Cont.
"Sinong nandyan?"
Narinig kong sabi nung mga lalaki kanina tapos papalapit sila sa pwesto namin nako po! Nalintikan na!
"Ah eh sorry may klase pa ako eh bye 😅 hehe" sabi ko dun sa lalaking nakahuli sakin at paalis na sana ako nung hinila niya bigla yung bag ko.
"Di ka pa tapos magpicture diba? Haha"
"Ah eh tapos na bitiwan mo na bag ko hehe"
Pinipilit kong ihawi yung kamay niya sa bag ko kaso ang higpit ng hawak halaa siya.
"Oy Brian ano ginagawa mo dyan?" Sabay tingin sakin "at may kasama ka pang babae? Aba iba ka na kuya hahahaha"
"Ulol Kenneth kuya mo lelang mo hahhaha saka nahuli ko lang naman siya"
"Huh? Nahuli saan? Aba naghahabulan pa kayo? Iba ka na talaga hahaha"
"Pakyu tigilan mo ako" tapos tingin sakin "miss pahiram ng phone mo" sabi niya sakin na nakangiti ng nakakaloko.
"Ah wala akong phone hehe" syet kinakabahan na ako para picture lang? Halaa si kuya naman eh huhu
"Oh talaga? Eh bakit nahuli kitang KINUKUHAAN ng PICTURE sila??"
Tumingin ako dun sa dalawa yung isa medyo nagulat pero yung isa di na maipinta yung mukha as in parang badtrip. Tapos lumapit siya sakin.
"Kinukuhaan mo kami ng picture? Ng hindi namin alam?!!"
"Oy easy lang Ethan, babae yan oh"
Oh my bakit bigla akong kinabahan? Halaa nakakatakot yung mukha nung boy laaa.
"Akin na phone mo"
"Ah ano may klase pa kasi ako kelangan ko ng umalis" please paalisin niyo na ako huhu
"Ang sabi ko, AKIN NA PHONE MO!!!"
O___O nakakagulat yung boses galit na galit >__<
Binigay ko naman agad yung phone ko kinakabahan ako pero yung dalawa sobrang lakas ng tawa na para bang nanonood ng isang gag show Camille Alex help me!!! T__T
Nung nakuha niya na yung phone ko, alam ko na gagawin niya buburahin niya lang naman yung pics huhu sayang siya pa naman sana sasabihin kong bf ko pero wag na nakakatakot pala siya. Nung makita kong tapos na siya kukuhain ko na sana ng bigla niyang tinaas kamay niya at saka tinapon phone ko ng sobrang lakas O__O what the??
"Ahhhhh!!!" Di ako agad nakagalaw tapos nakita kong inapak apakan niya yung phone ko saka ako napatakbo sa pwesto niya.
"ANONG GINAGAWA MO??!!!!" Sigaw ko sabay tulak sa kanya.
"Di mo ba nakikita? Sinisira ko phone mo!!"
Tumulo na lang bigla luha ko habang kinukuha yung wasak kong phone. Nung napulot ko na lahat nilagay ko na sa bag ko yung sirang phone saka siya nilingon.
"Hindi mo naman kelangan sirain eh!! Diba binura mo na??!!! Sino ka ba para sirain phone ko?!! Masyadong big deal sayo pag picture ko???? Di ko naman iuupload sa fb o kung saan mang social sites yan!!" *punas ng luha*
"Ano ngayon kung big deal sakin?! Bakit?! Gaano ba kahalaga yang phone mong napagiwanan na ng panahon??!"
"So?! Ano ngayon kung napagiwanan na?! Bakit? porket mamahalin na mga phone niyo bawal na yung akin?!! Ha?!! Napakasama ng ugali mo!!" *sobs*