Louise's POV
Ngayon na kami magkikita!! Excited na ako. Pinayagan nila ako lumabas, kasi naging mabait ako sa dinner namin kagabi. Hindi ako naging pasaway kaya eto ako ngayon nag aayos na hahaha kahit mamayang 3 pa ng hapon kami magkikita. Sorry na excited lang.
"Mukhang excited ah."
"Minsan lang to kaya susulitin ko na kaya wag mo sanang sirain araw ko."
"Woah twinny bakit ko naman sisirain araw mo? Hindi naman ako ganun kasama eh."
"Talaga lang? Tsk gabi na din pala ako uuwi."
"Sure twinny basta wag ka lang gumawa ng kalokohan, tandaan mo may mga matang nakatingin sayo."
"Alam ko."
Umalis din siya agad baka may lakad na naman with her evil bestfriend tsk.
Napatingin naman ako sa phone ko kasi biglang tumunog may message galing kay Nicole tss.
from: Nicole Maarte
Hey twinny nga pala alam ko ng may boyfriend ka at magmemeet kayo ngayon haha goodluck and enjoy sis mwaaahh 😘
Shet ang plastik talaga neto kainis may ganyan pang nalalaman arrrgghhh!!
to: Nicole Maarte
Wala namang sekreto ang di mo nalalaman pagdating sakin eh tss and yes mageenjoy kaming dalawa so please wag mo kaming guluhin.
Sent...
Hays gusto ko ng bumalik si Nicole sa dati yung sobrang bait sobrang caring yung inaalagaan ako hays :(
Alien <3 calling...
Halaaa tumatawag hala hala wait nataranta ako bigla di ko alam gagawin ko kaya naman umupo ako sa kama saka sinagot.
"Hello?"
"Busy ka ata?"
"Ha? Hindi ah hehe"
"Akala ko busy ka eh medyo matagal mo kasi nasagot"
I heard him chuckled, waaah kinilig ako bigla nung marinig ko yun.
"Galing kasi ako sa banyo di ko narinig agad sorry."
"Ah ganun ba? Haha sige excited na kasi ako makita ka"
"Ako din hahaha"
Kinikilig talaga ako halaaa wait lang anong oras na ba?? Ay wala pa pala kala ko malapit na eh ready na sana ako umalis hahahaha.
"Anyway Louise? Dahil di mo pa ako nakikita baka maturn off ka sakin."
"Huh? Bakit naman? Saka hindi naman ako tumitingin sa looks eh sa ugali ako and since matagal din kitang nakakausap kahit text and call lang, nararamdaman kong totoo lahat ng sinasabi mo hehe"
"Sana nga haha saka pagniligawan kita gusto ko sana alam ng mga magulang natin para hindi tayo nagtatago."
"Ha?? O-okay"
Nanghina ako sa sinabi niya hindi papayag si daddy baka paghiwalayin lang kaming dalawa no ayoko mangyari yun kainis naman ohh!!
"Hey?? Still there??"
"Ha? So-sorry hehe sige mamaya na lang ha byee alien i love you"