Chapter 15

74 5 4
                                    

Part 2.

Ella's POV




Magsisimula na yung party medyo kinakabahan na excited ako sila Camille kasi nasa may upuan na nila, sana di ako magkamali mamaya sa ipe-perform ko.

"Okay guys! punta na kayo dun sa harap may mga names naman sa upuan niyo para di kayo malito."

Sabi nung isa sa mga organizers. Kasama din pala sila Johann sa mga organizers, di ko inaakala na sumasali pala sila sa mga ganitong club.

Lumabas naman na kaming sampu dun sa unahan, ang daming tao. Kinakabahan ako, nakita ko naman sila Camille saka Alex may kung ano silang hawak di ko maaninag medyo yung ilaw kasi harang. Nakita ko din yung naka mascot na nasa gilid, walang ginagawa napangiti ako dun knowing na si Migs ang nasa loob nun.

"Let's give them a round of applause."

Pinakilala lang din naman kami nung emcee tapos yung magpe-perform na panghuli ay ako daw, kasi ako lang yung kakanta lahat daw sasayaw, so ayun pumunta na muna ako ng backstage. Sinalubong naman ako nila Alex dun.

"Grabe Ella ang ganda mo dun swear haha pero halatang kinakabahan ka hahaha."

"Oo nga Ella wag ka ngang kabahan walang mangyayari sayo saka baka mamali ka magperform mamaya sige ka."

"Grabe kayo sakin wag naman sana akong mamali huhu kinakabahan talaga ako eh."

"Wag ka mag-alala ichi-cheer ka namin para di ka kabahan saka alalahanin mo si Ethan nakamascot isipin mo na lang yun hahahaha."

"Oo nga girl hahaha magbihis ka na dun baka mamaya ikaw na susunod na magperform."

Kinuha ko naman yung damit at pumasok sa cr para magpalit. Matapos ang isang minuto lumabas na ako ng cr at nakatitig lang yung dalawa sakin okay?? Pati yung ibang nasa backstage nakatingin sakin.

"Alex?? Di ba bagay sakin?? Bat kayo ganyan makatingin??"

"Girl? Model ba mommy mo? Or artista ba daddy mo??" tanong ni Camille

"Ha?? Hindi ah bakit niyo naman natanong??"

"Girl ang ganda mo!! Omg bagay na bagay sayo yang white dress omg omg." masayang sambit ni Alex

"Mas lalong maiinlove si Ethan sa'yo eh yiieee hahahaha" pang aasar ni Camille

"Oo nga omg buti na lang at eto pinili natin no Camille." Sabay high five nung dalawa

"Yeah!!"

"Girl! Kaya mo yan okay?? Wag kang kabahan isipin mo na lang mga insecto lang kami hahaha"

"Ikaw lang insecto Camille hahaha. Break your leg Girl!!"

Tapos tinapik nila balikat ko wooo kaya ko to! Fighting! Habang kinokondisyon ko sarili ko sinabihan na ako magready na kasi pagkatapos nila magperform ako na. Kinuha ko naman guitara ko at inayos 'to baka wala sa tono pag tumugtog na ako.

"Goodluck bitch!"

Napatingin ako kay Johann nginitian ko lang siya pero mukhang nainis kaya umalis bigla kasama si Nicole saka may dalawang babae pa.

"Okay Ella ikaw na susunod ready ka na ba?"

"Yup ate ready na po ako."

"Sige. Goodluck."

"Thanks po."

Nag-pray muna ako saglit bago umakyat ng stage. Lahat nakatingin sakin nakita ko sila Camille saka Alex na ang laki ng ngiti kaya napangiti din ako, kaya ko to! Go Ella kaya mo yan! Tapos umupo na ako at nagsimulang magstrum.

Stay With Me (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon