Nagmamadali akong bumaba ng hagdan dahil late na ako, first day ko pa naman ngayong araw sa school tapos late. Habang pababa ako nagsusuklay ako at inaayos yung necktie ko, multi-tasking na ginagawa ko dahil ayokong malate. Ng matapos ako kinuha ko na bag ko at sinuot na yung sapatos ko, di na ako nagabalang kumain pa ng umagahan dahil baka hindi ako makaabot.
"Ella!!! Kumain ka muna bago pumasok!" Sigaw ni Mama.
"Ma sa school na lang ako kakain malelate na po talaga ako eh bye Ma!!"
Sigaw ko din pabalik, di na ako nakahalik sa kanya kasi nagmamadali na ako huhu. At kung minamalas ka nga naman walang jeep na dumadaan, no choice kundi tumakbo dun sa may kanto para mag abang ng taxi magtataxi na lang ako para mabilis. Tumingin ako sa relo ko 45 mins na lang, tapos biglang may lumikong taxi ayun pinara ko na agad kahit malayo pa lang pagkastop nung taxi sumakay na agad ako at sinabi kay manong kung saan ako ibababa.
Habang nasa taxi, di ako mapakali bawat minuto akong napapatingin sa relo ko, pero buti na lang wala ding trapik ngayon wooo!!medyo nakahinga ako ng maluwag. Nung nakita ko na yung school ko, ang saya saya ko na kasi may 20 minutes pa ako at saka di gaano kalayuan ang building ko mula sa gate kaya di ko na kelangan tumakbo hahaha pero tiningnan ko muna mukha ko baka haggard much na face ko haha.
~~~
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok, pagkabukas ko ayun konti pa lang naman ang tao, saka ako nagmadaling pumasok at umupo doon sa pinakalikod na upuan di ako tumitingin sa kanila kasi nahihiya ako kaya diredirecho lang ako ng lakad hehe, excited na ako mamaya pag madami ng estudyante dito sa room kakausapin ko sila lahat woo.
"Bes huy may homework ka na?" classmate 1
"Wala pa pakopya nga" classmate 2
"Gaga kaya nga ako nagtanong sayo kasi wala din ako eh" classmate 1
"Ohh sorry HB agad e aga aga alis nga dyan" classmate 2
Napapatingin lang ako sa kanila, yung tipong gusto ko sabihin na "meron akong homework, baka gusto niyong hiramin" kaso inuunahan ako ng hiya hays.
~~~~
Nagstart na yung klase, first subject is Math yup ang aga ng math namin nakakaubos dugo agad sa brain hahaha joke anyway ayun nagcheck si mam ng homework. After nun sinauli naman agad sa amin, nung nakuha ko yung notebook ko tiningnan ko agad score ko and boom! Perfect hahahaha.
May sinabi lang teacher namin tapos umalis na may pupuntahan daw kasi siyang importante kaya nagmamadali, sarap naman breaktime na agad. Tamang tama gutom na ako dahil wala pa akong almusal.
Pagkarating ko naman sa canteen medyo madaming tao, pero madami pang vacant tables kaya naghanap agad ako ng mauupuan yung malapit sa counter para direcho upo na agad pagkaorder. Nagorder ako ng kanin chicken tapos spaghetti tapos iced tea. Habang kumakain medyo maingay dun sa may dulo, pag lingon ko madaming tao ang nagkukumpulan doon, ewan ko kung ano meron pero yung mga pumapasok na mga estudyante e direcho ang lakad doon hmm ano kaya yun? Tapos may mga nagtitilian ah baka may gwapo, sus para gwapo lang eh tsk.
Palabas na ako ng canteen, nang may nakasalubong ako na mga babaeng tumatakbo, papasok sila ng canteen, gwapo nga ata talaga yung nandoon.
~~~
Natapos na ang klase ko, kaya naman nag-ayos na ako ng gamit para makauwi na. Saktong paglabas ko may grupo ng mga lalaki ang dumaan sa harap ko, sa likod naman nila ay madaming babae ang nakasunod, napa-iling nalang ako sa kanila mukha kasi silang ewan.
"Hahahahaha kinginang yan hahahahaha, mukha silang mga timang na buntot ng buntot sa grupo ni Ethan hahahahaha" rinig kong sabi ng isa kong kaklase sa last subject ko.
"Sige! Lakasan mo pa! Yung maririnig talaga nila, tutal hilig mo makipag-away"
"Hindi na po, titigil na po 'to naman eh hahahaha"
"Tsk, bahala ka na nga dyan"
"Uy teka! Wag mo akong iwan!"
Sabay takbo niya para habulin yung kasama niya, siguro magkaibigan silang dalawa. Napabuntong hininga na lang ako, pero may bukas pa naman. Tama, bukas na lang ako makikipag kaibigan. At umuwi na din ako.
-------