Louise's POV
Andito na ako sa school ngayon, hinahanap ko si Ella di ko kasi alam kung saan yung classroom niya. Tapos nagulat ako ng biglang may humatak sakin.
"Saan ka na naman pupunta ha? Malapit na magstart class natin tss"
"Araaay ko naman Nicole makahila wagas"
"Tatakas ka na naman kasi e akala mo ha isusumbong kita kela daddy"
"Edi isumbong mo ganun ka naman eh may magawa lang ako na mali sumbong agad pero ikaw? Tahimik lang ako kasi kung anu ano sinasabi mo"
"Bakit? Aangal ka pa? Baka gusto mo ulit mangyari yun"
Bigla akong nanghina sa sinabi ni Nicole ayoko na talaga gusto ko ng mawala. Hindi ko na siya sinagot nun at sumunod na lang sa kanya sa paglakad.
"Susunod ka din naman pala gusto mo pang tinatakot ka."
Pinipigilan ko na lang yung luha ko na tumulo ayokong umiyak dito lalo na andyan si Nicole hindi ko alam bakit naging ganyan eh dati hindi naman sobrang bait pa nga eh tapos biglang nagiba na ugali hays.
"LOUISE!!!! Nakikinig ka ba??!!"
Bigla akong nagulat sa sigaw niya pati yung ibang studyante nagulat din ang lakas ng boses e.
"Nicole naman nasa school tayo pwede bang hinaan mo boses mo?" Mahinahon kong sabi sa kanya
"Tss pake ba nila?? Narinig mo ba sinabi ko??"
"Ha ano ba yun?"
"Ang sabi ko mag didinner tayo mamaya kasama si daddy." Sabay irap ng mata tsk sarap dukutin eh kairita
"Ah okay." Matipid kong sagot sa kanya
Pagkarating namin sa room pumasok na agad kami hays as usual puro pagpapaganda mga alam ng tao dito kainis kala mo kagandahan eh sarap batuhin ng mga chalk.
Pumunta naman agad ako sa upuan ko at nakita kong naguusap si Nicole saka Johann at ang seryoso nilang dalawa ano na naman kaya pinaguusapan nun. Kinuha ko phone ko at nagfb muna saglit. Nakita kong may message so binuksan ko muna.
1 message...
from: Alien <3
Hey Louise, kumusta ka na? Sa wakas makikita na din kita :) sana wag ka matakot sakin haha konting antay na lang :) i love you bheb ko haha.
Napangiti ako nung nabasa ko text niya nireplyan ko naman.
To: Alien<3
Bheb, yeah excited na din ako kasi makikita na kita and i love you too hihi.
Simula nung nakilala ko siya, lahat ng problema ko nawawala pag kausap ko siya. Hanggang sa nahulog na ako ng hindi ko namamalayan. Kahit sa chat, text or call lang kami nagkakausap. Malayo siya sakin pero sabi niya lumipat daw sila at dito sa lugar namin sila lumipat ang galing diba? Kinakabahan ako na naeexcite haha sorry na po kinikilig lang ako hehe.
Tinago ko na phone ko kasi andyan na teacher namin.
----
Camille's POV
Naiinis ako!! Urgh!! Kasi naman hindi pumasok si Alex at si Ella naman wala sa sarili ano ba problema neto? Kanina pa tahimik eh ni hindi ako pinapansin kainis feeling ko tuloy mag isa lang ako tsk tsk. Tapos narinig kong naguusap yung dalawa kong kaklase.