why don't you kiss me back?" angal niya at nilubayan ang labi ko.
Hinalikan niya ang pisngi ko, ilong ko, noo ko, sentido ko, hanggang bumaba ang labi niya sa panga ko. Kapwa bumibilis ang paghinga namin. Lumayo siya sa akin para tanggalin ang maternal dress ko. Nagiging malikot ang mga mata niya, kung saan-saan tumitingin. Tinanggal niya rin ang bra ko pati ang panty boxer ko. Napapakurap na lang ako at hinihintay ang susunod niyang gagawin. We are not doing it, right? I'm pregnant! Hindi pwede!
Gusto ko siyang pagbawalan pero walang lumalabas na salita at pag-angal sa bibig. Parang gustong gusto ko pa. Traydor talaga ang katawan ko!
Bumalik ang labi niya sa panga ko, nagpaikot ikot ang dila niya doon. Hindi ko magawang pumikit. Pinapanood ko lang bawat ginagawa niya sa akin. Dumapo ang isang kamay niya sa baba ko at itinaas ang mukha ko para mas mahalikan niya ako pababa sa leeg. Napalunok na naman ako. Langya. Gusto kong tumili nang tumili dahil sa kiliting nararamdaman!

BINABASA MO ANG
Touch Me Anywhere
RomancePiyu #2 Nang lumayas si Tifanny Luciano sa kanilang bahay ay natuto na siyang mamuhay sa sarili niyang mga paa. Naging malaya siya, malakas, mautak, at hinding hindi nagpapauto kahit kanino. Nakaya niya ang lahat ng mga problemang pinansyal sa tul...